Chapter 4 - Amnesia

31 9 1
                                    

Dominions
Regulate the duties of lower angels. It is only with extreme rarity that the angelic lords make themselves physically known to humans.

D

errick's POV Barbie's Body

Napabalikwas na lang ako sa kinaiigaan ko. Mula sa kadiliman ay unti unting nagkakaroon ng liwanag ang aking nakikita.

"Nasaan ako? sino ka?" tanong ko sa isang babaeng hindi ko kilala.

"NURSE! NURSE!" sigaw ng babae habang hinawi ang kurtinang nagsisilbing hati sa iba oang pasyente.

"Ano bang nangyayari sayo? Ako ito si Ate Mitch mo!" sabi nito sa akin.

Pilit kong inaalala ang mga nangyayari pero wala pa rin pumapasok sa aking utak.

Mayamaya pa ay may dumating na isang nurse. Pinalabas niya muna si Ate at inasikaso ako. May itinurok ito sa kaliwa kong braso dahilan upang mawalan na naman ako ng malay.

****************************""******

Barbie's POV

"Anong nangyayari kay Derrick at hindi niya maalala ang mga nangyari...?"

"maaari kayang mayroon siyang amnesia dahil na rin sa ang pinasukan niyang katawan ay ang akin?" halo halo na ang mga tanong na pumapasok sa aking utak.

Nakita kong lumabas na ang nurse at kinausap nito si Ate Mitch. Bumaba ito at sinundan ko. Nakita kong tinawagan nito si Mommy.

"Mommy nagkamalay na kanina lamang si Barbie pero wala itong naalala!" sabi ni Ate Mitch

"Sabi sa akin ng Nurse ay tinurukan niya daw ito ng gamot upang maibalik ang alaala nito! Normal lang daw ito sa mga naaksidente at nababagok ang ulo!"

Nagpalitan pa sila Ate at Mommy ng usapan sa linya. Naputol ang pakikinig ko sa kanila dahil nakita ko si Ken na papunta sa aking katawan.

"KEN!" sigaw ko sabay takbo sa upang yakapin siya pero napasubsob lamang ako dahil hindi naman ako naramdaman nito.

Sinundan ko ito papunta sa aking katawan.

"Kumusta na si Barbie Ate Mitch?" tanong ni Ken sa aking Ate

"Iyun kanina nagkamalay na siya pero parang wala siyang naaalala" sabi nito kay Ken habang inaayos ang pinagkainan nito.

"huh? eh ano pong sabi ng Doktor?"

"sabi kanina sa akin ng Nurse ay normal lang daw iyun para sa mga pasyenteng naaksidente at naapektuhan ang ulo!"

"gusto mo ate ako muna ang magbantay dito?" tanong ni Ken kay Ate

"Ano ba kayo? nandito ako! si Derrick yang nasa katawan ko!"
sabi ko sa kanila pero gaya ng inaasahan ay hindi nila ako naririnig at nakikita.

Nakita kong umalis na si Ate at si Ken na nga ang nagbantay sa aking katawan.

Isang liwanag at puting usok ang muling lumitaw sa gilid ng kama ng katawan ko.

"Hindi ko alam kung matutuwa ka ba o hindi pero may pagkakataon pang magkaroon ka ng sariling katawan!" sabi ni Araqiel sa akin

"Ano? paano? gagawin ko ang lahat makabalik lamang sa aking katawan.

"Ngunit hindi mo katawan! maaari ka naming tulungan pumasok sa katawan ni Derrick!" sabi ni Arael sa akin

"Ano? bakit hindi na lang ang kaluluwa ni Derrick ang kuhanin niyo at ibalik sa katawan niya!" sabi ko dito.

"Hindi namin magagawa iyun! sa ngayon gawan mo muna nang paraan kung paano mo makakausap ang kululuwa ni Derrick sa katawan mo!"

"Maaari naming hilingin na paghilumin ang iyong espiritwal na katawan kay Arkanghel Rafael at ang katawan naman ni Derrick ay pwede naming tubusin kay Azrael!"sabi ni Araqiel sa akin

"Maglalakbay kami ni Araqiel patungo kay arkanghel Rafael at kay Azrael!"

"Ang iyong gampanin habang kami ay nasa langit ay hanapin ang daan upang makapasok sa katawan ni Derrick at ang makausap si Derrick sa iyong katawang lupa!" sabi ni Araqiel sa akin

Mula sa liwanag ay muling nagbalik ang anyo ng aking kinatatayuan sa hospital kung saan nakaratay ang aking katawan.

Nakita kong nakasandal ang ulo ni Ken sa kama at hawak hawak ang aking katawang lupa. Nagulat akong biglang nagkamalay ang aking katawang lupa.

"sino ka?" tanong nito sabay hablot ng kanyang kamay sa pagkakahawak ni Ken.

Nagising si Ken at niyakap ang aking katawang lupa.

"Si Ken ito! ang jowa mo!" sabi ni Ken habang pilit na niyayakap ang aking katawang lupa kahit na nagpupumiglas ito.

Bakas sa mukha ni Derrick na ito ay naguguluhan sa pangyayari. Pinilit nitong tumayo ngunit nasaktan lamang ito.

"huwag ka munang gumalaw! naaksidente ka kaninang umaga kung kaya wala kang naaalala!" sabi ni Ken sa kanya

Tahimik at wala pa ring imik si Derrick sa mga sinabi ni Ken. Ramdam kong naguguluhan ito.

Nilapitan ko ito at pilit ko itong niyuyugyog.

"Umalis ka sa katawan ko Derrick!" pasigaw na sabi ko kahit wala naman itong naririnig.

Sa pagkakayugyog ko dito ay nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Napagalaw ko ang basong nakapatong sa lamesa sa gilid ni Derrick.

"Anong nangyari? kaya ko bang magpagalaw ng mga gamit?" tanong ko sa sarili ko.

Sinubukan kong muling sanggiin ang baso sa lamesa ngunit nahirapan na akong mapagalaw ito. Ginalaw ko ang iba't ibang gamit sa kwartong iyun ngunit hindi ko na muling nagawa ang kaninang paggalaw ko sa gamit.

Nagulat na lang ako ng may tumawag sa akin.

"Ate!" sigaw ng isa ring espirito sa dakong kanan ng kurtina.

Soul SwitchWhere stories live. Discover now