/SQ-5/

140 102 165
                                    

Matapos ng pag-uusap namin ni Mama ay muli kong tinignan ang lalaking nakahandusay sa sahig at walang malay.

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at buong lakas ko siyang hinila palabas ng bahay. Masyado siyang mabigat kaya patigil-tigil ako sa paghila.

"Humanda ka pag dumating na ang mga pulis. Paniguradong mabubulok ka sa kulungan," Matalim ko itong tinignan saka sinipa sa paa pero hindi man lang ito umimik.

Kasalukuyan ng tumatawag si Mama ng mga pulis para pumunta rito sa kinaroroonan namin pero mukhang matatagalan dahil medyo may kalayuan din ito mula sa police station.

"A-Ate..." Narinig kong tawag sa akin ni Lili kaya agad ko siyang hinarap at niyakap ng mahigpit.

"Okay na, Lili. Wala na 'yung lalaki. Ligtas na tayo, okay?" Pang-aalo ko rito. Paniguradong na-trauma ito dahil sa nangyari at hindi ko alam kung makakausap ko pa siya ng maayos pagkatapos nang lahat ng 'to.

"P-Pero ate--" Nakatingala nitong sabi sa akin pero agad kong pinigilan ang sasabihin niya para sabihing magiging maayos din ang lahat.

Umiling lang siya sa akin at muli niya kong tinignan ng may takot sa mga mata. "Ano yon, Lili? Sabihin mo sa'kin," Utos ko rito.

Dahan-dahan niyang tinuro ang likuran ko kung saan nandon ang lalaki kanina pero pagtingin ko doon ay wala na ito roon.

Agad kong tinago sa likuran ko si Lili dahil posibleng nandito pa sa teritoryo namin ang lalaking iyon. Ginala ko ang paningin ko para hanapin ang lalaki pero hindi ko siya makita kahit saan.

Really? Akala ko patay na yun? Sayang naman, sana tinuluyan ko na pala kanina.

Hinarap ko si Lili at mariin ko siyang tiningnan. "Do you trust me, Lili?" tanong ko rito. Tumango naman siya bilang tugon kaya hinawakan ko ang kamay niya at sa huling pagkakataon, pumasok kaming muli sa loob ng bahay.

Umakyat kami sa second floor at pumunta sa kwarto ko.

"Ate, saan ka pupunta? Iiwan mo ba ko dito?" Inosenteng tanong ni Lili kaya napabuntong hininga na lang ako.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at sa halip, binuksan ko ang closet at pinapasok ko siya sa loob 'gaya ng una.

"Listen to me carefully, Lili. Kahit anong mangyari, 'wag na 'wag kang lalabas. Don't make a sound and stay quiet. May kailangan lang akong gawin at pagkatapos non, tapos na lahat ng 'to, okay?" mahinahong sabi ko rito. Wala naman siyang magawa kung hindi ang tumango.

"Babalik ka naman po 'di ba?" tanong nito kaya napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya.

"Oo naman." nakangiti kong sagot. Pagkatapos non ay 'saka ko sinara ang closet at tuluyang lumabas ng kwarto.

Now, it's time to face that bastard. Talagang sinasagad niya ang pasensya ko. Siguraduhin niya lang na nakaalis na siya dahil kung hindi, lagot siya sa'kin.

Dahan-dahan akong naglakad sa hallway hanggang sa pagbaba ng hagdan. Sinisiguro kong walang ingay ang bawat pagtapak ko para hindi makalikha ng anumang ingay.

Alerto rin ako sa paligid at pinalikot ko ang aking mata para maghagilap ng kung anumang bagay na gagalaw.

Nang nasa first floor na ko, pinakiramdaman ko ang paligid. Nadaanan ko ang magugulong mga gamit at nagkalat na babasaging salamin.

May naapakan akong malamig sa paanan ko kaya napayuko ako at doon nakita ko ang kutsilyo na ginamit ng lalaki na may bahid pa ng dugo.

Yuyuko na sana ako para pulutin ito ngunit nakarinig ako ng paglangitngit ng kahoy mula sa likuran ko pero hindi muna ako gumalaw.

Inangat ko ang ulo ko ng dahan-dahan at mula sa kapirasong salamin na nakakabit sa metal ng pinto ay nakita kong muli ang lakaki na nakapwesto sa likuran ko na handa na akong sasaksakin.

Napangisi na lang ako saka mabilis na yumuko kasabay ng paglapit ng lalaki kaya agad kong tinarak ang patalim sa kaniyang tiyan.

Natigilan siya na parang hindi inaasahan ang nangyari kaya nabitawan niya ang hawak niya at bumagsak siya sa sahig hawak-hawak ang tiyan niya.

Pero agad din akong nanghina ng makaramdam ako ng likido na umaagos mula sa gilid ko. Hinawakan ko ang tagiliran ko at naramdaman ko ang kirot at sakit na nagmumula roon.

Tulad ng sa lalaki ay bumagsak din ako sa sahig dahil sa pagod.

Narinig kong tumawa ang lalaki pero nanghihina ko lang itong tiningnan.

Ni hindi ko man lang namalayan na pagkasaksak ko sa kaniya ay siya ring pagsasaksak sakin ng lalaki sa aking tagiliran.

Nanlalabo na ang paningin ko at wala na kong masyadong marinig. Sinusubukan kong umupo man pero marami ng nawalang dugo sa akin kaya hindi ko na iyon magawa pa.

Nakarinig ako ng yabag at naaninaw ko ang kapatid ko na dinaluhan ako. Naririnig ko siyang humihikbi kaya hinawakan ko na lang ang mukha niya at sinabing maayos na ang lahat.

"A-Ate, nandito na sila. Nandito na 'yung mga pulis. Ligtas na tayo, Ate." rinig kong sabi ni Lili.

Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin at natatamaan ako ng sinag ng liwanag.

Naririnig ko pa boses nina Mama at Papa na sumisigaw pero hindi ko na sila nakayang tingnan pa dahil nandilim na ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

-THE END-

-----

Sa mga nagtatanong kung patay na si Ate, ang sagot ay hindi po. Nawalan lang po siya ng malay dahil sa pagod at sa nawalang dugo sa kaniya kaya gano'n. 'Wag na kayong mag-alala dahil buhay pa siya. :')

Stay QuietWhere stories live. Discover now