BV Four

37 1 0
                                    

                    BV4: [The Upturn]

After a year...

"Corn, pacheck up na kaya ako no? Isang taon na kasi tayong sumusubok pero wala pa din si Happy" malungkot na sabi nito.

Ang Happy na tinutukoy nito ay ang pangalan nang magiging anak nila. Habang tumatagal nga ay lalong kinakabahan si Avy na baka may problema siya kaya't hanggang ngayon ay wala pa din.

"Wag atat, baka on the way na siya. Wait ka lang, isang taon palang naman mula nang sumubok tayo eh." Kahit gusto na rin ni Greg ay ayaw naman niyang ma pressure ito kaya di niya minamadali ang asawa, sa tuwing nagrarant nga ito sa kanya ay lagi niyang pinapagaan ang loob nito.

"Eh kasi natatakot ako pano kung kaya pala di pa tayo makabuo kasi baog ak-" napahinto si Avy ng ilapat nito ang hintuturo sa labi niya.

"Nope, stop thinking that way. I know both of us are excited pero di tama ang pag-iisip ng ganyan. Malay mo mabagal lang lumangoy yung baby sperms ko o kaya snobber yung egg cell mo kaya ganun." seryoso man ang pagkakasabi ay napatawa niito si Avy.

"Ikaw talaga kinakabahan na nga ako puro ka pa kalokohan dyan." sabay bunghalit ng tawa.

" Oh bakit? Kalokohan nga atleast napatawa naman kita. Wag na kasi malungkot." hinila naman nito ang asawa at niyakap "Oh ganito nalang pag may nahanap kana na OB, set an appointment for the both of us okay?" tumango tango lamang ito habang may ngiti sa mga labi.

"Ayan smile ka lang dapat. Hmm kaya siguro wala pa si Happy kasi yung pagtitirhan niya ng siyam na buwan eh grumpy masyado." Hawak ni Greg ang tyan ni Avy, matapos sabihin yun ay isang hampas ang natanggap niya.

"Talaga to. Sabi mo yan ah. Bukas maghahanap ako." excited na inayos nito ang higaan at humiga sumunod naman si Greg. Bigla naman siyang may maalala.

"Oo nga pala no? Bakit maghahanap pa eh you know Lorraine right? our close friend, OB yun eh. I'll try to ask her tommorow."

"Okay inform mo agad ako after para mapaclear ko yung sched kay Ricky ha," Secretary nito.

"Yep pasensya na ah. Gusto ko lang namang malaman na if ever kung may problema man, wala naman sana, eh magagawan na natin paraan diba?" naglalambing na yumakap ito kay Greg.

"Oo naman okay lang Vy basta mapanatag ka lang. Sana kung ano mang resulta ay tandaan mong nandito lang ako at also remember na di tayo nagmamadali ha? We can take all of the time for this." sabay kintal nang halik sa noo nito.

"Opo. Tara tulog na tayo." saad nito sabay hikab. Sabay namang nahiga ang dalawa at nakatulog na nga.

*****

Appointment day...

"Vy, what time nga yung appointment natin. I know ngayon yun eh but nalilito ako sa oras." Tanong ni Greg habang nasa banyo.

"Two pm po. Dun tayo sa clinic ni Lorraine magpacheck up. Remember her?" Habang busy sa paghahanda ng susuotin ng asawa.

"Oh yeah. She has a clinic already?" tumango naman ang asawa.

"Oo. Nung tinawagan ko siya dun ko lang din nalaman. Kinakabahan ako Corn."

"Relax ka lang Vy. So pano sasaglit muna ako sa office to check some things then balik nalang ako by lunch para sabay na tayo okay?"

"Pwede bang pumasok nalang din ako? I need to calm down."

"Nope I just informed Emmie that your not coming today. You need relax and ready okay? Just wait for me hmm?" sabay dampi ng halik sa noo nito.

Broken Vow [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat