Chapter 2

1 0 0
                                    

    "Mabait na bata si Rita. Masayahin at talaga namang lubos na mapag bigay, siya yung tipong pwede mong lapitan kapag kailangan mo ng tulong. Masiyado pa siyang bata para mawala, marami pa siyang gustong gawin. Lagi niyang sinasabi sa akin, na kapag nakapag ipon na siya ay babalik siya sa pag-aaral para tuparin ang mga pangarap niya."

    "Wala siyang ibang inisip kundi ang mapasaya kaming magulang niya, sa hirap ng buhay ay hindi na niya tinapos ang pag-aaral para magtrabaho at tulungan kami sa mga bayarin. Anak patawad, nasayang ang buhay mo sa amin."

    Huling mga salita ito ng mga magulang ni Rita bago pa man ibaba sa hukay ang kaniyang labi. Maraming humahagulgol sa iyak, mayroon namang tahimik lang sa gilid at nakikiisa sa pagluluksa ng pamilya ng dalaga.

    Pumunta at nakipag libing sina Keith at ang iba pang katrabaho ng pumanaw na kasamahan. Kapwa nakikiramay sa mga nawalan

    Ilang araw na ring blanko ang isipan ni Keith, hindi niya rin mawari kung bakit siya nagkakaganon. Pakiramdam niya ay hindi dapat siya andoon dahil bagaman nakakaramdam ng lungkot sa tingin niya ay hindi naman ito singtindi ng sa iba pang mga tao na nakipag libing kasama niya. Pero bukod sa kaunting lungkot, ano ba talaga ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon?

    Marami pa siyang pangarap? Patawad dahil nasayang ang buhay niya? Ganon din kaya ang sasabihin ni mama at ng mga kapatid ko kung sakaling nangyari rin ito sa akin? Nakaramdam ng kakaibang kirot ang dalaga sa kaniyang dibdid kaya naman tumayo na siya at lumapit sa mag-asawang tahimik na nahikbi habang nakatitig pa rin sa lupang pinaglibingan sa anak

    "Mauuna na po ako Mr. at Mrs. Tanyag" paalam ng dalaga, agad siyang umalis at hindi na hinintay pa ang tugon ng mag-asawa sa tingin niya'y kailangan ng mga ito ng oras mag-isa. At mukhang kailangan niya rin nito.

***

    Ilang buwan na rin ang lumipas, kung titignan ay mistulang nagbalik na sa dati ang lahat. Nanumbalik na sa dati ang opisina, mayroon na ring ibang nakapwesto sa inuupuan ng dalagang pumanaw. Parang ang bilis naman nilang makalimot.

    Kung nung mga nakaraang buwan ay tila nananawa na ang dalaga sa araw-araw na tila walang pinagkaiba sa bawat isa. Ngayon ay hinihiling niya na sana ay nanatili na lamang ang lahat sa kung ano ito.

    Sa pagpanaw ng katrabaho, ng katrabaho at hindi ng kaibigan. Ipinagtataka ni Keith kung bakit tila labis siyang naaapektuhan. Hindi na lungkot ang nararamdaman niya, tila may kakaiba sa kaniyang loob na nagsasabing darating ang araw at siya naman ang mahihimlay, iiyakan, at sa kalauna'y malilimutan. At nasasaktan siya sa isiping iyon.

    Lumipas ang gabi, oras na para umuwi. Naging mas maingat na sa pag byahe papasok at pauwi ang dalaga mula nung araw na iyon. Tila unti-unti siyang binabalot ng takot na magaya siya sa pumanaw na dalaga. Minsan nama'y kinikwestyon niya ang sarili kung bakit gayon ang nararamdaman. Samantalang hindi tulad ng dalaga, ay wala siyang plano sa buhay bukod sa magtrabaho, kumita at pag dating ng araw ay makapunta sa mga nais niyang puntahan.

    Gaya ng dating gawi, sumakay ang dalaga sa dulo ng bus sa tabi ng bintana. Hindi niya ugali ang tumingin sa paligid at maging sa katabi pero mula rin noon ay naging mas alerto na siya sa paligid. Mahirap na, baka may masamang tao sa paligid.

    Tuluyan nang napuno ang sinasakyang bus nung may naupo sa tabi ng dalaga. Isang moreno at katamtamang matipunong binata, kung titignan ay halos kaedad lang niya ito. Umandar na ang bus at siya namang pagbaling ng tingin ng dalaga sa bintana upang tanawin ang daang binabaybay. Kahit na puyat ay hindi na rin niya hinahayaang matulog ang sarili sa biyahe.

    Pagdating sa Alabang ay nagsibabaan na ang mga pasahero, kaunti na lamang silang natira sa loob ng Bus, maswerteng paparada na ang pampasaherong bus kaya makakalibre na naman ng sakay ang dalaga.

Walang PamagatWhere stories live. Discover now