Chapter 6

11.4K 265 6
                                    

Calista

Umagang umaga at katatapos ko lang mag ayos ng sarili ko, medyo na-late ako ng gising kaya nagmamadali na 'ko ngayon at aktong lalabas na 'ko ng aking kwarto ay siyang pagkatok at pagbukas ng pinto.

"D-Dad." Utal kong turan nang makitang siya pala ang iniluwa ng pinto.

"Hindi na kita kinausap kagabi dahil alam kong maaga pa ang pasok mo." Anito na nakasilip ang ulo sa pinto.

"Tuloy po." Pumasok naman na siya at iniwang nakabukas ang pinto.

"You're acting weird last night, what's up?" Tanong niya at nanatiling nakatayo malapit sa pinto.

"Wala naman po, nilalamig lang po ako kagabi kaya po hindi ako mapakali." Sagot ko rito.

"I will do everything I can." Seryoso niyang saad, naguluhan ako sa sinabi niya. 

"Dad—" Narinig ko ang pagtunog ng phone ko kaya na udlot ang itatanong ko.

"Pick it up, we can still talk later." Utos ni Dad.

Tumango naman ako bago kapain ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay si Charmaine.

"Hello, Maine?" Nang marinig ni Dad na binanggit ko ang pangalan ng kaibigan ko ay lumabas na ito sa pinto indikasyon na nirerespeto ang privacy naming magkaibigan.

[Girl ang tagal mo, nasaan ka na ba? May contest ngayon nakalimutan mo? Gaga ka talaga!] Halos mabingi ako sa boses niya.

"I'm leaving, on my way na!" Sagot ko at natatarantang dinampot ang bag ko mula sa kama.

Sana'y wala akong nakalimutan na kailangan kong gamit para sa gagawin ko.

Sabi lang kasi ay i-handa ang mga maaaring gamitin pero hindi nila sinabi ang pinakaspecific na pangalan ng magaganap na designing. 

How are we going to prepare if we don't know what's coming?  

Who the hell on earth would do that? Well, someone you don't wanna know, probably.

"Mom! Dad! I'm going!" Sigaw ko bago makalabas ng bahay.

"Ingat anak!" Sigaw ni Mom at tuluyan na akong naglakad palabas, sinalubong naman ako ni Brix. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto ng sasakyan.

"Ma'am, late na po kayo." Ani Brix bago ako makapasok sa kotse.

"I am well aware, pakibilisan mo na lang ang pagmamaneho." Tumango lang siya pagkatapos ay isinara na niya ang pinto ko, I put on my seatbelt.

Mabilis na umandar ang kotse, nagbukas ako ng aking account at tumambad ang sunod sunod na chat ng aking kaibigan.

Last ten minutes na lang daw at mag i-i-start na. 

Stop pressuring me, Charmaine!

Mabuti na lang at mabilis magmaneho si Brix at the same time ma-ingat pa rin. Nang nakapagpark na siya ay hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto at ginawa ko na 'yon para sa sarili ko.

Hinarang pa 'ko ng guard sa hindi ko malaman na dahilan, kalaunan ay napagtanto ko rin dahil hindi ko pala nasukbit sa aking leeg ang ID ko. 

Natataranta kong hinalungkat sa bag ang ID ko at nang makita ay sinukbit ito sa aking leeg tsaka lang ako pinapasok. 

Dali dali kong tinahak ang daan patungo sa room, sakto naman na palabas na si Charmaine at nakikipagkwentuhan pa sa iba niyang kasama, tumatawa pa ito.

Agad ko siyang hinawakan sa magkabila niyang braso, nagulat pa siya nang biglang dumapo ang mga kamay ko sa kanya.

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now