Chapter 45

40 4 1
                                    

🌿Kyle's P.O.V.🌿

Today is November 24. And ngayong hating gabi ay mag iisang buwan ng nakaratay si Cal.

Hindi ako umalis sa tabi niya. Siguro pag naliligo at nagc-cr umaalis ako. Parati akong nagdadasal na sana'y gumising na siya.

Ang malas nga naman oh! Kasabay ng pag-iisang buwan na nakahiga siya dito ay ang FIRST MONTHSARY namin. Pinapauwi nga ako nila Tito eh. But I insisted.

Gusto kong ang mukha ko ang una't unang makikita niya pag nagising na siya.

Hindi ko akalaing ganito katagal siyang magigising. Tumunog na ang orasan, at senyales iyon na...

"Happy Monthsary Baby!"bati ko sa kanya. Kahit hindi niya ako kinakausap ay sabi naman ng Doctor ay naririnig niya kami.

"Huy! Gumising kana diyan! Give me a hug oh!"namumuo na ang mga tubig sa gilid ng mata ko. Ang hirap. Sobrang hirap.

Miss na miss ko na siya, gusto ko na ulit marinig ang boses niya. Ang makita ang mga ngiti niya. Gusto ko na siyang mayakap.

Kinuha ko ang kaniyang kamay at hinalikan ito. "Gumising ka na oh! Please?! Sige na! Huy! Gumising ka na!"sabi ko kasabay ng paguunahan ng mga luha ko sa pagtulo.

Nasasaktan akong makita siyang nakahiga lang dito, hindi nakakalabas at parating walang kibo. Minsan pag nakita ko siya galing sa kwarto ko na ibinigay nila sa akin ay maiiyak nalang ako.

"Please?! Wake up.. Baby wake up.. Naghihintay kami, ako sa 'yo."at hinalikan ko ang kamay niya. Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Kilig? Tuwa?

Sana naman, maisipan na niyang imulat ang mga mata niya. Nalulungkot na kami dito eh. Maraming naghihintay sa kaniya. Maraming gustong makita na ulit siya.

"P-please? W-wake u-up"tuluyan na akong bumigay. Maraming mga what-ifs na nasa isip ko. Kung gigising pa siya? Babangon pa kaya siya diyan? Mayayakap ko pa kaya siya?

Naramdaman ko nalang na may tumatapik-tapik sa balikat ko. Liningon ko iyon. It's Xavier. Isa sa mga kuya ni Cal. And the eldest.

"Don't worry... She'll wake up... Just be strong.. Dahil siya? Alam kong gusto na niya ring gumising, pero hindi niya magawa."tumango nalang ako. Pero kahit anong sabihin nila ay hindi nawawala ang bigat sa dibdib ko.

Wake up baby. Sa loob loob ko. May kinuha ako sa couch. Isang box. Gift ko sa kanya ngayon. Special kasi to eh, it's our first monthsary, kaya naisipan kong magbigay ng gift.

Kahit wala na akong gift ngayon, gumising lang siya okay na ako. Binuksan ko ito, at sa loob noon ay isang bracelet na kulay rose gold.

Hindi ko alam kong gusto niya ba ang kulay rose gold, pero yun kasi ang natipuhan ko para sa kanya eh. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito, pero bracelet siya na dalawa pero konektado sa isa't isa.

Willford Zixcelle UniversityWhere stories live. Discover now