Sinundan ko ng tingin si nurse Alvin hanggang sa makalabas na siya ng canteen. Napasinghap ako dahil hindi ko man lang naitanong kung bakit sila nandito sa school namin.

Nilingon ko naman ang mga kaibigan ko dahil napansin ko ang pagkatahimik nila bigla.

"May dumaang anghel?" biro ko. They all stared at me with a questioning look.

"Ang tahimik niyo kaya! Para kayong mga baliw!" dagdag ko pa.

"Wow tayo pa daw ang baliw, tol!" si Dave.

"Malamang tatahimik kami. Registered nurse kaya 'yun. Nakakahiya," Jeron said. Ay! may hiya pa rin pala sila.

"Pero may nararamdaman ako na parang may kakaiba," Mike interrupted us from annoying each other.

Our gazed instantly directed to him. Magpapaliwanag na sana si Mike pero napatigil siya dahil sa biglaang pag-iingay sa canteen. Dumami ang mga pumasok na mga estudyante sa loob ng canteen. Kasabay nilang pumasok si Leigh na mukhang may hinahanap.

"May kakaiba nga. May magiging makahiya na naman diyan." I jokingly uttered while laughing.

"Tol manghuhula ka na pala! Pahula naman." si Dave na mas kinatawa namin.

"Leigh!" kinawayan ko si Leigh para makita niya ako. Lumapit naman agad siya sa table then she sat on the unoccupied chair beside me. Katapat niya si Jeron.

We secretly eyed Jeron. Ang loko! May patext text pang nalalaman para kunware ay busy siya. Kita mo nga naman parang kanina lang tahol pa 'to nang tahol sa kaaasar sa akin eh! Makahiya talaga!

Nagpalipas lang kami ng ilang minuto ni Leigh saka ko siya niyayang umuwi na dahil baka ma-pipi na 'yung tropa ko kapag nagtagal pa kami.

Hindi na nagsasalita si Jeron simula nang dumating si Leigh eh. Normal naman ang pagkausap namin sa kaniya para hindi siya mahalata pero sinasagot niya lang kami ng kaunting ngiti, tango at pilit na tawa. Halatang halata tuloy siya. Ewan ko nalang kung manhid 'tong si Leigh.

We called kuya Alex on Leigh's phone and asked him where is he. He told us to fetch him in the criminology department.

Napansin ko ang dami ng mga incoming freshmen na nagpapaenrol sa aming kurso. Parang kailan lang, ako 'yung nasa katayuan nila. Napangiti ako. I really admire my course.

Choosing a BS Criminology as my course was never been easy as some other people's thought. I hate it when some people put 'LANG' in a sentence that can offend others. People should never connotes 'LANG' in each course or other things na pinapahalagahan ng ibang tao because it was all complemented by hardship.

Hindi talaga madali ang kursong ito. At first, my mother even encouraged me to not take this course because I am just imperiling my life but I stay true to myself and continued. However, she eventually supported my decision and later on accepted it as my course.

During the interview sa enrollment, sinabihan pa akong magshift na lang sa ibang kurso dahil hindi raw bagay sa akin ang BS criminology. Mangingitim daw ako, puputulan ng buhok, mahihirapan sa mga trainings at iba pa. But at the end, I smiled and answered the interviewee that "Thank you but no matter what, I'll still choose BS Criminology above all courses."

Umpisa palang nasubok na ako but during our 1st year as criminology student, inihanda na namin ang aming sarili para mangitim nang dahil sa ROTC. Gapang hangga't may lupa. That was our life as a criminology students, the ROTC life. Sa ROTC din madidisiplina ang mga latecomers. Masusubukan 'yang mga pambato niyo sa late. Ewan ko lang kung magpapalate pa sila.

Hirap na hirap din ako sa ROTC noon dahil hindi pa ako sanay pero ayaw ko pa rin namang magshift kaya kapag papagapangin na sa putikan, sinasabi kong may regla ako para excuse. Pinapayagan naman ako ng senior namin kaso napansin ako nila Jeron kaya nilista talaga nila kung kailan ako nagpapaexcuse. Wala tuloy akong kawala kapag dinadahilan ko ang menstruation tuwing ROTC namin kahit na wala naman ako pero buti naman at nasanay na ako nang tumagal na.

Contagious Love (CoViD Series #1)Where stories live. Discover now