Chapter 17

57 6 0
                                    

Nanginginig ang kamay ko, hindi dahil sa lamig, kung hindi dahil sa narinig ko. Alam kong may posibilidad na si Alyanna pero hindi ko alam kung bakit pati ako nadamay. Paano? Bakit ako? Gusto kong lunukin nalang ako ng tubig para naman mabawasan ang guilt na nararamdaman ko.

"What? Paano nangyari? Hindi ko maintindihan kung bakit pati ako. Sabihin mong binibiro mo lang ako, Rai." hinawakan ko pa siya sa braso.

"No, I'm not. I'm sorry Maze, I deserve your punch, slap or even the harsh words from you." tumungo siya at parang nagu-guilty.

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil isa ako sa dahilan kung bakit sila nasira ni Jav. Hindi ko alam ang kwento pero alam ko na nagsasabi ng totoo si Raizen. Napakatanga mo Mazequine. Bakit ko hinayaan na masira sila nang dahil sa amin.

"Why are you saying sorry? Ako dapat ang mag sorry sa inyo, dahil nasira kayo-"

"Because I used you for my revenge."

Napatigil ako at walang namumuong salita sa utak ko. Nanginginig ako. Hindi ko maramdaman ang sarili ko. Totoo ba 'to? Ginamit lang ako ni Rai? Hindi niya talaga ako mahal o kahit gusto lang? Pero para saan? At nasagot ang mga katanungan sa utak ko nang magsimula muli siya.

"I used you for my revenge to Jav, and to make Alyanna jealous. Ginamit kita para parusahan sila." hindi siya makatingin sa mata ko nakatungo lang siya at pinaglalaruan ang tubig.

"No Raizen, hindi yan toto-"

"Totoo Maze. Gusto ni Alyanna si Jav kaya kami nag hiwalay. Sa sobrang galit ko ay pinag planuhan kong lapitan ka dahil alam ko na mahal ka pa din niya. Ginamit kita para saktan siya emotionally. Pero nalaman niya, kaya ginamit niya rin si Alyanna laban sakin."

Tuloy tuloy na bumagsak ang mga luha ko nang mag sink-in sa akin lahat. Ang sakit, sobrang sakit. Napahawak ako sa puso ko bago malamig na tumawa. Nakakaputangina lang. Akala ko kasalanan ko, halos gusto ko nang tumalon sa pool dahil sa sobrang guilt na nararamdaman ko tapos ako pala ang biktima.

Malakas ako na tumawa na para bang wala sa sarili habang tumutulo ang luha at napatingin siya sa akin. Nagulat siguro sa pag tawa ko, dahil kahit ako ay hindi ko makilala ang tawa ko.

"Mazequine."

"All this time Rai, all this time ginagamit mo lang ako." tumawa ulit ako na parang nababaliw.

"Maze."

"Tangina. Ang gago ko kasi hindi ko yon nahalata. You make me feel that I'm your moon, hindi ko naman akalain na star lang ako na nakapalibot sa buwan mo."

"You became my moon Maze, not until Alyanna came back."

"Sinungaling."

Saglit kaming natahimik at parehong nakatingin sa malayo at naghahanap ng sasabihin sa isa't-isa. Alam ko na ngayon ang pakiramdam ng maloko ng harap harapan. Wala akong ideya kung saan nagsimula ang lahat at kung may totoo ba sa mga pinakita niya pero wala rin akong lakas ng loob magtanong dahil hindi ko pa kaya marinig na pinaglaruan ako ng dalawang magkaibigan.

"Trust me Maze! Sinusubukan na kita mahailin. Tinuturuan ko na ang sarili ko na piliin ka. Pero bumalik si Alyanna, at doon ko na realize na hindi siya nawala sa akin, na hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya."

"How can I trust you Rai kung minsan mo na akong ginago? How? Tell me how can I trust someone who only know is to make me question my worth? How can I trust both of you this time kung umpisa pa lang ginagago mo lang pala ako." Tumayo ako at mabilis rin siyang tumayo para hawakan ako sa braso at pigilang tumakbo palabas.

Hindi ko makita ang Raizen na sinubukan kong mahalin. Ang lalaking sinubukan kong pagkatiwalaan ulit. Wala akong ibang makita kung hindi ang manlolokong lalaki na nasa harapan ko.

The Game of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon