"Macy!!!" si kuya Alex habang matalim na nakatingin sa akin mula sa bintana ng kaniyang sasakyan. I instantly got nervous. Bilin niya pa naman ay lagi kaming magsabay umuwi ni Leigh dahil pareho ang oras ng uwian namin.

"Bakit hindi ka pa nakauuwi? Halika na! Sumabay ka na sa 'kin," pagalit na sigaw sa akin ni kuya Alex habang nasa sasakyan pa rin siya.

"Kuya may gagawin pa po ako." Hindi ko na napigilan ang kaunting pagkainis sa boses ko. Naiinis ako kasi mukhang papalpak na naman ako tapos papagalitan pa ako ni kuya Alex niyan!

"Hindi ba 'yan pwede bukas?" Kuya Alex is annoying. He then glanced at my side.

Mas lalo akong nainis nang makita kong nakalis na si nurse Rence gamit ang kaniyang bisikleta. Sinundan ko siya ng tingin. He was pedaling as fast as he could. I sighed and entered in the car of kuya Alex.

"Bakit hindi ka pa nakauuwi?" bungad ni kuya Alex.

"May gagawin pa nga sana ako pero sabi mo bukas nalang po, diba? I said with a hint of sarcasm.

"Kasama mo ba 'yun?" pagbabaliwala ni kuya Alex sa sagot ko.

"Sino?" litong tanong ko.

"Yung lalaking nagbisikleta," sagot niya

"Ah..." my face heated as nurse Rence's face popped up on my mind. "A-Ano, hindi ko kasama 'yun kuya. Faculty member kaya 'yun ng school natin."

Buti nalang medyo mabilis akong mag-isip! Lagot ako kay kuya Alex 'pag nalaman niyang crush ko 'yun tapos sinusundan ko pa. Mas natatakot pa nga ako kay kuya Alex kaysa kay mama  kasi grabe to magalit.

"Hindi siya mukhang teacher. Parang kaedad ko lang."

"Aba malay ko dun! Nga pala kuya! Bakit ang aga mong umuwi?" pag-iiba ko agad ng usapan namin. Baka mamaya magtanong pa ng marami si kuya Alex.

"May meeting 'yung prof namin sa last two subject. Malapit na kaming mag-OJT eh," paliwanag niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil nailihis ko na ang aming usapan hanggang sa pag-uwi namin.

Nanikip naman ang puso ko nang maalala ko ang pagdilim ng mga mata ni nurse Rence. Galit siya. Sure na!

June 10, 2009

Kahapon pa ako hindi mapakali dahil feeling ko ay naoffend ko si nurse Rence kaya nagpaalam ulit ako kay Leigh na mauna na siya dahil hihintayin ko ulit si nurse Rence. Medyo nainis pa si Leigh sa akin nung una dahil baka nakaiistorbo na raw ako sa pagsunod ko kay nurse Rence.

Medyo naguilty ako pero hindi ako nagpadala kay Leigh. Ngayon, mas kailangan ko talaga siyang sundan dahil may kasalanan ako sa kaniya.

Inabangan ko rin siya kanina sa canteen para doon na lang humingi ng tawad pero hindi naman siya pumunta sa canteen. Muntikan pa akong mahuli sa klase ko kanina sa kaaantay sa kaniya.

I didn't mean to offend him. Baka iniisip niya ay pinandirihan ko ang bisikleta niya. Kahit naman bisikleta ang gamit niya ay sasakay pa rin ako eh basta ba yayain niya ako. Hindi naman ako maarte at lalong hindi ko pinandidirihan ang mga bisikleta kahit kanino pa 'yun.

Maybe I am wrong with my expectation on what he was going to ride on that's why I am here to say sorry.

Pumunta na ako sa parking area. Luminga-linga ako at nakita ko naman ang nag-iisang bisikleta niya katabi ng ibang motorsiklo kaya nasisiguro kong hindi pa siya nakakauwi.

Pumwesto ako sa tapat ng bisikleta niya. I am so determined to say my apology to him.

Minutes passed when I saw him walking. He looks irritated. Hindi niya ako napansin nung una kaya napatitig siya sa akin nang makita niya ako sa tapat ng bisikleta niya.

Contagious Love (CoViD Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora