Chapter 20

9.5K 255 17
                                    

Calista

Makalipas ang isang taon...

Nagpunta ako ng mall para magpasadya ng bracelet na may pangalan ni Charmaine bilang regalo sa kanya dahil pasko na bukas.

Sinabi ko kasi sa kanya na samahan ako sandali at bibili lang ako ng ireregalo para kay mommy at daddy pero hindi niya alam na siya ang binilhan ko ng regalo dahil ang regalo ko kila mommy ay na-order ko na at mamayang hapon pa i-de-deliver.

"Girl! Nagdedecorate sa bahay nakakaloka! Akala ko naiwan ko na sa school ang pagiging designer ko hindi pa rin pala." Anito at napahawi pa ng kanyang buhok.

"Kain muna tayo." Hinatak ko na siya bago pa siya makapagreklamo.

"Hoy hindi ko dala ang card ko at two hundred pesos lang ang cash ko bahala ka magbayad ha." Anito na tila inaayos ang bag na dala.

Hindi ko na lang siya pinansin at humanap na ng aming pwesto, hindi ko mabibigay sa kanya sa gabi ang aking regalo dahil nakagisnan ng kanilang pamilya na kapag pasko at bagong taon ay magkakasama ang iba pa nilang partido na magce-celebrate sama sama na para bang may re-union.

Umorder lang kami ng kaibigan ko ng aming lunch at inantay ko siyang matapos, sumakto naman na nag paalam siya sa akin na gagamit ng comfort room kaya kinuha ko 'yon na chance para ihanda ang aking regalo.

Dinaig ko pa ang magpo-propose dahil kinakabahan ako.

Nang makabalik na si Charmaine ay nginitian ko ito ng malawak.

"Girl! Nakakatakot 'yang ngiti mo, sinabing wala nga 'kong pera anong ngiti 'yan?" Napa snap pa siya sa kanyang daliri.

"Gaga hindi ako mangungutang." Irap ko sa kanya.

"Eh ano ba kasi?" Tanong niya napapakamot pa sa kanyang ulo.

Walang pasabi kong inabot sa kanya ang 'sing laking palad na box na naglalaman ng aking regalo para sa kanya.

"Ano 'yan?!" Tila napataas ang kanyang boses dahil kinikilig, napatingin tuloy sa amin ang ibang customers at napapabulong sa kasama nila.

"Lower your voice, gaga ka wala tayo sa bahay!" Bulong ko rito.

Kita ko ang kislap sa kanyang mata habang hinahawakan ang box.

"Merry Christmas." Ngiti kong sabi sa kanya, napatingin siya sa akin at tila nangingilid ang luha.

"Ang swerte ko talaga sa 'yo." Aniya at hindi naiwasan ang mabasag ang boses.

Ako dapat ang nagsasabi non.

"Hindi ako na-inform! Wala tuloy akong dala na tissue, parang tanga naman kasi girl!" Maarte niyang dinadampian ng kanyang hintuturo ang banda ng mata niya kung saan nilalabasan na nga ng muta.

"May muta ka." Turo ko don at mabilis siyang napayuko pagkatapos ay hinalungkat ang kanyang bag at naghanap ng salamin doon para makita ang muta na sinasabi ko.

Agad akong natawa sa kanya.

"Yung regalo ko sa 'yo hindi pa nakabalot! Ang advance mo naman kasi, balak ko after Christmas ko na ibigay eh." Aniya matapos magtanggal ng muta, tinawanan ko na lang siya.

The Moment of Truth (Completed)Where stories live. Discover now