Chapter 28: Fooled

Magsimula sa umpisa
                                    

"No, Ra. That's not going to happen. I need to tell her first—"

"Tell me what, Trev?" I cut in.

Sabay silang napalingon sa direksyon ko at pareho silang nagulat nang makita nila ako. Bakas sa mukha nila na hindi nila inaasahan ang presensya ko.

Madiin kong tiningnan si Trev at saka ako humakbang papalapit sa kanya pero agad na humarang si Rara sa harapan niya at pinigilan ako.

Her eyes dilated in pain and fear.

"Narinig mo?" tanong sa 'kin ni Rara.

Tumango ako. "Now keep talking, both of you. Anong alam niyo na hindi ko alam?"

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. "Just continue hating me instead, please? I leaked that video. You believed that too, Feem. 'Yon na lang ang paniwalaan mo. 'Wag mo nang alamin kung—"

"Why did you lie to me, Ra? Why did you lie to everyone? Bakit mo inako 'yong bagay na hindi mo naman ginawa? P-Paano mo nagawa sa 'kin 'to?" Basag na boses kong sabi kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.

Hindi ko na alam kung ano pa ba ang totoo. Pakiramdam ko lahat ng lumalabas sa bibig nila ay kasinungalingan lang ulit.

Inis ko siyang tinulak para makadaan ako. Nang makalapit ako kay Trev ay tiningnan ko siya sa mata.

"What's going on, Trev?" tanong ko sa kanya.

Para akong bata na walang tigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. Ano ba ang naging kasalanan ko sa mundo, bakit ganito ang mga nangyayari?

"Can you please tell me? I—I don't know who to trust. I don't know what to believe anymore. I don't know what to do, Trev. Ikaw lang ang taong pinagkakatiwalaan ko." Pinunasan ko ang luha ko at nagpakawala ng isang malalim na hininga. "If you know something, please tell me already. I want to hear it from you."

Kahit na alam kong masasaktan ako sa kung ano man ang sasabihin niya, nakiusap pa rin ako sa kanya.

Tinitigan ko siya sa mga mata habang hinihintay ang sasabihin niya.

Gusto kong malaman 'yong totoo.

Gusto kong manggaling 'yon sa kanya.

There was remorse in his eyes, and that was exactly what broke my heart.

I think I already know.

"I leaked that sex video, Feem. I'm sorr—" Sinampal ko siya nang malakas.

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay walang tigil na namang bumuhos ang mga luha ko.

Buong lakas ko siyang sinampal ulit at paulit-ulit na sinuntok sa dibdib.

"All this time, I hated the wrong person. Pero hinayaan mo lang ako. Hinayaan mo akong magmukhang tanga! You know how miserable I was pero nagsinungaling ka pa rin sa 'kin!"

I can't accept the fact that he's one of those who lied to me.

Paulit-ulit ko siyang sinuntok sa dibdib. Hindi ako napagod gawin 'yon nang paulit-ulit. "Pinaniwala mo ko na lahat ng sinasabi mo, totoo. Pinaniwala mo ko, Trev. Pinaniwala mo ko!" galit na sigaw ko, walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.

"Hindi mo alam kung ano'ng nararamdaman ko tuwing pumapasok ako sa school habang lahat ng taong nakapaligid sa 'kin ay nakita na ang buong katawan ko. Hiyang-hiya ako sa lahat ng tao. Hiyang-hiya ako lalo na kay Papa. Pati sa sarili ko ay hiyang-hiya ako." Halos pumiyok ang boses ko nang sabihin ko iyon.

"Araw-araw, tinitingnan nila ako na para bang nakahubad ako sa paningin nila kahit nakadamit naman ako. Sa tuwing nakikita ko si Rara, naaalala ko kung paano pinagkatuwaan ng mga tao 'yong nangyari sa 'min ni Denver." Para akong baliw na tumawa habang umiiyak. "'Yon pala, ikaw ang nagpakalat no'n," hindi makapaniwalang sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi nauubos ang luha ko at patuloy lang sa pagbuhos ito.

"Tapos hinayaan mo akong mahulog sa 'yo, Trev. Hinayaan mo akong mahalin ka. Hinayaan mo akong pagkatiwalaan ka."

Nag-uumapaw ang galit sa dibdib ko.

Hindi ko matanggap lahat ng nalaman ko.

"Paano mo nagawa sa 'kin 'to?" nanghihinang tanong ko.

Napabitaw ako sa kanya at humakbang ako paatras.

Akmang hahawakan niya ako para pakalmahin pero agad ko siyang tinulak palayo.

Tiningnan ko siya na para bang siya ang pinakanakakadiring tao sa mundo.

Humakbang pa ulit ako palayo sa kanya, walang tigil sa pagpatak ang luha ko.

He's now sobbing like a kid, pero hindi sapat 'yon para bumalik ako sa kanya.

I will not be fooled by his tears.

I will not be fooled by him again.

Nang talikuran ko siya ay mabilis akong tumakbo paalis. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Nanlalabo ang paningin ko habang naglalakad papasok ng bahay.

Mabuti na lang ay walang tao kaya naman dumiretso na agad ako sa kuwarto ko at ni-lock 'yong pinto.

Tinabig ko lahat ng gamit sa mesa ko at malakas kong sinuntok ang salamin sa harapan ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng dugo mula sa kamay ko pero hindi ko maramdaman ang kirot at hapdi nito dahil tanging galit lamang ang nararamdaman ko.

Galit ba talaga 'tong nararamdaman ko? O nasasaktan lang talaga ako? O pareho?

Nasasaktan ako dahil akala ko may isang tao akong masasandalan na palaging magsasabi sa 'kin ng totoo.

Pero hindi pala. Wala pala talaga.

Kanina pa nag-ri-ring 'yong phone ko kaya pati iyon ay ibinato ko sa pader at parang boteng nabasag.

Hindi ko na kaya 'yong sakit na nararamdaman ko, Papa. Hindi ko na alam kung ano bang puwede kong gawin para makalimutan na lang lahat ng nangyari. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat pero hindi ko magawa.

Gusto ko silang patawarin pero hindi ko kaya.

Pakiramdam ko panghabang buhay na 'kong mababalot ng galit at lungkot.

Papa, hindi ko na kaya. Gusto na kitang makita. Gustong-gusto kitang yakapin, Papa. Sa mga oras na 'to, alam kong ikaw lang ang masasandalan ko. Pero anong gagawin ko ngayong wala ka na?

Halos hirap na ako sa paghinga dahil sa patuloy na paghikbi ko.

Ang bigat ng dibdib ko.

Nanlalabo ang paningin ko pero naaninag ko pa rin 'yong mga bubog sa sahig at wala sa sarili kong pinulot ang isa sa mga iyon.

I sat in the corner of my room, not knowing what to do.

I just want the pain to stop.

And maybe death would be the only thing that can make that happen.

I started hearing a voice that was yelling my name, but I didn't care.

Wiping my tears away, I closed my eyes.


__

__

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon