Chapter 9 - Come what may, He loves me

18 6 0
                                    

Angels
The angels are sent as messengers to humanity and they are assigned to every human being, Christian or
not. It is unknown whether
they guard multiple
humans during
their existence
or just one

Derrick's POV in Barbie's Body

Naiiyak kaming umalis ni Mommy kila Derrick. Nasaktan ako sa mga sinabi ng Mama ni Derrick pero sino ba naman ako para hindi iyun tanggapin.

Alam ko namang namatayan siya ng Anak at nadisgrasya ito dahil sa akin kung kaya ganoon naging reaksyon nito.

"Barbie!" tawag sa akin ni Ken na nakasalubong namin

"Eksakto ang pagkikita natin Baby, Tita! papunta rin po kasi ako sa inyo pagkaraan ko sanang pumunta kila Derrick kaso wala pa daw ang patay" sabi nito habang nagmamano kay Mommy

"Hindi mo ba nabalitaan Ken?" sabi ko rito

"Nabuhay muli si Derrick at nakita mismo iyun ng dalawa naming mga mata ni Barbie!" sabi ni Mommy dito

"ANO TITA? KUNG GANOON AY PUPUNTAHAN KO NA MUNA SI DERRICK!" masayang sabi ni Derrick

"mas maigi yatang ipagpabukas mo na lamang ang pagpunta sa kanila!" sabi ko na dinugtungan naman ni Mommy

"Mukhang pinagpahinga muna nila ito dahil mahina pa ang katawan nito!"

Walang nagawa si Ken matapos na marinig ang aming sinabi ni Mommy. Pinagpaalam niya ako kay Mommy kahit niyayaya kami ni Mommy na sa bahay na lang kumain.

"Sige na Mommy makulit itong si Ken!" sabi ko rito

"Gusto mo Tita sumama ka na lang sa amin?" tanong ni Ken kay Mommy

"ay wag na! makakaabala pa ako sa inyo!" sabi nito habang natawa pa

"si Ate Mitch ang yayain mo Mommy pakiramdam ko kasi ay may tampo ito sa atin!" sabi ko dahilan para putulin na ni Mommy ang usapan

"Sige una na ako! yung anak ko Ken ah ingatan mo!" huli nitong sabi bago kami iniwan

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano pakikisamahan itong si Ken. Sabi ni Mommy ay jowa ko daw ito pero hindi ko naman alam kung paano ako kikilos kapag kasama siya.

"kanina ka pa tahimik ah?! gusto mo kwentuhan kita ng mga bagay na madalas nating ginagawa noon!" sabi nito na nagpangiti naman sa akin

"Nagkakilala tayo noon sa isang exhibit sa school! Sa totoo nga eh natapakan ko ang swelas ng sapatos mo kung kaya sinintas ko ang sapatos mo!" sabi niya sa akin na natatawa pa

"eh paano mo ako niligawan?"

"tatlong classroom lang naman ang pagitan natin noon! simula nang makilala kita sa exhibit ay nalove at first sight na ako sayo!" sabi nito sa akin na kita sa mga mukha nito ang kilig

Sa paguusap namin ay hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng isang kalenderya.

"Dito tayo madalas bumabagsak kapag hindi tayo makapili nang kakainan sa mall!" sabi nito habang hinawakan ang aking kamay papasok ng kalenderya

"matakaw ba ako? maarte sa pagkain?" tanong ko rito

"Hindi, sabi mo nga sa akin noon na masaya ka na kahit na sa ganitong kainan lang kita dalhin..."

"ang mahalaga sabi mo ay sabay tayong kumakain at masaya!" dagdag pa nito na nagbigay naman sa akin nang ngiti

Umorder ito at bumalik na papunta sa akin. Hinawakan niya ang aking mga kamay at tinignan ako sa mga mata.

"Makalimutan mo man ang lahat gawin mo lang gabay ang puso mo at siguradong maaalala nitong mahal mo ako"

"Utak mo lang ang nakalimot pero yang puso mo hindi, hindi niyan makakalimutan na mahal mo ako!" sabi nito sa akin na nagbigay sa akin ng kilig

Kitang kita ko sa mga mata nito ang sinseridad sa lahat ng sinabi niya.

"Salamat Ken kasi nandiyan ka sa tabi ko! na kahit nakalimutan ko ang nakaraan ko ay binubuhay mong muli ang mga nawalang alaala sa akin" sabi ko rito habang ako ay naluluha na

"paulit ulit kong ipapaalala sayo at hindi ako magsasawang mahalin ka!" sabi ni Derrick sa akin

"Ayieee! nakakakilig naman kayo Ma'am Sir ang sweet niyo naman tignan!" sabi ng crew sa amin

"pwede po bang kuhanan mo po kami ng pictures?" sabi ko dito na kaagad niya namang sinunod matapos niyang ibaba ang aming mgaorder.

Pagkatapos ay ibinalik sa akin ng Crew ang aking cellphone at tinignan ang mga kinuha niya sa aming pictures.

"Gagawin ko itong wallpaper ko!" sabi ko dito na nagpangiti naman sa kanya

"TALAGA?! noon kasi ayaw mo akong gawing wallpaper kasi naiinis ka sa akin!" sabi niya sa akin na dahilan upang tumawa kami

Pagkatapos naming kumain ay dumaan muna kami sa simbahan at doon ay nagpasalamat sa panginoon. Pinagdasal ko rin ang kaagaran kong paggaling upang maalala ko na ang lahat.

Hinatid ako ni Ken papuntang bahay. Pagkatapos naman nun ay nagpaalam na ito sa akin.

************************************

Ken's POV

Nagpaalam na ako sa kay Barbie at umaalis na ako pagkaraan kong ihatid ito sa kanilang bahay.

Habang naglalakad ako ay iniisip ko kung pupunta ba ako kila Derrick. Gusto ko kasing kumustahin ang kalagayan niya.

"BOYET!!!"sigaw ng isang lalaki na pamilyar ang boses

Si Derrick iyun, pero ang kinabigla ko ay ang pagtawag nito sa akin na Boyet. Tumakbo ito papalapit sa akin at niyakap ako.

"Boyet! Ako ito si Barbie!" sabi nito sa akin na nagpagulo sa aking isipan

Soul SwitchWhere stories live. Discover now