Chapter 1 - Accident

48 12 3
                                    

SERAPHIM
"The Burning Ones"
Seraphim are the highest angelic class and they serve as the caretakers of God's Throne and continuously shout praises: "Holy, holy, holy is
the Lord of hosts; the whole e
arth is full of His glory!"
Isaiah 6:1-7

Barbie's POV

Maaga pa lang ay nagising na ako. Wala kasi ngayon si Mommy dahil luluwas ito ng probinsya at pupuntahan nito ang Tita ko na may sakit. Maiiwan naman ako sa pangangalaga ng masungit kong Ate, si Ate Mitch.

"Simula ngayon hahatiin na natin ang gawain sa bahay dahil wala si Mommy for almost one week!" sabi ni Ate Mitch sa akin habang nagluluto sa Kusina.

"What? Sabi ni Mommy two days lang siya doon!" sabi ko dito habang mabilis na bumababa sa kusina.

"Kung ayaw mo maniwala edi check mo yung cabinet niya kung maraming damit pa doon na natira!"

Dumiretso ako sa kwarto ni Mommy at nakita ko ngang wala yung luggage bag niya doon. Napagusapan namin ni Ate na ako sa paglilinis ng bahay at paghuhugas ng pinggan samantalang siya naman ay sa paglalaba at pagluluto.

Sobrang layo sa akin ng loob ni Ate. Anak si Ate Mitch sa unang asawa ni Mommy kung kaya pakiramdam ko isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hindi niya ako tinuturing na halos na kapatid.

"kumain ka na diyan! Isarado mo na lang yung pinto pagaalis ka na at huwag mo akong iistorbohin sa kwarto ko" sabi nito sa akin

Sa totoo lang kahit may pagkamasungit itong ate ko ay masarap naman itong magluto. Sa katunayan nga niyan ay may trabaho ito ngunit tanging ako lang ang nakakaalam.

Pagkaraan kong kumain ay napagpasyahan ko na umalis ng maaga ngayon sa bahay. Hindi ko rin kasi natatagalan ang ganoong pakikitungo sa akin ni Ate Mitch.

Habang tumatawid ako sa kanto ay napalingon na lang ako sa isang malakas na sigaw.

"BARBIE..." sigaw ni Derrick sabay takbo papunta sa akin.

Nasagasaan kaming dalawa ni Derrick. Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko kung paano siya tumilapon at tumama ang ulo nito sa likurang parte ng upuan sa isang tindahan.

Nakita ko kung paano humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Naiiyak ako sa mga nakikita ko.

Pinagpipyestahan ng mga tao ang duguan kong katawan. Narinig ko pa ang isang babaeng sumisigaw ng tulong.

"ANONG GINAWA MO SA AKIN!" sigaw ko sa lalaking may ari ng sasakyan ng nakasagasa sa akin.

Pagkahampas ko dito ay tumagos lamang ang aking kamay sa kanya. Tinignan ko ang aking kamay at kinapa kapa ang aking katawan.

"Patay na ba ako?" tanong ko sa aking sarili.

"Barbie!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses at pagkalingon ko ay si Derrick.

Napatakbo ako dito at napayakap.

"Anong nangyari sa atin? Bakit ganito? patay na ba tayo?" tanong ni Derrick sa akin.

"Sorry Derrick! Nadamay ka pa tuloy sa akin!" sabi ko dito habang yakap yakap ito.

Napalingon akong muli sa aking katawan at nakita ko si Ate Mitch. Iyak nang iyak ito at binubuhat ang aking katawan pasakay sa kotse ng lalaking nakasagasa sa amin. Nakita ko ring binuhat ang katawan ni Derrick pasakay ng kotse.

Bakas sa mata ng Ate ko ang grabeng pagaalala. Maya't maya niya rin na sinasabing gumising ako. Ngayon ko lang naramdaman na mahal pala ako ng ate ko kahit ganoon iyun.

Sasampa sana kaming dalawa ni Derrick sa Kotse ngunit biglang unti unting nagdidilim ang paligid.

"Anong nangyayari Barbie?" tanong ni Derrick sa akin.

Mula sa Asul na kalangitan at sa mga puti nitong mga ulap ay napalitan ito ng isang kadiliman na animo ay gabi na.

Napalapit ako kay Derrick at napayakap nang mahigpit.

Sa gitna ng daan ay isang liwanag ang lumabas na sasabayan mo pa ng usok na nagliliwanag rin. Kasabay nito ang paglabas ng dalawang taong may pakpak.

"Ako si Arael na guardian angel ni Derrick at ang kasama ko naman ay si Araqiel na siyang guardian angel ni Barbie"

"kami ang guardian angels niyo na siyang gumagabay sa inyo sa pangaraw araw niyong gawain" sabi ni Araqiel

"narito kami upang sunduin ang inyong kaluluwa patungo sa dakilang hukom!" sabi ni Arael

"Ano ito?" sabi ni Derrick
"hindi pa kami pwedeng mamatay!" sabi ko dito.

Tumakbo kami palayo sa dalawang anghel at nagulat na lamang kami na nasa harap na namin ito.

"Wala na kayong magagawa sapagkat tapos na ang oras niyo sa lupa!" sabi ni Araqiel

"Dadalhin namin kayo sa Dakilang Hukom at mula roon ay lilitisin kayo sa kung saan kayo mapupunta!" sabi ni Arael.

Hinawakan nila ang aming mga kamay at hindi namin makita ang mga nangyayari dahil sa sobrang liwanag.

Soul SwitchWhere stories live. Discover now