Chapter 1

71K 1.1K 63
                                    

Calista

Naglalakad na kami ni Charmaine pabalik ng classroom dahil galing kami sa canteen para bumili ng bottled water, katatapos lang namin magdecorate ng room dahil ngayong araw ay araw ng mga puso.

Kadalasan kapag may ganitong okasyon ay may mga events at pa-eklabu ang school kagaya ngayong araw, ang daming ganap.

At tuwing may connect sa mga designing ay lagi kaming natotoka ni Charmaine sa pagdidisenyo, we also joined the club the event organization club, it's purpose is to organize any social events (obviously).

Nang papasok na dapat kami ni Charmaine sa loob ng aming room ay may humawak sa aking papulsuhan dahilan para mapalingon ako sa may likha non.

Tumambad sa akin ang isang babae at isang lalaki, may badge sila sa kanilang right collar na nangangahulugang sila'y kabilang sa Student Council.

"I'm so sorry ate, just doing our assigned task." Sabi ng babaeng SC na nagngangalan na Mavel at tinakpan ng piring ang aking mata, "Wait, saan niyo ako dadalhin?" Nagpa-panic kong tanong. Naramdaman kong inalis niya mula sa kamay ko ang bottled water na binili ko. "Nasa listahan po ang pangalan niyo sa blind date." Rinig kong sagot ni Mavel. 

"Sino ang may pakulo nito?!" Rinig kong suhestiyon naman ni Charmaine.

"Tons of students sign up for this and you're asking us who the hell came up with it? Obviously, this is a blind date, use your common sense." Rinig ko namang sagot nung kasama ni Mavel na SC.

Taray ah?

"Paanong pumasa na SC 'to eh ang sama ng ugali?" Reklamo ni Charmaine.

Narinig ko na lang na humingi ng pasensya si Mavel at inalalayan na lang ako.

"Hoy! Saan niyo sabi dadalhin ang kaibigan ko?!" Rinig kong sigaw ni Charmaine sa mga SC officers na humahatak sa akin ngayon. 

"Good God, why am I even here?" Rinig kong sabi ng kasama ni Mavel.

"Pagod kami sa pagdedecorate!" Ani Maine.

"I'm so sorry, we can't disobey the rule of our booth." Rinig kong sagot ni Mavel.

I feel like I have to say this, fvck your freaking booth.

"Tigilan niyo— hoy!" Rinig kong awat ni Charmaine, nanatiling nakapiring ang aking mata.

"It's okay, Maine. Just wait for me, I'll be back." Narinig ko naman na tumigil na si Charmaine sa kanyang pag awat sa mga humahatak sa akin.

"We're supposed to be resting?!" Huling rinig ko na singhal ni Charmaine.

"How long will this take?" Boring kong tanong sa dalawang SC na nakahawak sa aking papulsuhan para i-guide ako sa aking dadaanan.

"Fifteen to twenty minutes lang sa tingin ko." Rinig kong sagot ng babaeng SC Officer.

May naririnig din akong mga footsteps na naglalakad sa hallway kagaya namin, may ilan akong naririnig na nagkekwentuhan but I decided not to eavesdrop.

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now