Chapter 10 - He looks into my Soul And Reads me like nobody can

17 7 0
                                    

Michael the Archangel
 “Chief Prince” of the heavenlies
This angel leads a host of angels in a victorious war over Satan and His demons in Revelation 12

Barbie's POV in Derrick's Body

Nakita kong nakaupo si Angel sa gilid ng kama at bakas sa mukha nito ang lungkot.

"Bakit ka naman malungkot?" tanong ko rito sabay tabi sa kanya

"Akala ko kasi sa oras na makapasok ka na sa katawan ni Derrick ay makakapunta na akong langit..."

"pero mukhang naguumpisa pa lang ang misyon ko sayo, ang misyon ko ay makabalik ka sa sa iyong katawan!"
sabi nito sabay tingin sa aking mga mata

"Huwag ka nang malungkot! ayaw mo ba nun? mas magkakaroon tayo ng oras para mas lalo pang magkakilala at magtulungan sa misyon na natin!"
sabi ko rito na sinuklian naman niya ng matamis na ngiti

Kinalkal ko ang cabinet na aking nakita. Hindi nga ako nagkamali at ito ang kwarto ni Derrick. Nagpalit ako ng damit dahil suot suot ko pa rin ang barong na ginamit sa pagkakalagak ko sa kabaong.

"Anong ginagawa mo Ate Barbie?" tanong ni Angel sa akin habang abala ako sa pagpapalit

"Ano pa edi nagpapalit ng suot! alangan naman lumabas ako rito na suot itong ginupit sa likod na barong!" sabi ko dito

Wala nang nagawa si Angel at sinuportahan na lamang ako nito sa ginagawa ko.

"PANGINOON KO!" napasigaw ako dahil sa mga nahawakan ko.

"ano iyun Ate?" tanong nito sa akin

"Nahawakan ko ang alaga ni Derrick... Angel! ano ito bakit tumitigas?!" sabi ko dito ngunit tinawanan lamang ako nito

Pagkasuot ko ng damit ko ay binuksan ko ang bintana upang doon sana ay tumalon.

"Mahabing Langit! mukhang mababalian pa ako nito!" sabi ko na lang matapos silipin ang taas nang tatalunin ko

"magdasal ka at tawagin mo ang pangalan ng guardian angel mo!" sabi ni Angel sa akin

"Araqiel nagsusumamo ako sa iyo upang gabayan ako sa aking gagawing pagtalon!"

"Araqiel! Pagpapala po at narinig mo ang aming dasal!..."

"maaari mo ba siyang saluhin sa oras na siya ay tumalon diyan sa bintana!"
sabi ni Angel at sinenyasan akong okay na

Dumiretso ako sa bintana at sinaktuhan kong walang tao. Tumalon ako rito ngunit hindi naman ako nakaramdam ng ano mang bali sa katawan.

"Salamat Araqiel!" sabi ko na lang at dahan dahang umalis ng aming bakuran.

"Isa yan sa mga gampanin ng mga anghel Ate Barbie! Madalas sila ang unang sumasalo sa mga baby kapag ito ay nalaglag!" sabi ni Angel habang kami ay naglalakad palabas

"kaya pala kung minsan pag ito ay nahulog wala ka man lang bukol na makikita!" sabi ko rito

Didiretso ako sa bahay namin at kakausapin ko doon si Derrick. Kukumbinsihin ko itong nagkapalit kami ng katawan ngunit hindi niya lang naaalala.

Habang naglalakad ako papunta sa direksyon ng bahay namin ay halos kidlatan ako sa mga nakita ko.

"Si Ken yun Angel di ba?"

"oo nga! ano pa ginagawa mo! takbuhin mo na at kausapin!" sabi nito sa akin na sinunod ko naman

Tumakbo ako papunta kay Ken.

"BOYET!" tawag ko sa palayaw na ibinigay ko rito

Boyet ang ibinigay ko rito dahil kinuha ko ito sa sikat na charater ni Ken Chan na Boyet sa My Special Tatay.

Pagkapunta ko dito ay niyakap ko ito ay sinabi ko na ako si Barbie.

"Boyet! Ako ito si Barbie!" masaya kong sinabi pero blangko lamang ang naging expression nito

"Derrick..."

"Ano bang pinagsasabi mo? At paano mo naman na laman ang palayaw kong Boyet? si Barbie lang gunagamit niyan!" tanong nito sa akin na bakas sa mukha ang pagtataka

"Mukhang binigla mo si Ken, Ate Barbie!" sabi ni Angel sa akin

"Mahabang kwento hindi ko alam kung paano ikukwento sa iyo!" sabi ko dito

"Ganoon ba kalakas ang pagkabagok mo at anu-ano ang pinagiisip at pinagsasabi mo?"

"Tol huwag ka namang ganyan!" pahabol pa nito

Napatulo ang luha ko sa mga sinabi niya at niyakap ko ito nang mahigpit.

"gawin mo lang gabay ang puso mo at siguradong makikilala ako nito!" sabi ko rito

Matagal siyang hindi nakaimik sa mga sinabi ko hanggang sa bigla itong tumawa ng pagkalakas lakas.

"Nababaliw ka na Tol!" sabi niya sa akin na sinuklian ko naman ng isang sampal

"BOYET!" sigaw ko na dahilan upang maging seryoso siya

"Pakiusap makinig ka muna! isarado mo ang iyong mga mata at hayaang kausapin ka ng aking diwa!"

"Naaalala mo pa ba? Kasabay ng pagtawag ko sayo ng Boyet ay tinatawag mo rin akong Aubrey at madalas pa ay sabihan mo akong Aubrey, hindi ka na pokpok?..."

"Naalala mo ba na lagi akong nagagalit sayo dahil lagi kang late sa tagpuan natin?..."

"Naalala mo ba noong..." naputol ang sasabihin ko nang niyakap niya ako ng sobrang higpit

Ng mga oras na iyun ay naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya sa braso ko. Tinignan niya ako at sinabing

"Mahal na mahal kita Barbie!" sabi nito na kinagulat ko

"Hindi ko alam Tol kung paano mo iyan nalaman pero salamat kasi kahit walang naalala si Barbie ay nandiyan ka pa rin upang pangitiin ako!" sabi niya sa akin

Hindi ko alam ang sasabihin ng mga oras na iyun pero I am sure that he looks into my soul and reads me like nobody can.

Tumakbo ako palayo sa kanya.

"Derrick saan ka pupunta?"
sigaw nito sa akin habang tinitignan ako na lumalayo mula sa kinaroroonan niya.

Soul SwitchWhere stories live. Discover now