Chapter 38

49 2 0
                                    

Calixzphere's POV

Hindi ko alam ang sasabihin ko, like parang na mental block ako. Naglalakad kami, pero yung atmosphere ang bigat. Pano ko ba to i-explain? Okay naman sa akin na  sabihin ang totoo eh, but inuunahan ako ng takot, takot na baka lumayo sila sa akin pag nalaman nila, na baka mawala sila sa akin.

"Ah guys, alam kong nagtataka kayo kung bakit ganun ang nangyari. But please wag niyo muna ako husgahan. I will explain it to all of you. Tara dun tayo sa kwarto ko mag-usap"walang sumagot sa akin, pero sumunod naman sila papuntang kwarto.

Chelsea's POV

Nakapasok na kami sa loob ng kwarto ni Friend. Ang ganda! It was elegant, but parang kulang sa buhay. It was all black. From wall, ceiling, bed to carpet puro itim. Iginiya kami ni friend na maupo sa kama. Nung maka-upo na ako, wow lang, ang lambot! Parang cotton yung inu-upuan ko. Pero bakit niya inilihim sa amin? Kaibigan niya kami diba? Diba dapat ang magkaibigan may tiwala sa isa't isa? Bakit siya wala?

"Okay whoooo!"usal niya na parang pinapagaan ang loob niya. "Alam niyo di lang naman ako isang ordinaryong mayaman na tao. Our family is part of a mafia organization, and one of the bosses. Kaya maraming men in black ay dahil para sa protection namin. Marami kasing gustong magtangka sa buhay namin. Hays, mahirap din maglihim    sa inyo but I chose to. Di ko gustong madamay kayo sa mga bagay na ito, at isa sa mga dahilan kung bakit ko to nilihim ay baka iwan niyo ako. Na baka layuan niyo ako. I'm scared of what will happen if I tell you. Kayo lang ang naging kaibigan ko except sa H4. Kayo lang ang tumanggap sa akin, kahit weird ako nung una. And kanina, siya ang Tito ko, his Tito Vin, one of dad's brother. My family are very protective sa akin. Ako nga, once lang ako nakaranas pumunta ng school, at hindi ko pa natapos ang school year. Dahil lang sa pamamaril ng classroom namin. I don't have any friends except sa mga kababata ko. Di ko naranasan na magkafriend sa school dahil sa bahay lang ako nag-aral. Kaya please, intindihin niyo naman ako"malungkot na sabi niya. Napaluha naman ako. Ang lungkot pala ng childhood niya. Kaya pala niya inilihim dahil may malaki siyang rason. I understand now.

"Cal, di ka namin iiwan. I understand you naman. What are friends are for right? At saka okay lang yung nangyari kanina"nakangiting sambit ni Kian at hinawakan ang balikat ni Cal. Natawa naman kami ng mahina dahil tinapik iyon ni Kyle at sinenyasan niya si Kian na wag hahawakan si Friend.

"Hay naku! Ang drama niyo! Gutom na ako nuh! Tara na nga!"pagaaya ni Keith, natawa nalang kami ng mahina sa kanya. Sobrang takaw talaga! Pero di naman tumataba. Umalis na kami sa kwartong iyon. At pumunta sa dining room.

***

Nanood kami ng TV ngayon sa living room. Nang biglang may nag flash na balita.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Ako po si Nat Cuanjco nagbabalita! May natagpuang patay sa isang lugar ng Mindanao. Ang biktima po ay may wakwak na dibdib at wala na ang mga lamang loob nito. Inaanyayahan po ang lahat na manatili sa kani-kanilang tirahan, para makaiwas sa kung ano man ang gumawa nito. Ang sabi sabi nila ay gawa daw ito ng adik meron namang nagsabi na halimaw daw. Walang kasiguraduhan kung sino ang may sala. Mag ingat po tayong lahat! Ito po si Nat Cuanjco! Nagbabalita!"yan ang sabi ng balita. Grabe naman! Ang creepy ha! Tinignan ko silang lahat. May pagtataka ang kanilang mga mukha.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"sigaw ni Cal. Nilapitan agad namin siya. Sobrang nagaalala na talaga ako.

"Hey what's wrong?"nagaalalang tanong ni Kyle. Napansin naming nakahawak siya sa likod sa may kanang bahagi.

"Ang birthmark ko sumasakit! Aaaaaaaaah"tinignan namin iyon. Pinunit ni Kyle ang sleeve ng t shirt ni Cal. At nakita naming dumudugo ang bandang hinahawakan ni Cal.

"Bitiwan mo! Titignan namin baka may sugat" utos ni Kyle na parang di na alam ang gagawin. Unti unting binitawan ni Cal iyon, nagtaka kami dahil hindi sugat ang natagpuan namin dun, kundi isang gintong rosas na dumudugo.

"Cal? I tattoo to eh! Baka na infect ka dahil sa tattoo mo!"nag-aalalang sigaw ni Keith. Umiling iling si Cal.

"No, that's my birthmark. It's a golden rose"mahinang sabi niya at nawalan siya ng malay.

"Cal!"sigaw namin







-juliannahfelisse-

Willford Zixcelle UniversityWhere stories live. Discover now