Chapter 11

7.9K 208 10
                                    

Calista

"Good morning, Babe!" Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung nagsimula ang kahibangan ni Riggs. 

My parents enlighten me what happened. They didn't neglect me at all.

Riggs parent/s threatened my father into leaking the downside of my father's company business, even the personal past of my father into public which will definitely ruined our names, especially for those who have received a donations from him. 

They even mentioned that if we call a lawyer or submit a complaint to the police, in one click we will become a news flash. I'd rather not talk about the leverage they have against my father. My parents, especially me, had no choice but to go with the flow for the sake of my family business. 

This is easy. I can handle this. 

Narito na naman siya sa harap ng aming bahay, sinundo niya 'ko sa aming tahanan para sabay kaming pumasok sa eskwelahan at araw-araw niyang ginagawa 'yon. Kailan kaya ito mananawa?

Nang tuluyan na 'kong makalabas sa bahay ay nakita kong pinupunasan ni Brix ang aming sasakyan, nag iwas ito ng tingin sa akin.

Sapilitan akong naglakad palapit kay Riggs, hinalikan niya muna ako sa pisngi bago ako pagbuksan ng pinto.

Let me clarify things, I hate everything that already happened. Lalo na ito, hindi lang ako makagawa ng kahit anong kilos dahil inaaala ko rin ang mga magulang ko. Nakapatong sa ulo ko ang kapayapaan ng kompanya.

Agad akong marahas na napapunas sa aking pisngi kung saan niya 'ko hinalikan pagpasok na pagpasok ko sa loob ng kanyang sasakyan at sapilitan lang din na umupo sa passenger seat.

Nang makapasok na 'ko ay pumwesto na siya sa kanyang seat at nagsimulang buksan ang engine ng sasakyan. "Seatbelt," anito. I just put it on.

"Kumusta ang weekends mo?" Ngiting ngiti niyang tanong habang ako ay nananatiling seryoso ang mukha.

"Because me? I'm doing great!" Anito nang hindi ko siya sinagot.

Nabalitaan kong nagpunta na naman siya sa bar noong Sabado ng gabi, may nag DM lang sa akin na misteryoso sa ig kaya ko nalaman pero all in all wala naman akong paki-alam sa kanya.

Sigurado namang may nakalampungan na naman siya sa bar na pinuntahan niya kaya ganoon na lang ang pandidiri ko sa kanya. 

Someone who is an addict to something won't be cured immediately in one session, just like this boy. And so much sexual intercourse to different people might caused you HIV. 

I wonder if he ever think about that? Tsk, malamang sa malamang ay hindi.

Hindi nga marunong makuntento sa isa, mukhang malabo talagang magbago ang isang 'to. Mag hihintay na lang ako ng karma niya.

Nang mabuksan ang engine ng sasakyan at makalayo na sa aming bahay ay binuksan niya ang radyo at nagpatuloy siya sa kanyang pagkanta hanggang sa makarating kami sa parking lot ng aming pinapasukan na eskwelahan. 

Gusto ko na lang tanggalin ang tenga ko habang nasa byahe. 

Sa aming paglalakad papasok ay napapalingon sa amin ang ibang dumadaan at nagbubulungan pa kapag nalalagpasan na kami. Ang iba naman na nakakasalubong niya ay napapasabi sa kanya ng 'jackpot' dahil alam siguro nila na wala pa 'kong nagiging nobyo dahil wala naman sa isipan ko 'yon, hindi kagaya ng demonyong 'to na gabi-gabi may bagong nagagalaw.

Hinatid niya 'ko sa aming classroom at nakita ko naman ang kaibigan ko na nakasandal sa tapat ng pintuan habang nakakrus ang mga braso na mainit ang tingin kay Riggs na tila tinutunaw niya ito habang si Riggs naman ay walang paki-alam sa titig nito.

"I'll pick you up once the class is over." Muli ako nitong hinalikan sa pisngi na pinunasan ko ng marahas, mabilis ko siyang tinulak. Naalarma din si Charmaine kaya maging siya ay tinulak din si Riggs.

"Hindi pa ba sapat na pailalim kang tumira at pati pag chansing sa kaibigan ko ay kasama sa kagaguhan mo?" Galit na tanong na salubong ni Charmaine, hinawakan ko naman sa balikat ang kaibigan ko para kumalma ito.

"Hindi chansing 'yon, may karapatan ako dahil sinagot na niya 'ko." Nakita ko ang malawak na ngiti ni Riggs, kung sa karamihan ay nakakakilig ang ngiting 'yon. Sa akin ay nakakakilabot 'yon.

"I did not." Maigsi kong tugon. 

"Can we please stop being immature and act like a grown up?" Ani Riggs.

"Wow naman ang kapal ng mukha!" Bulyaw ni Charmaine kay Riggs bago ito tuluyang umalis, napapatingin sa amin ang ibang dumadaan. Kumakawala pa si Charmaine sa aking pagkakahawak sa kanya dahil gusto niyang sugurin at sabunutan ang lalaking 'yon.

Nang tuluyan kong mapakalma ang kaibigan ko ay pumasok na kami sa loob ng room dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. 

Pagpasok namin ay nakita ko ang ilan naming kaklase na nakatingin sa amin, hindi na lang namin pinagtuunan ng pansin ang kanilang malisyosong mga tingin at pumwesto sa pinakahuling upuan.

"Calista, hindi ko maintindihan bakit pumapayag ka na ganyanin ng punyetang manyak na 'yon! Tingnan mo, dahil sa kanya palihim ka'ng kinukutya ng karamihan!" Inis na sabi ni Charmaine at umirap pa tila hinihinaan ang boses dahil baka marinig ng iba naming kaklase.

"Punyetang Riggs 'yan, 'pag nagkataon at kami lang dalawa magkikita n'yan? Hahampasin ko ng martilyo sa ulo 'yan! O kaya sasaksakin ko ng kutsilyo!" 

"Swerte nung gago, wala ka pang nagiging jowa tapos siya? Ay nako!" Gigil niyang saad, pinanggigigilan niya ang kanyang hawak na handkerchief.

"Naalala mo ba ang mga kinwento ko sa 'yo tungkol sa mga sinabi ni Brix?" Tulala kong sabi, nai-kwento ko na rin sa kanya ang mga karagdagang impormasyon na sinabi ni Brix noong nakakaraang linggo.

"Napakatarantadong animal kasi ng gagong 'yan! Kapal ng mukha, mas matigas at makapal pa sa pader!" Gigil nanaman niyang saad. 

"I'm just doing this for the sake of our company, as well as our name's reputation." Mahina kong tugon kay Charmaine. 

She immediately gave me a hug which made me a little teary. 

Huminto lang kami sa drama nang tuluyan na ngang dumating ang aming prof.

It already started, the bullshit of Hernan.

***

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now