Chapter 29

50 3 0
                                    

🍁🍀🌹🌸🌿🍁🍀🌹🌸🌿🍁🍀🌹🌸🌿🍁🍀🌹🌸🌿🍁🍀🌹🌸🌿🍁

Shiki's POV

Sa previous chapter, sinabi kong susuko ako. Pero na realize ko sa sarili ko na, 'bakit ako susuko kung hindi ko naman nasubukan?' Kaya ngayon nag handa ako ng konti lang namang handa para sa kanya. Alam kong maliit na porsyento ang nasa sa akin na sagutin niya ako. But at least I've tried diba?

Naglalakad na ako patungo sa dorm niya, I want it simple but in a best way.

*tok*  *tok*  *tok*

Nakarating kasi ako sa tapat ng pintuan niya kaya kumatok ako.

Bumukas ito at inilabas ang babaeng bumihag sa puso ko.

Hindi lahat ng tao nakikita ang ganda niya, ngunit sa likod ng salamin na kanyang suot  ay ang gandang di lamang sa panlabas pati na rin sa kalooban.

Nung una, takot ako sa kanya, dahil sa mga asta niya, na para bang 'madala ka sa tingin' parang ganito (>> __ >>) yung isang tingin niya, parang hihiwalayan ka ng kaluluwa mo.

Ngunit, napatunayan kong mabait siya,dahil sa lahat ng ginawa niya para kay Chelsea. Pinaramdam niya sa kaibigan niya di siya mawawala, na andyan lang siya sa tabi mo.

Lahat ng nangyari sa kanila ay nandoon ako. Dahil alam ko sa sarili kong siya na, siya na ang babaeng tingin koy para sa akin.

At eto ako sa harap niya. Pinagmamasdan niya ako na para bang nagtataka.

"Hi Shiki!"masiglang bati niya. Simula ng kumain kami dito sa dorm niya, nag iba siya parang binabago niya ang sarili niya para sa amin. Ngunit di na niya kailangan gawin iyon dahik, minahal namin siya sa kung ano siya.

Di ko namalayan na napatulala na ako sa kanya at kinaway kaway niya ang kamay niya para makuha ang atensyon ko.

"Aishhh!"tapos natawa nalang siya sa nai-asta ko. Ang tawa niya ay musika sa pandinig ko. Parang anghel lang.

"What brings you here?"tanong niya.

Napa kamot nalang ako sa batok ko, dahil parang nasa harap ako ng korte na may maraming tao at ako ang nasasakdal dahil sa sobrang kaba ko.

Shiki! Put yourself together!

Tinignan ko siya.

"Pwede ba kitang ma invite sa garden kasama ko?"whooooo! Buti nalang di ako nautal. Less pogi points pa naman yun.

"Hmm"tila nag iisip pa siya. Sana naman sumama siya.

"Sige, pero magbibihis muna ako. Halika, pasok ka muna sa loob"pumasok na siya na sinundan ko naman. Di pa rin talaga ako mapigil sa pagka mangha. Ang ganda talaga ng room niya. Hindi kagaya nang mga ibang room ng mga girls na ang sakit tignan dahil sa mga pink stuff.

Sa kanyang room ay ito lang ang masasabi ko, ang gandang tignan. Para bang nakaka-kalma sa pakiramdam.

Nakita ko nalang na papalapit na siya sa pwesto ko, di ko man lang naramdaman na pumasok pala siya sa kwarto niya.

Willford Zixcelle UniversityWhere stories live. Discover now