Chapter 37

42 4 0
                                    

SLIGHT R-18

"Mag movie marathon nalang tayo after mag date love"

"Kung 'yun ang gusto mo"

Tinap nya ang ulo ko bago pumasok sa national book store. Namimili kase kami ng mga gamit para sa office nya, medyo makapal din muka ng doctor na 'to, kase naman humingi ng vacation leave ng 2months.

Sumunod na ako sa kanya sa loob at hinayaan syang magtingin ng nga notebooks and ballpen habang tulak tulak ang cart, ako naman ay tumitingin ng mga highlighters at ilang gamit para sa study table ko sa bahay nya. After kase ng balikan namin ay sa kanya na ako tumitira dahil hindi pa naayos yung binili kong lupa sa Batangas. Yeah, bumili ako ng lupa sa batangas para naman kapag gusto ko mag unwind malayo sa mga kaibigan ko at kay Jav. Napag usapan na rin naman namin ni Jav na mag lilive in muna kami hanggang sa makasal na lahat ng kaibigan namin na nauna nang ma engage.

Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko kaya sinagot ko ang tawag ni ate Arvie.

"Ate"

[May nahanap na kami ng kuya mo na lupa sa Quezon city, isesend ko ang address at puntahan mo nandito kami ngayon]

Hindi na ako pinagsalita na kaagad ni ate yung tawag. Lumapit ako kay Jav na busy sa pamimili ng mga folders.

"Love"

"Hmm?"

Nakatingin lang sya sa dalawang folder na nasa kamay nya habang kinakausap ako.

"Daan tayo sa Quezon City after natin dito, may nahanap na daw sila kuya na pwedeng pag pagtayuan nila mama ng business"

"Sure love"

Binaba nya ang isang red na folder at nilagay naman nya sa cart ang color blue, ano naman pagkakaiba nun? Kulay? Minsan talaga ang weird ng boyfriend ko. Nagsimula syang maglakad para magbayad sa counter. Lumabas naman na ako at hinintay sya. After 5 minutes ay may naramdaman na akong umakbay sakin.

"Let's go"

Nagsimula kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa parking lot, nilagay nya ang mga pinamili namin sa compartment bago sumakay at inistart ang engine.

"Address po miss"

Natawa ako sa tono ng pananalita nya na parang isang taxi driver at nagtatanong kung saan nya ibababa ang pasahero nya.

"Bakit ka po natawa miss?"

"Tigilan mo'ko Javris, muka kang driver"

Natawa din sya sa sinabi ko bago ko pinakita sa kanya ang sinend ni ate Arvie na address sakin.

"We have 1 hour para makarating dyan, matulog ka muna"

Inajust nya ang upuan ko para maging komportable ako sa pagtulog at inabot nya rin ang kumot at unan na nasa likod bago ako inalalayan na maayos. Nang maging komportable ako ay nagpatugtog sya at sakto naman na favorite song namin ang umeere.

"You're still the one"

Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko na umusad na ang sasakyan. Nagising ako nang maramdaman ko na may paulit ulit na humahalik sa labi ko.

"I know you are awake, open your eyes and don't pretend"

Minulat ko ang mata ko at nakit ko ang muka ni Jav na sobrang lapit sa muka ko.

"Why are you kissing me?"

"To wake you up"

"Ganyan ka ba mang gising? Kung ganyan lang din naman pwede bang oras oras nalang ako matulog?"

The Game of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon