CHAPTER 2- U-TURN

5 2 0
                                    

~Cloud~

Nasa may office ko na ako ngayon. Just signing checks.

"Seriously, Cloud.. You fired that lady?" andito pala si Blithe. He calls me cloud since we're actually friends. He's more than an assistant.

"Yup." sabi ko habang tumango-tango habang sa mga checks pa din ang mga pansin.

"Why?" tanong niya. Natigil naman ako don at napaisip. Bakit nga ba?

"I don't know. Gusto ko lang. Well, actually.. I'm just teasing her. Depends on her if maniniwala siya." napansin kong parang natawa si Blithe sa aking tinuran.

"What?" -Him

I look at him.

"I just can't believe na may gana ka pa palang manukso ngayon?"

Napailing na lang ako and continued signing. He's right. Bakit ko nga ba naisipang tuksohin iyon?

Siguro dahil medyo masarap lang siyang tuksohin, yung mukha niya kasi kanina basta. Naalala ko kasi na siya yung babaeng magaling na nakipaglaban kagabi sa may tulay ta's I can't believe na dito pala siya nagtatrabaho sa kompanya ko. Medyo natawa lang naman ako ng kunti sa itsura niya kanina, para siyang naiiyak that's not what I expected.

May kumatok naman sa pinto kaya napalingon kami rito. Nagbukas naman ito at pumasok ang hindi ko naman inaasahan na panaohin.

"Oh, she's here." Blithe exclaimed at tiningnan ako ng mapanukso tsaka tumayo.

"I'm out. Just call me if you need something sir." dagdag ni Blithe at naglakad palabas.

"Good afternoon Sir Blithe." the girl greeted and bowed.

"Good afternoon Ms. Hurricane." Blithe replied bago tuloyang lumabas. Leaving me and this gangster.

She look at me na parang kinakabahan

"G-good morni-- este, good afternoon sir." tinaasan ko lang siya ng kilay at napasandal ako sa swivel chair. I look at her from head to toe since she changed her clothe. Nakasuot na siya ng fit na dress with a coat and a shoes with a heels. Halata na medyo naiilang at nahihirapan siyang dalhin ang mga ito and she's not comfortable. Medyo natatawa ako pero pinipigan ko lang and managed to give her a serious look.

"As far as I can remember, I fired you already Ms. Gangster."

"Ahh hehe opo sir... pero sir.." nagsimulang nagexpress ng parang nagmamakaawa yung mukha niya.

"Please... ibalik niyo po ako ulit." tinaas ko ulit yung kilay ko don. "Sorry na po at late ako kanina pero maniwala po kayo hindi po ako gangster, fafollow na po ako sa dresscode ng company, at tsaka hurricane po talaga pangalan ko sir.. heto po oh." natigil ako nang may inabot siya sa akin. Medyo nanginginig pa nga siya ng kunti habang inaabot ito. Tinanggap ko naman and look at it. Medyo natawa ako kaya tinabunan ko yung mukha ko nong papel na binigay niya and hide my smile. Birth Certificate kasi niya ito.

Unbelievable.

Nag-effort pa talaga siya na magdala nito just to prove it. Sumeryoso ako ulit while reading her infos.

Hurricane Tiu
24 years old. I took a glance of her na ngayon ay hinihintay yung reaction ko. She looks cute and innocent.

Wait, erase. I didn't say that.

Napailing ako and look at her. Umayos na din ako ng upo

"Give me one reason to accept you in my company Ms. Tiu." I said.

Natigil naman siya at halatang nag-isip muna siya.

"I believe that I am here for a purpose sir." sabi niya. Nataas ko ulit yung kilay ko don at napatitig ako sa kanya na ngayon ay di mapakali at kung saan saan lang tumitingin na parang iniiwasan yung titig ko. She's a little bit weird. Anyway, just like what I said I'm just teasing her

"Okey. Go back to work." I said at don na ulit sa ginagawa ko ang pansin.

"Talaga sir?" masigla niyamg tanong.

"Gusto mo bang bawiin ko?"

"Naku, hindi po sir. Salamat po talaga sir. Thank you." sabi niya. Kumilos naman siya at lumabas na ng office. Napatitig ako sa pinto nang makalabas siya. I smirked at napailing ako. I don't know but she made my day a little bit different.

----

Nasa may tulay na naman ako ngayon. It's already 9:30 in the evening. Palage na kasi talaga akong pumupunta rito everytime na naaalala ko si Jewel- my fiancee. Until now, hindi pa din ako makapaniwalang magagawa niyang magpakamatay. She's a beautiful and a kindhearted lady I know kaya kahit di pa kami gaanong magkakilala noon, madali ko lang siyang natutunang mahalin but why did she leave me like this.

Di ko mapigilang maluha kapag naaalala ko yung mga memories namin together at ang mga pangarap namin for our supposed to be future family. Naiisip ko ding magpakamatay actually and many times natetempt akong tumalon dito just like now. I stepped at umakyat sa pasilyo ng tulay hanggang sa makatuntong na nga ako. Napatingala ako and closed my eyes. This is the only way to kill this regret and pain.

Ready na sana akong tumalon nang biglang may humila sa kamay ko kaya na out balance ako at nahulog. Napaupo naman ako kasabay nong humila sa akin  na katabi ko lang na napaupo. Napakunot-noo ako and look at him, I mean her. Nagulat pa ako when I saw that Hurricane. Humihingal siya habang pawis na pawis. Nakasuot siya ng jersey and a rubber shoes na parang galing na naman sa pagbabasketball.

"Kala ko hindi na-" nanlake yung mga mata niya nang makilala ako. Inalis ko naman agad yung tingin sa kanya at agad akong tumayo.

"S-sir? Magpapakamatay ka?" parang tanga niyang tanong sa akin. I look at her.

"Isn't it obvious?" sabi ko at kumilos na para umalis.

"May problema ba sir?" tanong niya na mukhang sinusundan ako. Kaya huminto ako sa paglalakad and face her.

"Pwede ba wag mo kong sundan?"

Natigil naman siya.

"Uh eh. sir, dito po kasi yung daan pauwi sa amin." natigil naman ako don at napatitig sandali sa kanya.

"S-sir.. gusto mo bang magshare ng problema?" napailing ako sa sinabi niya. Sino ba siya para sharan ko ng problema.

"Tsss. Kaya ka siguro late palage sa trabaho noh? I'll check your attendances tomorrow." natigil naman siya  don.

"S-sir " di ko na siya nilingon at diretso na ako sa kotse ko. Pumasok na ako at agad na pinaandar ito. I don't like the idea na nakita niya akong ganon kanina.

Patuloy lang sana ako sa pagdadrive nang makita ko siya na naglalakad through the rearview mirror, mag-isa in that dark highway, kahit na ganon yung itsura niya, she's still a lady-- agad akong nagbreak nang marealize yun. Napapikit ako nang mahigpit coz it's like the scene of my most regretful night.

I opened my eyes again at nag-u- turn pabalik sa kanya.

<END OF CHAPTER 2>

OVERTIME Where stories live. Discover now