CHAPTER 4- THE START

5 2 0
                                    

~Cloud~

May ginagawa lang ako sa laptop ko ngayon. I look at the door sandali when it opened and pumasok si Blithe.

"Masyado atang busy sir? Di ka pa uuwi?" tumigil naman ako sa ginagawa at sumandal ako sa swivel chair at napahawak ako sa may noo ko.

"Still got to finish something. Mauna ka na lang," I said.

"I think that's inappopriate?"

"It's okey Blithe. You can go baka may date ka pa."

"Tsss. I don't have a date but anyway, as you said mauna na lang ako." umayos naman ako ng upo.

"Okey sure."

"Sige. See you." sabi ko naman. Lumabas na din naman siya at bumalik na ako sa ginagawa. I started typing again but then stopped nang madaku yung tingin ko sa left hand. I'm wearing our supposed to be wedding ring. I moved my right hand and touched it. Nagsimula na namang bumigat yung dibdib ko. Napadukmo ako sa desk and closed my eyes. If only you were here, I won't feel this miserable. I want to die.

----

I slowly opened my eyes. Nakatulog pa ako. I held my head at natigil ako nang mapansing madilim sa loob. I moved my had at tap my laptop at nag-open ito. Natigil ako nang may tumatak na 'no internet connection'. Napakunot-noo ako. Kinuha ko naman yung phone ko to call someone nang di man lang ako makacontact. Nag-iba yung pakiramdam ko na para akong kinabahan.

Did someone cut my account?

Tsk!

I rub my face at tumayo na. Niligpit ko na lang yung gamit ko para makauwi na. I put the sling of my bag on my shoulder. I hold the knob pero naalarma ako nang di ko man lang ito mabuksan. Gamit ko lang yung phone ko for a flashlight. I tried to open it pero walang nangyari. Napabuntong hininga ako at medyo inis na din. Binaba ko na lang yung bag ko at kumuha ng pamukpok. Sinira ko naman ito at nagtagumpay naman ako. Pinagpawisan na nga ako.

Kinuha ko na ulit yung bag ko at nagsimula ng maglakad palabas. Nilibot ko yung paningin ko sa madilim na espasyo ng kompanya. By the way, 7-storey ito na building and I'm on the 7th floor. I sighed. Magsisimula na sana akong maglakad nang makarinig ako ng mahinang footsteps

"May tao ba diyan?" pagtatanong ko. "Guard?" ngunit walang sumagot. Instead huminto lang yung mga yabag. Napailing naman ako. I take one step nang biglang magbukas yung mga emergency light one by one kaya nagkaroon nang kaunting liwanag sa loob. Napakunot-noo ako. Pinaglalaruan ba ako?

I saw the cubicles.

Nagsimula akong naglakad ng mahina at pinapakiramdaman ko din yung paligid. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko yung tao sa may dulo na nakaitim lahat at may suot na sumbrero and also a mask. Is this a thief?

"Sino ka?" nagulat ako nang instead na sumagot ay nilabas niya yung kutsilyo sa may right hand at nagsimulang maglakad palapit sa akin.

Naalarma na ako, so I decided to run papunta sa ibang direksyon. Headed towards the elevator. Napapalingon naman ako sa likuran pero naglalakad lang siya palapit sa akin. Nakarating naman ako sa elevator and pressed the button but it's not opening.

Tsk! I think I need to take the stairway.

Tumakbo na ako papunta sa direksyo paunta sa hagdan. Nagulat ako nang may bumangga sa akin kaya napaupo ako. Ang sakit pa ng puwit ko. Ang sama din ng pagkakabangga ko. I opened my eyes agad baka kung sino nang nabangga ko. Nagulat ako when I saw a lady.

"Araaay." sambit niya.

Teka, she's familiar.

"Hurricane." sambit ko para makasiguro. Natigil naman siya and look at me. Nanlake din yung mga mata niya nang makilala ako.

