/SQ-4/

143 109 215
                                    

Feeling ko sinaniban ako ng masamang espiritu nang makita ko ang lalaking demonyo na hawak-hawak ang kapatid ko.

"Bitawan mo siya," Madiin kong sabi rito pero tinaasan niya lang ako ng kilay at mas lalong diniinan ang hawak nito sa leeg ni Lili.

Nagtangis ang bagang ko ng may makita akong umagos na dugo doon. Impit na umiyak si Lili at kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot.

"Bitawan mo ang kapatid ko. Gagawin ko kahit anong gusto mo pakawalan mo lang siya," mahinahong saad ko dahilan para mapatingin sa akin ang lalaki.

"Ano bang gusto mo?" Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa naging tanong ko. Pero wala rin naman akong magagawa. Hindi niya kami tatantanan kung hindi namin ibibigay kung anumang gusto niya.

Ngumisi lang ito at saka tinutok sa akin ang kutsilyo na parang sinasabi na ako ang gusto niya.

Waaaat? Ako ang gusto niya? Hala, anong gagawin niya sa akin?

Tinuro ko pa ang sarili ko para makumpirma kung ako nga ang pakay niya at tumango naman ito.

Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin kaya kung ito lang ang paraan para mailigtas ang kapatid 'ko ay gagawin ko ang nais niya.

"Fine. Give me back my sister," saad ko rito at dahan-dahan akong lumapit para hablutin ang kamay ni Lili pero mabilis niyang hinila ang buhok ko sabay tulak kay Lili palayo.

Wala na kong nagawa ng pinulupot niya ang mamasel niyang braso sa leeg ko dahilan para mahirapan akong huminga.

"A-Ate..." Umiiyak na tawag sa akin ni Lili. Pinigilan ko siya at sinabing 'wag lalapit.

"Wag kang mag-alala. Nandito lang ako, hindi kita iiwan," Paninigurado ko rito pero iyak lang ang naging tugon niya sa akin.

Ang makitang umiiyak ang kapatid ko ng dahil sa akin ay nagdadala ng kahinaan sa sistema ko kaya naman unti-unting namuo sa isipan ko ang isang plano para matapos na ang lahat ng 'to.

"Tumabi ka muna, Lili. Takpan mo ang mga mata mo." mahinahong sabi ko sa kaniya na agad naman niyang sinunod.

Nang makaalis siya ay buong lakas kong kinagat ang kamay ng lalaki kaya agad niya akong nabitawan pati ang hawak niyang kutsilyo.

"Pwe! Ang alat! Pisti!" hiyaw ko dahil sa pandidiri.

Napahiyaw ang lalaki at pupulutin ko na sana ang patalim ng biglang inapakan ng lalaki ang kamay ko dahilan para humiyaw ako sa sakit.

Yumuko siya para kunin ang kutsilyo at muli akong hinigit sa leeg sa niya ko ibinalya pader. Umungol ako dahil sa sakit ng likod ko at bahagya pa akong nahilo.

Lumapit siya ulit sa'kin at pilit ko siyang nilalabanan pero masyado siyang malakas, dagdagan pa na makirot pa rin ang magkabila kong kamay.

Muli niyang hinila ang buhok ko patalikod at nagpatianod na lang ako dahil nawawalan na rin ako ng lakas.

Bumalik ulit kami sa loob ng bahay na ipinagtaka ko. Ano na namang trip nito? Nakita kong kumuha siya ng upuan at marahas niya kong tinulak doon.

Saglit siyang nawala at sa pagbalik niya, nakita ko na lang na may dala-dala siyang lubid.

"A-Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko rito. Naramdaman ko na lang na itinali niya ito sa kamay ko palikod sa likod ng upuan.

Sinubukan kong kalasin ang tali pero masyadong siyang mahigpit kaya imposibleng makalas pa ito.

Sinigawan ko siya ng sinigawan dahil hindi ko alam kung ano talagang pakay niya. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin dahilan para malasahan ko ang dugo na nanggaling sa bibig ko.

Sininghalan niya lang ako at saka nagpalakad-lakad sa sala na parang may hinahanap. Ginulo niya ang mga gamit doon, binasag ang mga picture frame, hinulog ang T.V., winasak ang mesa.

Hindi ko mawari kung anong ginagawa niya kaya habang busy siya ay sinusubukan kong iangat ang kamay ko pataas mula sa upuan.

Samantalang hindi pa nakuntento ang lalaki at pumunta sa kusina at doon nagkalat siyang muli, pagkatapos ay umakyat siya sa second floor at nagkakalabog siya doon.

Hindi naman ako magkamayaw na ulitin ang ginagawa ko para makalas ang tali. Paulit-ulit kong inangat ang kamay ko pataas para maabot ang hangganan ng upuan kahit na nagsisimula ng kumirot ang mga buto ko pero hindi ako tumigil.

Nang malapit ko ng maalis ang tali ay huminga muna ako ng malalim para mag-ipon ng lakas.

Saktong paglusot ng tali mula sa upuan ay siyang pagbaba ng lalaki na may bitbit na bag.

Bumalik siya sa sala na mayroong ngisi sa kaniyang labi. Tinago ko muna ang kamay ko sa likod habang naghahanap ng bwelo para bangasan ang lalaking ito.

Binaba niya ang dala niyang bag sa mesa saka niya ito binuksan sa harap ko mismo at doon nakita ko ang iba't-ibang alahas na pagmamay-ari ni Mama at iilang piraso ng pera.

What the fuck? 'Yun ang habol niya sa amin?! Ang mga alahas at pera?! Pambihira naman.

Hindi lang 'yun basta alahas lang dahil nanggaling pa ito sa ibang bansa. Bawat isang piraso nito ay nagkakahalaga ng mahigit isang milyong dolyar kaya isang malaking kawalan sa amin kapag nawala ito.

Masaya niya itong pinagmamasdan habang inaangat ang mga kwintas kaya hindi na ko nakapagpigil at sinugod ko na siya.

Nagulat pa ito ng makita ako kaya huli na para labanan niya ko dahil parehas kaming natumba sa sahig.

Kinwelyuhan ko siya at sinapo ng mariin ang mukha niya 'saka inambahan ng suntok.

"Walanjo ka! Pinagbantaan mo pa ang buhay namin! Pwede namang daanin sa mabuting usapan hindi yung papatayin mo pa kami!" gigil kong sigaw dito habang paulit-ulit na sinusuntok ang mukha niya.

"As if namang papayag akong nakawan mo kami no. Syempre lalabanan kita. Ano ka sinuswerte?!" 'saka ko pa siya sinuntok ng ilang beses.

Tumigil lang ako ng makita kong nagdurugo na halos ang buo niyang mukha. Hindi na rin ito makagalaw dahil sa ginawa ko kaya nanginginig akong tumayo saka tinignan ang kamay ko na punong-puno ng dugo.

I never thought I could do such thing.

Hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos dahil parang masisiraan na ko ng bait dahil sa nangyayari ng biglang may nag-ring.

Hinanap ko ang pinagmulan ng cellphone kung saan-saan. Naabutan ko ito na natatabunan ng carpet at medyo basag na ang screen pero napipindot pa naman.

Nang tingnan ko ang caller ay agad ko itong sinagot.

"M-Mama, tulungan mo kami."

Stay QuietWhere stories live. Discover now