CHAPTER 1- HEARTLESS

8 2 0
                                    

~Cloud Tatum~

Nakatingin lang ako ngayon sa tubig sa baba ng isang bridge. It's  around 9:00 in the evening. It has been 3 years when my fiance commited suicide by jumping from this bridge for reasons that I do not know and it leave me blaming myself. Since then, I forgot to smile and laugh and even live.

Napatingala ako sa langit and saw the full moon.

Moon? Sky?

Have you seen my love take away her own life?

You should've stop her right?

Di ko na kaya yung sakit. I want to be with her. Kumilos ako para umakyat at para tumalon na din sa mismong tulay when I hear footsteps and a ball dribbling.

I saw a lady dribbling the ball with two guys. Sa hinuha ko they are from the basketball court malapit lang dito. Nag-uusap sila at nagtatawanan.

"Nakita niyo yung video ni vice?" tanong nong babae.

"Alin don?"

"Yung kapag daw nakashoot may paatras atras pang nalalaman. Ganito oh." sabi niya ta's nag-action na parang shinoot yung bola and began to have continuous steps backward. (A/N: Alam niyo yun? Yung kapag nakashoot na yung player may paatras atras pang nalalaman)

Nagtawanan naman sila don. Dahil na din sa itsura ng babae while doing that na feel na feel niya din. Well, she moves like a man at habang nagsasalita may action at facial expressions pa.
She's wearing a white t-shirt, basketball short and a rubber shoes too.

Nag-appearan pa sila.

Nasa kabilang part sila ng bridge kaya di nila ako napansin. Napansin ko yung mga sumusunod sa kanila na mga nakasuot din nh jersey na limang lalake.

"Hoy!" napahinto naman sila at nilingon ang mga ito.

"Uy pare?" sabi nong isang lalake.

"Akala niyo ba tatanggapin lang namin ang pagkatalo mg ganon na lang? Pwes hindi!" nagulat ako nang bigla silang sinugod nong isang grupo and they started fighting. Pinanood ko lang sila like para lang akong nanonood ng action movie. Pero napabilib ako sa galing makipaglaban nong babae like parang sanay na siya. Maybe she's a gangster. Tinapon niya pa yung isang lalake paharap hanggang sa siya na lang yung natirang nakatayo habang humihingal. Nagsibangon naman ang kalaban nila.

"Hindi pa tayo tapos." sabi nito at nagtakbuhan na.

Tinulongan niya namang bumangon yung mga kasamahan niya. Napailing na lang ako at naglakad na papunta sa kotse at pumasok don. I took a glance from them bago tuloyang umalis.

----

~Hurricane Tiu~

Pumasok na ko sa pinto ng bahay namin habang hinahawak-hawakan yung pumutok kong bibig.

"O ba't ganyan ang itsura mo?" natigil ako nang makita si mama. Agad ko namang tinago yung mukha ko.

"Wag mo ng itago dahil kita ko na." napasimangot na lang ako at hinarap siya.

Nagulat ako nang kurotin niya ako sa tagiliran.

"Ikaw talagang bata kaaaaa."

"Aray... ma" sabi ko habang pilit siyang pinipigilan.

"Sinabi ko namang wag ka ng makikipag-away."

Sa wakas ay tinigilan niya na ako.

"Self-defense lang naman po yung ginawa ko. Sila naman yung nanguna."

"Sinabi ko naman sa yo na wag ka ng sumama sa mga lalakeng iyon?"

"Eh.. Ma, wala namang ibang gustong makipaglaro sa akin ng basketball eh."

OVERTIME Where stories live. Discover now