BV Eight

76 1 0
                                    

                     BV8: [The Other]

Magmula ng araw na yun ay di na nawala sa isip ni Greg ang mag ina. Parati niyang naaalala ang mukha ng bata lalo na ang ina to nang ipapakilala sa kanya.

Kumikinang ang mga mata. Proud na proud na nagkaroon ito nang anak sarili nitong pagsusumikap.

Nagawang nitong gawing magisa ang dapat ay magkasama sana nilang ginawa kung di lang siya nagpadala sa emosyon at sa isiping di siya nito mabibigyan.

Bumalik lahat nang naramdaman niya noon. Oo lumayo siya at naisipan pang makipag annul dito pero hindi niya nakuha ang kaligayahan na gusto niya.

"Yanna?" tawag ng lalaki kay Avy. Nasa isang restaurant sila upang makapagusap. Buti na lamang talaga na pumayag ito matapos niyang magpabalik balik sa bahay ng dating in laws.

"Ahm, I'm sorry but how did you know me?" Gulat namang lumingon si Avy, samantalang si Greg ay naging alerto.

"Oh, so sad you didn't remember me, but it's okay naka under general anesthesia ka kasi noon, but anyway I'm Bryan your donor." mahinahong pagpapakilala ng lalaki.

"Oh my! Gosh, I'm sorry I didn't recognize you right away. Why you here? May kasama ka?" biglang tayo ni Avy at niyakap ito nang bahagya. Dun mas lalong nilamon ng takot at inggit ang buong katawan niya.

Inggit dahil ni isang beses ay di pa yun nagagawa ng dalaga sa kanya magmula nang magkita silang muli.

"Wala, nasa kabilang building yung pakay ko but nakita kita so dumaan na lang ako to say hi. By the way, una na ko. Enjoy your meal!"

"Salamat, sige ingat ka ah!" masayang paalam ng babae pero ang feeling ni Greg ay lalong sumama nang makitang masayang nakikipagusap sa Bryan si Avy.

"Yep thanks!" sabay lakad palabas na.

"Where are we?" muling baling ni Avy kay Greg. Malungkot na ngumiti lang ito at bumalik na rin sa pagkain.

Hanggang sa paguwi ay tahimik si Greg. Kung di dahil sa bata ay di pa talaga sila maguusap.

*****

Mula ng araw na magkita ulit sina Avy at Bryan at nang malaman nito kung saan nakatira ay paminsan minsan na itong dumadalaw sa mag-ina na kinaiinis ni Greg.

Inis dahil parati na itong nakakasama ng dalawa kaysa sa kanya, kung kelan siya bumabawi ay doon pa ito susulpot. Lalo lang nadagdagan ang insecurity niya sa katawan. Lalo pa sa tuwing nagkakasundo ito pagdating sa bata.

Tuwing nangyayari ay binabalot na naman ng panghihinayang dahil kung nandoon lang siya ay siya sana ang naging katuwang nito kung hindi niya ito iniwan noon. Tuwing naiisip niya kahit gustuhin man niyang magalit sa lalaki ay di magawa.

Nadoon kasi ito sa panahong binubuo ni Avy ang sarili at pangarap nito. Kahit pa nga sabihing donor lang ito at walang anumang namagitan sa dalawa ay may dugo at laman pa rin ng lalaki ang bumubuo sa bata kaya't ganun nalamang talaga ang inggit niya pag magkakasama ang tatlo.

Pero di ito ang magiging dahilan ng pagsuko niya. Nararamdaman niyang binubuksan na ni Avy ang puso para sa kanya.

*****

Masayang naglalakad si Greg papunta sa parke. Habang papalapit siya ay unti unting nawala ang ngiti niya dahil sa di kaaya ayang eksenang naabutan.

"Ang laki na niya no? Gusto ko na tuloy magka little Sweet para may naglalambing na din sakin ng ganyan."

"Oo nga, lumalaki siyang healthy kahit naging komplikado noon. Bakit di ka pa kasi magsettle down para magkaroon ka na rin tas ngayon maiingit ingit ka dyan."

Broken Vow [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon