Chapter 5 - Soul-mate?

29 7 4
                                    

Virtues
These angels are those through
which signs and miracles are
made in the world

Barbie's POV

Nagulat ako sa mga narinig ko. Iba ang tunog ng boses na iyun kumpara sa mga taong nagsasalita. Nagpalingalinga ako at nakita ko ang isang bata.

"Ate? ligaw na kaluluwa rin po ba kayo?" tanong nito sa akin

"Pinabalik akong muli sa lupa para tapusin ang aking misyon at mabawi ang aking katawan" tugon ko rito

Kung susumahin ko ang edad ng bata ay nasa pitong taong gulang. Maganda ang mukha niya at puting puti ang kasuotan. Ang pinagkaiba lang namin sa anyo ay mas nagliliwanag ako kesa sa kanya.

"Bakit nandito ka pa sa lupa?" tanong ko rito

"Sanggol pa lamang ako ng mamatay ako dahil hindi ako piniling mabuhay ng aking ama" sabi nito na may lungkot sa mga labi

"Ibig sabihin ikaw ay lumaki bilang isang kaluluwa? eh nasaan ang guardian angel mo?"

"Opo! Noong ako ay bata ako ay binabantayan ni Temuluch, isa siyang anghel na may tungkulin pong protektahan ang mga bagong panganak na sanggol...

pero sabi sa akin ni Temuluch bago siya umalis ay si Laylah daw ang tunay na gumagabay sa akin mula pa sa sinapupunan ng aking Ina!"
sabi nito sa akin habang bakas sa mukha nito ang lungkot.

"kung ganoon eh nasaan si Laylah?" tanong ko rito

"Bawat anghel ay may tungkulin! Si Laylah ang Anghel ng paggabay sa mga batang nasa sinapupunan at sa panganganak..."

"Teka nga lang kanina pa tayo naguusap ah! ano bang pangalan mong bata ka?" tanong ko rito

"Ako nga po pala si Angel, pangalang binigay sa akin ni Temuluch! pero ang tunay na pinangalan sa akin ay Sabrina ng aking mga magulang!"

"Ako nga pala si Barbie! nakapunta ka na ba sa dakilang hukom?"

"dinala ako roon ni Lahabiel! ang kasalukuyang anghel na gumagabay sa akin tungkulin niya kasi akong ilayo sa mga masasamang espiritu at demonyo!"

"eh bakit nandito ka pa rin sa lupa?"
tanong ko na matagal nasundan ng sagot ni Angel

"Dahil sa namatay ako noong bata ako at hindi nabinyagan, hindi rin ako binigyan ng pagkakataong makapasok ng langit!" sabi nito sa akin

"kung ganoon ikaw ay mapupunta sa Impyerno?"

"Opo! Nilagay ako ni Azbogah sa Limbo. Naririto rin ang mga taong hindi nabawtismohan tulad ko. Ito rin ang lugar ng kawalan nang komunikasyon at pagmamahal mula sa panginoon"

"eh bakit nandirito ka pa rin sa lupa?" tanong ko rito

"sapagkat kinuha ako roon ni Lahabiel, binigyan niya ako ng misyon kung saan kailangan kong gumawa ng mabuti sa mga tao at sa iba pang mga nilikha ng Diyos. Sa oras na magawa ko ang misyon ko ay maaari na akong makapasok sa kaharian ng Panginoon"

Ng mga oras na iyun ay napalitan ang lungkot sa mga mukha ni Angel at napalitan ito ng pagasa. Pagasang siya ay makakapasok sa kaharian ng Diyos.

"Mukhang ikaw na ata ang kokompleto sa aking misyon Barbie!" sabi nito sa akin na kinabigla ko.

"Ano? ako?"

"Sabi kasi sa akin ni Lahabiel bago niya ako nilisan ay makakatagpo ako ng isang kaluluwang tutulungan ko para makabalik sa katawang lupa niya at ikaw yun Barbie!" sabi nito sa akin

"Ngunit mukhang mahihirapan tayo" sabi ko rito

"bakit naman?"

"dahil mayroon ng may ari ng aking katawang lupa!"

"huh? maaari ba iyun?"

"hindi ko rin alam kung paano nangyari pero ang katawan ko ay pinasukan ng kaluluwa ng aking kaibigan!"

Tinignan ko si Angel ng mga oras na iyun at mukhang malalim ang kanyang iniisip.

"Hindi kaya ang paraan upang ikaw ay makabalik ay kung gagamitin mo ang katawan niya bilang tahanan ng iyong kaluluwa?"

"ngunit ang katawan ni Derrick ay patay na"

"paanong mangyayaring buhay pa ang kanyang kaluluwa ngunit patay na ang kanyang katawan?"

"pero di bale Ate Barbie bakit hindi natin subukang puntahan ang katawan ng iyong kaibigan at subukang pasukin ito!"

Tila ba binigyan ako ng malaking pagasa ni Angel sa mga sinabi niya. Pinuntahan namin ang Morgue ngunit wala na doon ang katawan ni Derrick.

"alam mo ba kung nasaan nakatira ang iyong kaibigan?"

"hindi eh! pero alam ng boyfriend ko kung nasaan!"

"tanong, makakausap mo ba ang boyfriend mo?"

Natahimik ako ng mga oras na iyun at nagisip nang biglang magsalita si Angel.

"sa record sa ibaba! siguradong hindi pa napapaibabawan ang records niya!"

Pumunta kami sa baba at hinanap ang record ng mga taong dinala sa morgue o di kaya ang record niya sa floor unit niya.

Napaatras ang Nurse nang inihipan ni Angel ang mga papel, dahilan ito para magkalat ang mga papel sa sahig.

"anong nangyayari? saan galing ang hangin para liparin ang mga ito?" tanong ng nurse habang nagpapalingalinga kung saan nanggaling ang hangin.

Dali dali naman naming hinanap ang record ni Derrick.

"Derrick Salazar ba ang pangalan niya ate Barbie?" tanong ni Angel

"oo"

Dadamputin na sana ng Nurse ang papel ni Derrick ng hinihipan ni Angel ang mata ng Nurse.

"CEMENTINA STREET ATE BARBIE!" sigaw ni Angel.

Umalis kami ng Hospital at hinanap ang bahay nila Derrick. Kabisado ko naman ang Barangay nila dahil na rin sa tatlong kanto lang ang layo nito sa aming bahay.

Soul SwitchWhere stories live. Discover now