"Sir?" -siya

I look back at nakita ko na yung nakaitim na papalapit na sa amin.

Binitiwan ko yung bag ko at agad tumayo at walang ano-ano'y hinila siya sa wrist at tumakbo. Napasunod naman siya sa akin.

"Hala sir yung bag mo naiwan." sabi niya. ~,~

Seriously?

"Aray.. aray yung takong ko sir. Natatapilok ako."

"Bilisan mo if you don't wanna die-"

"Aray!" natigil ako sa pagtakbo nang parang natapilok ata siya kaya tiningnan ko siya.

Para siyang napaupo ngayon while holding her right foot

Pambihira tong babae na to, gusto ba niyang mamatay.

Nilapitan ko siya at hinubad ko yung sapatos niya at tinulongan siyang tumayo.

"Ano ba, bilisan mo-" natigil ako when I saw the guy na nakablack while still holding a knife na nasa harap na namin. Di naman namin masyadong makita ang kanyang mukha dahil nakamask ito at nakasumbrero. Napalingon naman sa tinitingnan ko si Hurricane at natigil din siya

"S-sino ka? Nag-overtime ka din ba?" pambihirang babaeng ito, nakuha pang magtanong ng ganyan. Nagulat ako nang bigla na itong tumakbo palapit sa amin. Kikilos sana ako para itulak si Hurricane pero nauna siyang itulak ako kaya napaupo ako. Gulat ako nong hinarap niya yung lalake and block his hand na may hawak sa kutsilyo. She twisted his hand kaya nabitawan nito yung kutsilyo sabay tama ng kamay niya sa ilong nito then after sa leeg na. Nasaktan naman yung lalake at agad itong natumba patihaya at hinimatay. Napanganga ako sa nakita. Napakurap pa ako tsaka tuloyang tumayo. She look at me.

"Okey ka lang sir?" di pa ako nakapagsalita kaya mahina akong napatango.

"D-did you kill him?"

Umiling naman siya. Lumapit ako sa lalake, napansin kong naglakad habang paika-ika palapit sa akin si Hurricane.

Tinanggal ko yung sumbrero ng lalake at ang mask nito. Natigil ako nang malamang familiar ang lalake. Kinalikot ko naman kung saan ko siya nakita hanggang sa naalala ko na. He's a dyanitor here na I just fired during that time na sobrang init ng ulo ko. Medyo nanghina yung tuhod ko don.

"Are you alright sir?" I look at her at napatango ako.

"Kailangan nating tumawag ng pulis. Can you call?" -me

Natigil naman siya.

"Ay. Naku sir. Wala akong load hehe."

"Try to use your data." sabi ko. Naglakad naman siya paika-ika papunta sa bag niya at kinuha yung phone niya. Para namang nag-iba yung expression ng mukha niya and look at me.

"Lowbatt ako sir." lumaylay yung balikat ko do'n. I rolled my eyes and sigh.

"Whatever.. Let's get out here."

"Okey sir." may kinuha naman siya sa bag niya and I saw a white rubber shoes. By the way, she's now wearing a pencil na skirt and a blouse and she got a coat. Pinanood ko lang siya habang sinusuot yung rubber shoes niya.

"Palage ka bang nagdadala niyan?"

"Yes sir. For emergency." she said and smiled.

"Ba't di ka pa nakakauwi?"

"Ayhh  Sir hehe. Nakatulog po ako eh. Sorry po." sabi niya at tumayo na. Napailing na lang ako sa kanya.

"Tayo na sir." sabi niya at nauna ng naglakad habang paika-ika. I look at her feet  at napabuntong-hininga. Sumunod na lang ako sa kanya.

"Can you still walk?" tanong ko sa kanya nang malapit na kami sa hagdan.

"Yes sir... no worries. Kayang-kaya." napailing na lang ako don at naglakad kami sa stairway. Nauna na ako at nakasunod lang siya sa akin.

<END OF CHAPTER 4>

OVERTIME Where stories live. Discover now