Chapter 8

75 9 15
                                    

Pagtapos ng pag-uusap namin ng mga pinsan ko sa GC ay natulog ako at gabi na nang magising. Naligo muna ako bago hinayaan na mag charge ang phone ko. Bumaba na ako sa kusina dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Pagbaba ko ay sakto na nasa bahay na si mama at pinapagalitan niya si kuya.

"Nako, Daveson! Bente kwatro ka na kaya tigil-tigilan mo na ang ang pagsama sa mga kalokohan ng pinsan mo. Mag aasawa ka na ang tigas-tigas pa rin ng ulo mo," kinotosan ni mama si kuya bago umupo sa harapan niya.

"Nako,ma, as if naman makikinig yan," humalik ako sa pisngi ni mama bago ako umupo sa tabi niya.

"O anak kumain ka na, hindi ka na namin ginising dahil mukang pagod ka." ngumiti lang ako kay mama bago nag-simulang kumain.

Hindi natigil sa pagsermon si mama kahit kumakain kami kaya hindi ko mapigilan ang matawa sa mukha ni kuya. Paulit-ulit sinasabi ni mama na mag-aasawa na si kuya kaya mas lalo napipikon ang isa.

"Ma! naman e, hindi pa ako mag aasawa, wala pa akong sariling bahay. Kung mag aasawa ako saan kami titira, sa condo ko? Ano kakainin namin, daliri? Ayaw ko umasa sa 'yo,kasi gusto ko kapag nagka-pamilya ako, ako mismo ang bubuhay sa kanila." napangiti ako sa mind set ni kuya.

Kahit naman abnormal 'yan minsan ay matino pa rin 'yan mag-isip. 'Yon ang paulit-ulit n'yang sinasabi kapag pinapagalitan s'ya ni mama at ipinapasok ang topic na mag-aasawa na siya. Minsan nga ay iniisip niya na pinapaalis na siya ni mama dahil lagi siya tinutulak para mag-asawa na.

"Oo na, basta, make sure na hindi ka na sasama sa kung ano mang kalokohan naiisip nila Zion pag-uwi nila rito," tinuro pa ni mama ng tinidor si kuya.

"Wag ka na umasa ma, alam mo ba? Si kuya 'yung laging nagpa-plano ng mga kalokohan na ginagawa nila," dahil sa sinabi ko ay nakatanggap ako ng pitik sa noo galing kay kuya.

Sakit.

"Hoy Mazequine! Makapag sumbong ka ha. 'di ka kasali? 'di ka kasali? T'yaka si Zion naman ang laging nag pa-plano ha, sumasama lang ako," binelatan ko lang siya dahil halatang napipikon na.

"Tumigil na nga kayo, pareho lang naman kayo magkapatid." suway sa amin ni mama.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain at hindi na kami nagbangayan pa ulit ni kuya. Si mama naman ay sunod sunod ang kwento at halos puro pangaralan ang naririnig namin.

"Uuwi ka ba bukas dito?" tanong ni mama nang ibaba ko ang utensils dahil tapos na ako.

"Yes! maybe after my pictorial with the Ez magazine," ibinaba ko ang baso na hawak ko nang matapos.

"Oh, what about the billboard? I heared na ikaw nanaman ang magiging model sa isang sikat na brand," hindi ako tinapunan ng tingin ni kuya dahil focus siya sa ML niya.

"Yup, ang sabi sa akin ni ate Ara may partner daw ako," sumandal ako sa upuan ko dahil tapos na ako kumain.

"Really? Sino ka partner mo?" excited na tanong ni mama.

"I don't know, ma, hindi ko pa nababasa ang contract ko. Bukas nalang hawak naman na ng manager ko, e," walang buhay kong sagot.

"Sana si Javris nalang," lumambot ang muka ni mama nang sabihin niya ang pangalan ni Javris.

Mula nang maghiwalay kami hanggang ngayon ay botong boto pa rin siya kay Javris. Palibhasa naging anak din ang turing niya at umaasa siyang may matinong dahilan si Javris sa nangyari sa amin.

"Ma, matagal na ako hindi tumatanggap ng project na kasama si Javris." halos mapa-irap ako dahil alam naman nila 'yon pero umaakto pa rin sila na parang hindi.

"Pero may chance pa rin na kayo ang maging mag partner dahil malaking project 'to at kayo ni Jav ang may pinaka matunog na pangalan sa industriyang ginagalawan niyo." uminom si kuya ng tubig bago nagpatuloy sa pag lalaro.

The Game of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon