/SQ-3/

158 119 270
                                    

Pagkarating ko sa harap ng closet, agad kong hinanap si Lili at nakita ko siya roon na umiiyak.

"Hey, don't cry. Diyan ka lang. May gagawin lang si ate. 'Wag na 'wag kang lalabas. Okay?" Hinagod ko ang likod niya at pinunasan ang luha niya.

"Natatakot ako, Ate." nanginginig nitong sabi habang sumisinok pa.

"I know," Kinuha ko ang teddy bear na nakapatong sa table at pinahawak ito sa kaniya.

"Eto, yakapin mo hanggang sa tumahan ka. Be strong, okay? Diyan ka lang." Sinara ko ang pinto ng closet at pumunta sa may pintuan.

Ni-lock ko muna ito mula sa loob at 'saka sinara ng mahina.

Damn, the whole place is quiet.

Nagpanic ako ng biglang namatay lahat ng ilaw.

Argh, he must have been on the basement at sinira ang circuits doon. But why the fuck I cannot hear it's footsteps?

Hindi naman siya naturingang serial killer kung eksperto siya sa mga ganoong bagay.

Pero may natitira pa namang liwanag sa bahay kaso dim light lang ang nailalabas nito.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at naglakad ng tahimik.

Lumingon-lingon ako sa paligid para masdan kung may tao o wala.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan na ako sa kaba.

Jusko maria santisima, kung bakit naman kasi dito pa natripan ng killer na pumunta eh ang dami-dami namang bahay diyan.

Pinakiramdaman ko ang paligid at naghanda kung sakaling may mangyaring 'di maganda.

Nadaanan ko ang bote ng coke sa lapag kaya agad ko itong kinuha para pampukpok.

Kung saan galing ang coke? Wala akong pake basta may pangdepensa na ako.

Agad akong napalingon sa likod ko ng naramdaman kong may parang dumaan doon.

Pagtingin ko ay wala namang tao. Pero kahit may pakiramdam ako na nando'n siya ay dahan-dahan pa rin akong lumapit kung saan siya posibleng pumunta.

Tinaas ko ang bote na hawak ko at handang-handa na kung sakaling makita ko ang killer ng pagtigin ko sa sala ay walang tao roon.

Ilang beses pa akong nagpaikot-ikot para hanapin ang killer ng tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil parang may nakatayo sa likuran ko.

Hindi muna ako lumingon para hindi ko siya maalerto. Nagkunwari akong hinahanap ko pa rin siya pero ang totoo ay parang lalabas na ang puso ko sa sobrang takot at kaba.

Ayokong lumingon dahil baka pagharap ko ay bigla akong sunggaban nito ng 'di ko namamalayan.

Pero kung sinuswerte ka nga naman. Sa pamamagitan ng liwanag ng buwan na pumasok sa loob ay nakikita ko ang anino ko at ang taong nasa likod ko.

Malapit na ito sa kinatatayuan ko at may hawak-hawak itong kutsilyo na handa akong saksakin kaya mabilis pa sa alas-kwatro na yumuko ako pababa at kaagad na sinipa ang binti niya ng pagkalas-lakas.

Mukha namang nagalit ko ang lalaki at unti-unti itong bumangon habang hawak pa rin ang kutsilyo 'saka lumapit siyang muli sa akin.

"What do you want?" mariing tanong ko rito. Shete, ang lakas ng loob kong magtanong eh obvious naman na papatayin ako nitong may saltik sa utak na 'to.

Tumawa ito na parang ngongo at ngayon ko lang napagtanto na wala pala itong dila.

Shit. Anong nangyari sa dila niya?

"Can't talk, huh?" nang-iinis kong tanong rito.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nagawa ko pang makipagbiruan sa kaniya.

Sininghalan lang ako nito dahil sa inis at muli akong sinugod. Nanlaki naman ang mata ko dahil hindi ako prepared.

Hinintay ko siyang lumapit sa akin dahil may balak ako.

Pagkalapit niya ay 'saka ako yumuko at tinuhuran ang pagkalalaki niya sabay hawak sa buhok nito at inuntog ang ulo niya sa pader.

Hah! Akala mo ha.

Umungol lang ito habang hawak-hawak ang pagkalalaki niya. Halos mangiyak-ngiyak pa ito habang ngumangawa sa akin.

"Wait, what? Anong sinasabi mo? 'Di ko maintindihan." asar na sabi ko rito pero sumigaw siyang muli at sa tingin ko ay mukhang papatayin na niya ako.

Uh-oh.

Muli siyang tumayo at nanlilisik ang kaniyang mga mata na tumingin sa akin. Samantalang umatras naman ako sa kinatatayuan at naghahanap ng lugar kung saan ako susunod na pupunta.

Nakita ko ang pintuan sa sala na basag ang salamin kaya kumaripas ako ng takbo palabas pero natapilok ako sa paanan ng sofa kaya nadala ako.

Ang ending? Bumaon lang naman sa kamay ko yung basag na salamin na kasinglaki ng ulo ng sandok.

Binanggit ko na labat ng mura na alam ko dahil sa sakit na naramdaman ko. Dumaloy ang masaganang dugo doon at naiiyak na sinisi ang pesteng sofa dahil hinarangan pa ko kanina.

Kahit masakit, pinilit kong tumayo 'saka tumakbo palabas para puntahan kung saan naka-park ang sasakyan pero pagdating ko roon ay nakita kong flat ang apat na gulong nito.

Punyeta. Letche. Pisting yawa. Kingina. Double kill.

Sumigaw ako ng tahimik dahil sa inis. Agad akong nagtungo sa gilid ng sasakyan para magtago at para ayusin ang sugat ko sa kamay.

Sumilip muna ako sa paligid pero hindi ko na nakita ang baliw na lalaki kanina. Hindi ko iyon pinansin dahil mas nangingibabaw ang sugat sa kamay ko.

Huminga muna ako ng malalim na hininga bago ko hinawakan ang dulo ng basag na salamin. 'Saka ko ito hinugot ng mabilisan dahilan para umagos ang maraming dugo doon.

Halos mawalan naman ako ng ulirat at impit akong napasigaw dahil sa matinding sakit.

Gamit ang isang kamay, pinunit ko ang laylayan ng t-shirt ko at 'saka ito pinulupot sa nagdurugo kong kamay.

Maluha-luha ako habang ginagawa ko ito pero natigilan ako nang makarinig ako ng sigaw.

"ATE! TULUNGAN MO KO!"

Napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Lili at doon nakita ko ang lalaki na hawak-hawak ang leeg ng kapatid ko habang nakatutok sa kaniya ang kutsilyo nito.

No. No. No. Not my sister.

Stay QuietWhere stories live. Discover now