CHAPTER 3- CONVO

5 2 0
                                    

~Hurricane~

Natigil ako nang mapansin kong nag-U-Turn si sir. Napahinto ako sa paglalakad at sinundan ng tingin yung kotse niya at nagtaka pa ako nang huminto ito sa may tapat ako. Napatitig pa ako rito sandali. Nagtaka ako nang magbukas yung pinto sa may frontseat.

"Get in." napakurap pa ako don at sinilip ko si sir sa loob.

"S-sir?"

"I said get in."

"Pero sir-"

"Di ka ba nakakaintindi?" parang naiirita niya ng sabi kaya kahit nag-aalangan ay sumakay na lang din ako. Nagmaneho naman siya. Tinitingnan ko naman siya at nakasalubong naman yung mga kilay niya habang nakatingin sa daan. Napalunok na lang ako. I don't know what's wrong with him? Di ko nga akalain na makakasakay ako sa kotse niya.

"Sir--"

"Pwede bang manahimik ka muna." sabi niya inis pa din. Natikom ko na lang yung bibig ko at napatingin na lang sa daan. Inaaliw ko na lang ang sarili by playing with the watch in my left wrist.

"Ba't ka ba naglalakad mag-isa sa tulay na yon? ><"

"Uh. Wala po kasi akong ibang kasama at kaya ko naman po yung sarili ko, di ako natatakot."

"Tsk!." sabi niya. Di ako nagsalita ulit. Napansin ko naman na inalis niya na yung pagkasalubong ng kilay niya and then he sighed.

"Sa'n ba yung bahay niyo?" natigil naman ako don.

"Yun po sana yung sasabihin ko sir. Kanina pa po tayo lumagpas, nasa dulo lang kasi nong tulay yung bahay namin." pagkasabi ko don ay nagulat ako nang bigla siyang nagbreak sa tabi. Di pa naman ako nakaseatbelt kaya muntik na akong mabusangod.



Nakita kong naglabas siya ng expression sa mukha. Napatingin siya sa labas at bigla siyang lumabas. Sinundan ko naman siya ng tingin at nakita kong papunta siya sa may tindahan don. Marami actually na nakahilira na nagtitinda rito kasi malapit ito sa pier.

~Cloud~

Medyo napahiya ako nang marealize yung ginawa ko. Kaya para makatakas sa kahihiyan lumabas na lang ako at pumunta sa may tindahan.

Bumili ako ng dalawang beer na nasa can. Naupo ako don sa isang upoan sa tapat ng isang lamesa at don na uminom. Magpapalamig muna ako. This is when your life is wasted. Wala ka ng pakialam. Namatay kasi yung parents ko because of an accident when I am 24 years old through a car accident leaving me this company, wala din akong kapatid kaya mag-isa na lang ako sa buhay until Jewel came and she complete me again at iniwan din ako. Gusto ko na ding maglaho kasi araw-araw akong pinapatay ng nakaraan.

Natulala ako sandali habang hawak yung lata sa kamay ko. Natigil ako nang may umupo sa may harap ko. Tiningnan ko naman siya. Muntik ko ng makalimutan may kasama pala ako. Umiinom din siya-- ng chuckie.

Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-inom.

"You also has cut in your wrist sir." natigil ako't tiningnan ko yung left wrist ko na may mga scarce. Hinila ko yung sleeve ng coat ko to hide it.

"None of your business." She sip on her drink and sighed.

"Wag mo na ulit uulitin yun sir... Di ko man alam gano ka nasaktan. Alalahanin mo na lang pano na ko?" napakunot-noo ako sa sinabi niya and I stared at her.

Narealize niya din ata yung sinabi niya.

"I mean... sino ng magsisweldo sa akin.. Sa amin," napatitig ako sa kanya and I smirked at uminom na lang ulit.

Nonsense.

"Pero seryoso sir... You don't have to live in the past.. You have to live today. Try mong bumangon sir kasi sa nakikita ko... Kaya ka nagkakaganyan kasi ayaw mo na ding lumaban."

"Di madali ang sinasabi mo." wala sa sarili kong sabi. Medyo natatamaan na din ako sa aking iniinom at maging sa mga sinasabi niya. "Di ikaw ang nawalan."

"Di nga ako pero... Kagaya mo, nawalan din naman ako." I stopped at napatitig sa kanya. Halatang nailang siya sa ginawa ko

"What if instead na magmukmok ka sir, sumama ka na lang sa aking magbasketball?" masigla niyang sabi.

"Tsssss. Kaya ka ba nagbabasketball para di ka magmukmok?" para siyang natigil sa sinabi ko at nag-iba yung expression sa mukha niya and sip on her drink.

"D-di ah. Mahilig lang talaga ako don." sabi niya. Napatingin siya sa iniinom ko

"Try mo kaya tong chuckie instead of that sir" sabi niya. Umiling ako

"Childish." I said.

She sighed

"Sir. Habang may buhay, may pag-asa."

Ewan ko sa kanya. Tumayo na ako.

"Umuwi na tayo. Ihahatid na kita." sabi ko at nauna ng naglakad pabalik sa sasakyan.

-----

Dahil sa gabing iyon. Napapansin ko na siya palage sa company. Di ko din alam pero sa tingin ko hinahanap din siya ng mga mata ko. Di naman kami nagpapansinan dahil di naman palageng nagkocross yung landas namin. Nakakapagtaka nga eh di ko naman siya nakikita noon even if she's my employee but now I am fully aware that a girl like her, a girl named Hurricane exist. Di ko din naman siya pinapansin. Bali I snob her existence or para ko na din siyang iniiwasan ng dahil sa di ko maipaliwanag na dahilan.
Nag-iba kasi yung pakiramdam ko sa kanya after nong gabing iyon and I felt like I have to keep myself away from her but there are just things that aren't in our control and things that will happen na hindi natin ineexpect na mangyayari sa atin.

I was leave no choice but to be with her because of that OVERTIME.

<END OF CHAPTER 3>

OVERTIME Where stories live. Discover now