BV Nine

60 1 0
                                    

                      BV 9: [Trying Again]

"I'm sorry Greg..."

"Vy... No, don't do this to me. Kung hindi mo pa kaya ngayon willing naman akong mag antay, wag mo lang akong ireject. Please.. I can do and will do anything.."
Nagulat naman siya ng marinig itong hirap na sa pagpigil ng tawa.

"Vy?"

"I'm sorry medyo natawa lang ako. Im just testing. Ang cute mo lang kasi kanina."

"Wala namang ganun Vy, you can joke of anything but not this okay? Alam mo bang kulang nalang malaglag yung puso ko dahil sa paraan bg pagkakasabi mo nun?"

"Oo na po."

"So? Accepted na ba ako o I need to make another plans to get you."

"I accept you. Corn"

Sobrang saya talaga ng araw na yun.

Thanks God for the chance again.

Ngayon nga ay nasa harap na naman siya ng bahay ni Avy. Ito na ang naging routine niya every weekdays at tuwing weekend naman ay nasa bahay siya mula umaga hanggang hapon para makipagkulitan kay Sweet Miracle.

Sa sobrang overwhelming sa pakiramdam na tinaggap na siya ni Avy ay halos dun na siya tumira sa bahay ng mag ina.

*ding dong*

Di na siya nagulat ng may tumitiling tinig ang narinig niya papalapit sa kanya.

"Tito Greg!" patakbong sigaw nito.

"Baby Sweet!" ngiting sigaw niya din.

Nakatanaw lamang si Avy sa dalawa. Natutuwa siya, mas lalo kasi itong naging bibo ng malaman na nagkaayos na sila ni Greg.

Actually as of now parang back to courting stage sila. But as Greg say, he wants to take everything slow. They want to build their relationship again and make memories together with their daughter. Speaking of their daughter nagpaalam nga itong palitan ng apelido nito ang kasalukuyang surname ng bata sabi niya bahala na ito, pero ito rin ang bumawi at saka nalang daw kapag okay na lahat.

Bumalik sila back in where they are just in a boyfriend-girlfriend relationship.

******

Laking gulat ng dalawa ng magsisulpultan ang mga kaibigan.

"Avy totoo ba? Naku!"

"Uy Greg letse ka, ano na namang sinabi mo kay Avy at napaniwala mo siya."

"Uy g*go! Ginayuma mo na naman si Avy. Ikaw naman Avy nagpauto ka naman"

"Shhh marinig kayo ng anak ano ba yan. Paki hinaan pwede? Tsaka isa isa lang." lumapit naman si Greg at pinulupot ang braso sa beywang ni Avy.

"Uy ano yan, bitaw nga Greg hanggang ngayon napakalandi mo pa rin." Napatawa na lamang ang dalawa dahil sa mga inaasta ng mga kaibigan. Lumapit pa talaga at pinaghihiwalay silang dalawa.

"What? She's my wife, so what's the problem?" Saad ni Greg

"Teka nga muna anong meron at nandito po kayo?"

"Gusto naming malaman kung totoo nga!?" Sabay sabay na sigaw ng lahat.

Napangisi na lamang si Greg samantalang si Avy napailing nalang.

"Oh siya kuha ko lang kayo ng merienda ah?" At agad namang nagpunta sa kusina.

Pagbalik niya laking gulat ng magsapakan na ang mga lalaki. Agad niya itong inawat but when she saw Greg is smiling and the rest of the boys are grinning nawala ang kaba niya. Nakalimutan niyang ganito nga pala sila.

Broken Vow [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang