Epilogue

14.6K 752 139
                                    

Riggs

Siguro nga matapos ng break up namin ni Giselle ay may mga katangian na nagbago sa akin, bagay na naging rason para masira ang buhay ko, naghiganti sa iba't ibang babae na akala ko'y may mapapala ako.

Let me bring you to the exact day before we broke up.

Saturday night at exactly 6:00 PM, I set up a dinner date at an exclusive and high class restaurant due to my ex girlfriend 'Giselle' request.

Maluho si Giselle pero anong magagawa ko kung mahal ko 'yung tao?

Nang gabing 'yon ay naghintay ako sa resto kung saan napag-usapan namin na magdi-dinner kami.

Tinadtad ko na rin siya ng messages but there's no sign of any response. I waited here for an hour which lead to 2 hours, 3 and so on but there's no any presence of my girlfriend.

Lumapit na sa akin ang isa sa crew at tinanong kung ready na raw ba akong mag order, siguro nakahalatang ang tagal lo na rito ay wala pa rin ang hinihintay ko, nawa walang sisipot at di lang ako maderetsa kung dadating pa ba ang date ko.

Hindi naman ganito si Giselle.

Bakit hindi niya manlang sinabing may biglaan pala siyang gagawin ngayong anniversary namin? O kahit katiting na update para ipaalam sa akin na hindi kami tuloy?

Did she fell asleep?

Kada oras ay nakatunghay ang mata ko sa transparent na glass window, naghihintay sa pagdating ng girlfriend ko.

I waited here until 10:00 in the evening. Ang oras ng pagsasara ng resto na 'yon.

Ang sama lang, hindi ako sinipot kung kailan 3rd year anniversary.

Napagdesisyunan ko na rin na umalis na sa restaurant na 'yon at hindi ko maiwasan ang balutin ng pagtataka.

This is not normal.

Nagstay lang ako sa loob ng kotse ko at hindi ko alam kung ilang oras akong tulala ron.

Muli ko siyang tinawagan ngunit hindi niya talaga 'to sinasagot, alas dose na nga naman ng gabi, eh sa bagay, panigurado'y natutulog na siya pero gusto ko siyang makita para ma-ibigay sa kanya ang hinihiling niyang mamahaling klase ng kwintas na matagal na raw niyang gusto.

Wala namang kaso sa akin na bilhan siya nang bilhan ng mga luho dahil kaya ko naman magprovide.

Napagdesisyunan kong pumunta sa kanilang mumunting bahay, sinadya kong huminto sa medyo malayo ngunit tanaw pa rin ang kanilang pinto para hindi maglikha ng kahit anong ingay ng makina ng sasakyan ko na magiging dahilan para magising si Giselle at hindi naman talaga 'ko dapat bababa ng kotse ko kung hindi ko lang natanaw na malaki ang siwang ng kanilang pinto ng bahay na kinataka ko.

Delikado 'yon dahil nasa kalagitnaan na ng gabi.

Tinanggap ko ang lahat ng katauhan ni Giselle na walang alinlangan dahil nababalik niya kahit papaano ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya, o talagang naging bulag lang ako?

Moody, party goer, may pagkatamad, maluho at iba pang mga katangian ng babae na tambay kanto na alam mong hindi na tama at minsan ay wala na sa lugar, minahal ko si Giselle sa mga katangian niyang 'yan.

Alas dose pasado ng gabi, nakabukas at hindi naka-lock ang pinto?

Hadaling hadali ako na pumasok sa kanilang bahay at may nadampot akong bakal sa labas 'di kalayuan sa kanila kaya kinuha ko, baka mamaya ay may nakapasok na masamang loob.

Narinig ko na may naglilikhang tunog sa kwarto kaya naging alerto ako, mabilis kong tinahak ang kwarto at marahas na binuksan ang pinto nito habang nakahanda ang pang hambalos ko.

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now