☢️ CHAPTER 11☢️

Start from the beginning
                                    

He proceeds to my kitchen and I follow him.

"Thank you for accepting my dinner invitation." masayang saad ni Krypton habang sine-set up ang dinner namin. "I was woried you would turn me down."

I roll my eyes. Kung alam mo lang.
Tinignan ko ang dinala niyang dinner at hindi ko mapigilang hindi magtakam. They look so delicious.

"Sit down, Twilight."

Sinunod ko siya at umupo. Nagsimula na kaming kumain at hindi ko mapigilang mapangiti sa sarap ng pagkain.

"Masarap ba?" tanong ni Krypton.

Tumango ako at tumuloy sa paglamon.

"So, uhm.  .  ." napatigil ako sa pagkain at tinignan si Krypton. He looks like he's debating with himself.

"Ano yun?"

"Uh, si Kent.  .  ."

Binaba ko ang kutsara ko. I knew it, sabi ko na nga ba, magtatanong siya tungkol kay Kent.

"Bakit si Kent?" tanong ko kay Krypton. Curious ako kung anong sasabihin niya tungkol kay Kent.

He looks up to meet my gaze. "How long have you known him?"

"Uhm," hindi ako sigurado kung paano sabihin sa kanya. "He was someone I've known a long time ago. We sort of, uh, have an unforgettable history."

Krypton's eyes narrowed to slits at napansin kong umigting ang panga niya at nakakunot ang noo. "Someone like an ex?"

Napatawa ako ng mahina kahit na mukhang galit si Krypton. "Hindi ko siya ex."

Krypton visibly relaxes.

"He is someone special to me." dagdag ko at bumalik ang galit niyang mukha.

Inis na binitawan ni Krypton ang kutsara niya at marahas na napabuga ng hangin. "How special is he to you?" He is almost glaring at me.

I open my mouth to speak up pero walang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam paano sabihin sa kanya. Ayoko din naman na biglang mag-open up sa kanya tungkol sa nangyaring kidnapping sa amin ni Kent.

Biglang napatayo si Krypton at lumapit sa akin. Huminto siya sa side ko at walang sabing hinawakan ang upuan ko at pinaikot paharap sa kanya. Napasinghap ako sa ginawa niya. Ganon ba ako ka-lightweight at nagawa niya yun ng walang kahirap-hirap?

"Twilight.  .  ." He whispers as he bends down until his face is just inches from mine and I'm trapped in between his arms. "I f*cking hate it that he's someone special to you."

Napalunok ako. His closeness is clouding my mind. E ano naman kung special sa akin si Kent? Gusto ko siyang tanungin kung bakit ba siya apektado ng ganito pero napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. His intense gaze upon me is making me uncomfortable and lost for words.

"Don't bite your lip. It makes me want to kiss you right now."

My eyes widen at his words. Umiwas ako ng tingin at tinulak siya. Tumayo ako at tumalikod papunta sa bathroom. "Naiihi ako." bulong ko at nagpatuloy sa paglakad. It was a lame excuse but it was all I could think of to get away from him.

Nang makapasok ako sa bathroom, pinakalma ko ang naghaharumentadong puso ko at naghilamos. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at namumula ang pisngi at tainga ko. Aissh.

Naghilamos ulit ako bago lumabas ng bathroom at bumalik sa kusina. Nakabalik sa kanyang upuan si Krypton at tahimik na hinihintay ako. He looks up as I approach the table but I don't meet his gaze.

Bumalik ako sa upuan ko at tahimik na kinain ang natitira sa plato ko. Sinulyapan ko ang plato ni Krypton at wala na itong laman.

"Tapos ka na?" simpleng tanong ko sa kanya trying to act like nothing awkward happened a while back.

Tumango lang siya at pinagmasdan ako. Nararamdaman ko ang mga titig niya kaya mas binilisan kong kumain hanggang sa naubos ko ang laman ng plato.

"Thank you for the dinner." sincere kong sabi sa kanya. His angry look is gone and now he's just regarding me with a poker face.

We silently clean up the table and moments after, I'm walking him to the door.

"Uhm, salamat sa pagkain." Alam kong nagpasalamat na ako kanina pero yun lang naisip kong masabi.

Napabuntong-hinga si Krypton at humarap sa akin. Under the dim light around us, his eyes shine with a sad glow.

"Twilight, I wasn't kidding when I said I want to kiss you." Napatingin ako sa mga paa ko. Ayokong pag-usapan yun.

Bigla kong naramdaman ang kamay ni Krypton sa likod ng ulo ko at hinila ako palapit sa kanya.

"But I will just settle with this. For now." He bends down and I felt his soft lips on my forehead. " Good night, Twilight. Ingat sa duty mo mamaya."

Binitawan niya ang ulo ko at ngumiti siya bago tumalikod at naglakad papunta sa sasakyan niyang nakapark.

Napahawak ako sa puso ko. Shems, ang bilis ng tibok. What the heck was that? It was just a forehead kiss pero sobrang bilis ng pagpintig ng puso ko.

***

"Twilight, anong oras tayo pupunta bukas sa birthday party ni Kent?" Excited na tanong agad ni Neil pagpasok ko sa duty.

"Magdi-dinner lang tayo dun." Sabad bi Alee.

Ngumuso si Neil. Alam kong gusto niyang magparty pero hindi pwede kasi may duty pa kami pagkatapos.

"Siya nga pala, Twilight," bumaling si Neil sa akin. "anong meron sa inyo ni Kent? Nagulat ako pati kami inaya niya. Anong history niyong dalawa?"

Nagtinginan kami ni Alee. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila. Tanging si Alee at parents ko lang nakakaalam.

"Uh, excuse me." Saktong may dumating na pasyente for x-ray kaya naputol ang usapan namin and for the rest of the duty, nakalimutan na ni Neil ang tanong niya.

Kinabukasan, saktong 7 AM, nakapag-endorse na kami at handa ng mag-out. Excited kaming lumabas at naglakad patungong parking lot. Napagsunduan namin na 6 PM kami pupunta sa nasend ni Kent na address niya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa. "Bye, girls. See you at the party!" paalam ni Neil bago siya sumakay sa sasakyan niya.

"Dinner nga sabi eh." mahinang sabi ni Alee na nasa tabi ko at napangiti na lang ako. Mukhang hindi lang ako ang excited sa pa-dinner ni Kent.

"What party?"

Napawi ang ngiti sa labi ko at namilog ang mga mata ko pagkadinig ko sa boses na yun.

---

Thank you for voting😘❤️
Have a great night everyone ❣️
God bless and stay safe po tayo.💞

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now