/SQ-2/

165 118 244
                                    

Wait, lemme process this one, oki?

Ang sabi kanina, may nakatakas na killer sa Duncan Prison at sa oras na ito, kasalukuyan na nila itong pinaghahanap.

And then suddenly, may isang siraulo ang bigla na lang sumulpot dito sa labas ng bahay namin na may hawak na kutsilyo at hindi ko alam kung baliw siya o baliw talaga siya?

Hindi kaya siya 'yung serial killer na tumakas at naparito siya para pumatay?

AT MUKHANG MAUUNA PA KAMI SA LISTAHAN NIYA.

Naglakad-lakad pa ito sa paligid ng bahay na pawang inoobserbahan ang ingay ng paligid.

Dapat tahimik lang ako para malaman niya na walang tao rito at hindi matuloy ang balak niya na pasukin kami.

Napasinghap ako nang makarating siya sa bintana at dinikit ang tenga niya sa salamin nito.

Sinampal ko ang bibig ko dahil sa inis. Kasasabi lang na tahimik eh.

Nanatili siya sa gano'ng posisyon ng ilang segundo bago lumayo at naglakad na ulit.

Jusmiyo marimar.

Ayoko pang mamatay. Marami pa kong pangarap sa buhay, gusto ko pang maging austronaut o scientist balang araw, alam kong imposible na matupad ang pangarap ko per---

"ATE, KAKAIN NA BA?"

Napalingon ako sa direksyon ng kusina at nakita ko ang kapatid ko na nakatayo roon at hinahanap ako.

Nakita ko na bahagyang nakasiwang ang pinto malapit sa kusina at doon ginapangan na ko ng kaba.

Naaninag ko ang lalaki na umikot palikod at mukhang alam ko na kung saan siya papunta--sa likurang pinto sa kusina.

"ALIS, LILI!"

Kumaripas ako ng takbo patungo sa pinto at nang makarating ako doon ay agad ko itong hinila at ni-lock.

Muntik na itong maabutan ng lalaki dahil bahagya pa itong bumangga sa pintuan.

Dahil sa inis nito, ay sinuntok at sinipa niya ang pinto.

Lumapit ako sa kapatid ko na umiiyak at niyakap siya.

Binaba ng lalaki ang hood niya at doon nakita ko ng buo ang mukha niya. May malaki siyang hiwa mula sa noo hanggang sa bibig nito.

Ngumiti ito ng nakakakilabot at nilagay ang kutsilyo sa leeg niya na sinasabing papatayin niya kami.

Humakbang ito paatras at umalis muli. Hindi ko mawari ang susunod nitong gagawin.

Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong bumalik siya sa dating pwesto niya kanina.

"Ate, anong nangyayari? Bakit may lalaki sa labas?" inosenteng tanong sa'kin ng kapatid ko na mahigpit ang hawak sa damit ko.

"Shh, just be quiet okay? I'm here. Everything is alright."

Lie.

Sa totoo niyan, nanginginig na rin ako sa takot dahil sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano ko poprotektahan ang kapatid ko kung sakaling may gawin ang lalaking 'yun ng masama.

Napapitlag ako ng may marinig akong nabasag sa sala.

Oh no.

He's trying to break in.

Hinarap ko ang kapatid ko at binilinan ko siyang magtago sa closet para kung sakali may mangyaring hindi maganda, hindi siya mahahanap ng killer.

Tumunog ang alarm system ng buong bahay dahilan na kumalat sa paligid ang kulay pulang ilaw mula sa bawat sulok ng bahay.

Tumutunog lang 'yan kapag may nade-detect na intruder sa labas na sinusubukang pumasok ng hindi tina-type ang passcode na nakapaskil sa tabi ng pintuan.

Nakakahilo ang liwanag at nakakabingi rin ang nilikha ng alarm system pero pinilit kong pumunta sa basement dahil nandoon ang switch para mapatay ito.

Binuksan ko ang pinto ng basement at dali-daling pumunta sa switch at binaba ang handle 'saka pinindot ang off button.

Pumunta na ko sa taas at naabutan ko ang tahimik na paligid.

Bumalik na sa dati ang mga ilaw at wala na rin ang tunog.

Bigla akong kinabahan.

There's something wrong.

Where is he?

Naglakad ako papunta sa sala at napanganga ako ng makita ang kalat-kalat na bubog at malaking bato sa sahig.

Oh no.

He's here inside.

Si Lili!

Stay QuietWhere stories live. Discover now