Chapter 44

45 3 0
                                    

🍀Kyle's P.O.V.🍀

Alam niyo ba ang feeling na tinakasan ng kaluluwa? Pake comment nga, kasi parang ganun naramdaman ko eh. Sa taas ng bakod, tinalon niya yun? Sobrang taas ng nilipad namin! Pero ang bilis pa rin niya. Nung makalapag na kami, ay hinang-hina ako. Umiikot ang paningin ko at parang mahihimatay ako.

'Asan na ba kami?'

May mga taong pumunta palapit sa gawi namin. Karga karga pa rin nung taong bampira si Cal. Akala ko dun lang sa bakod ako maamaze. Hindi pala. Ang laki ng bahay! Sobrang laki! Parang mas malaki pa sa manyon ni Cal na napuntahan namin noon. Ang laki talaga!

Hindi ko napansin na nawala na pala sila.

'Mag tanong tanong kaya ako? Oo tama!'

Lumapit ko doon sa lalaking nakatayo lang, may dala siyang baril na nakasuksok sa belt niya. And nakaitim siya.

'Uso ba itim sa kanila?'

"Uhm.. Asan po ang lalaking may karga kargang babae? Yun din pong nakaitim? Asan po sila?"bigla siyang napalingon sa akin. Tinignan niya ako ng masama.

"Just follow him"tumango ako, at sinundan ko ang isang lalaki. Pumasok kami sa isang magarbo at malaking pintuan na may nagbabantay na dalawang lalaki. Pagpasok namin sa loob ay kalat na kalat ang mga taong naka itim.

Halos lahat ay nakaitim.

"Are you just going to stand here?"masungit na sabi niya. At tumalikod, pagkatalikod niya ay minake face ko siya. Sara kaltukan eh!

May marami kaming pasilyo na dinaanan. Mga pasikot sikot at mga pinto.

Hanggang sa nakarating kami sa isang pinto na halatang may nagkakagulo.

"What's happening?"I asked him. Kumunot ang noo niya.

"Just open the door"and with just a blink. Nawala na siya. Nagtataka pa rin ako kung bakit ang mga bampira dito ay hindi nangangain tao. Mabuti nalang baka isang malamig na bangkay na ako dito ngayon.

Binuksan ko ang pinto, at bumungad sa akin ang mga nagkakagulong mga doctor at nurse. At dahil bagong bukas ang pintuan ay napalingon sila sa akin.

"Who are you?"at may nagtutok agad sa akin ng baril. Napataas ako ng aking dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis.

"Don't worry. He is Prime Lady's 'Boyfriend'"sabi nung lalaking mukhang espasol na siya ring nagdala kay Cal. At pagkasabi niya boyfriend, ay diniinan niya ito, napatango ang mga nandoon at ipinagatuloy ang kanilang ginagawa. Umupo ako doon sa tabi ng lalaking espasol na mataimtim na pinapanood ang mga doctor.

"Ah.. Asan na pala tayo? Anong lugar to? At anong pangalan mo?"sunod sunod na tanong ko.

Willford Zixcelle UniversityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant