Chapter 12

58 8 1
                                    

Madaling araw na ay hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang tweet ni Raizen kaya sinubukan ko syang tawagan pero hindi na siya sumasagot. Tulog na yata.

Bigla nalang akong napatingin sa bintana ng kwarto ko kung saan kitang kita ang buwan at bituin sa labas. Napangiti ako pero nawala rin nang maalala ko si Jav. Wala na sa isip ko ang nangyari kanina pero bumalik lahat ng nangyari sa amin ni Javris. Sobrang sakit ng nangyari sa akin kaya hindi ko kakayanin kung babalik ulit ako kay Jav, dahil siya ang dahilan kung bakit ako dumating sa punto ng buhay ko na mas gusto ko nalang mamatay.






Naiinggit ako sa mga kasama ko dahil ang saya nila, habang ako, ito, naghihintay na mag text sa akin si Jav.

"Nako Maze! Uminom ka na, 'wag mo na hintayin si Jav," inabot sa akin ni Xeilone ang isang rum.

"Mamaya na hihintayin ko nalang si Jav, tumawag siya, sabi niya kahit ano mangyari pupunta siya."

"Ilang beses na ba nangako si Jav pero hindi naman siya tumutupad? Hindi na mabilang ang mga pinangako niya na naging bato,ln" nilagok ni Kheila ang alak niya na nasa bote bago umirap sa akin.

"Girls intindihin niyo nalang, busy lang siguro siya kaya gano'n," pagtatanggol ko kay Jav.

"Maze, wakeup! Dati kahit gaano siya ka-busy nagagawa niya magtext o tumawag sa 'yo, nagagawa niya rin na isingit sa oras niya ang makita ka kahit ilang minuto lang." napairap din sa akin si Eizea.

"Maze, lalaki kami kaya alam namin na may mali na sa relasyon niyo ni Jav." si Fyxier naman ang nagsalita.

"Guys, please, ako na ang bahala kay Jav, maaayos namin 'to." pangungumbinsi ko sa kanila.

"Bahala ka, martir!" pasmado talaga bibig ni Khrystine, e.

Hinayaan ko lang sila na mag ingay at mag-inuman habang ako ay pinapanood lang sila at maya't maya ang tingin ko sa phone. After a couple of hours my phone vibrates and its Jav, calling.

[Hello Maze]

"Love"

[Nandito ako sa labas]

"Sige lalabas ako," pinatay ko ang tawag ko at humarap sa mga kaibigan ko.

"Himala, tumupad sa pangako," sarcastic na sabi ni Koleen.

"Sabi naman kase sa inyo, e,"

Nagmadali akong bumaba at hinawi ang mga taong nadadaanan ko. May nakikita na akong nag mamake-out at lasing na pero hindi ko na sila pinansin. May nakabunggo pa akong lalaki pero hindi ko na nagawang tignan at humingi ng sorry dahil sa pagmamadali ko makalabas ng Baristo. Nang makalabas ay nakita ko agad si Jav na  nakaupo sa isa sa mga bench.

"Bakit ka nandito? Tara pumasok ka na, kanina pa kita hinihintay." hinila ko siya patayo pero hindi siya gumalaw at tumingin lang sa akin.

"Hindi na, aalis din agad ako, babalik nalang ako mamaya may aayusin pa kasi ako, pwede mo ba akong hintayin?" nalungkot ako sa sinabi niya pero ngumiti lang ako.

"Sure, mag aantay ako," hinalikan niya ako sa noo bago umalis.

Pumasok ulit ako at hindi pinakinggan ang sinabi ng mga kaibigan ko about kay Jav dahil puro masasakit lang naman. Gusto ko siya ipagtanggol pero hindi ko magawa dahil alam ko na tama silang lahat.

Uminom nalang ako at paminsan minsan ay nakikisabay sa kwentuhan nila kahit wala akong gana. Nagpatuloy sila sa pagsasaya hanggang mag madaling araw at nag-decide sila na umuwi na.

The Game of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon