Chapter 9

95 10 2
                                    

CALIXZPHERE POV

Nakauwi na kami galing sa vacation namin. Hindi na namin sinabi sa H4 kung saan kami nag-aaral dahil paniguradong susundan at susundan kami non.

Gabi na kami naka-uwi, kaya ito naglalakad kami sa hallway patunging dorm namin.

"Yieee.. ang creepy naman dito pag-gabi"komento ni Chelsea.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil inaantok na ako.

Habang naglalakad kami nakaramdam naman ako ngmga tao na naka-aligid sa amin kaya naging alisto ako.

'Na naman!!.. pagod ako ehh.. tss'

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad nang may humablot kay Chelsea.

"Sumunod ka kung ayaw mong madamay ang kaibigan mo"sabi nung mokong.

At naglakad siya papalayo habang dala dala pa rin si Chelsea.

Habang naglalakad napapansin kong wala na kami sa school grounds at medyo maggubat na ang dinadaanan namin.

                                   ~Fast Forward~

Matapos ang ilang minutong paglalakad nakarating na kami sa isang parang ware house.

'Don't tell me itotorture nila kami?!!'

Nung nasa malapit na kami may pinindot siya na button sa harap at maya-maya lumabas ang parang isang eye scanner.

'Tama nga ako eye scanner nga'

Paglabas nun agad na itinapat ng lalaki na dumukot sa amin ang mata niya. Nang matapos ang pag-scan sa mata niya bumukas agad ang pintuan at itinulak niya kami papasok don.

'Tae.. wala pang nakatulak sa akin ng ganun ka lakas gago ka!!'

Nung makapasok na kami napalingon kaagad ako sa pintuan dahil unti-unti itong sumasara.

Nung naisara na ang pintuan nagulat na lang ako nung nagsisigaw si Chelsea.

"Let me go!!!.. ugh!! I said let me go!!.. Frienddddd!!!! help!!"sigaw niya dahil kinaladkad siya papunta sa taas at pinatayo sa may railings at binusalan ang bibig.

"Ano na naman ba to?!!.. bakit ba maraming pakulo sa school na to!!.. tsk! mga duwag naman pala kayo ehh.."
inis na bulyaw sa kanila.

Mga ilang sandali lang napansin kong may tatlong nakamaskara na lalaki na naglalakad papunta sa aking gawi.

Nung mga ilang metro nalang ang layo nila sa akin may binulong ang isa sa mga tuta nila sa taong na sa gitna at tumango.

"Well, well, well, well.. look who's here.. ang nerd na nagmamatapang.. *sigh* kawawa ka naman hindi mo nalang kasi kami binangga.. yan tuloy.. ito pala pa welcome party namin sayo.. ENJOY"sabi niya sabay ngisi ng nakakaloko.

Willford Zixcelle UniversityWhere stories live. Discover now