Chapter 8 - Connection to Spiritual World

21 8 0
                                    

Archangels
guardian angels of nations and countries, and are concerned with the issues and events surrounding these, including politics, military matters, commerce and trade

Barbie's POV

Nagulat ako sa mabilis na pangyayaring naganap sa akin. Sa kung paano hinigop ng katawan ni Derrick ang kaluluwa ko.

Nagkagulo sa buong burol at mabilis na kumalat ang balita sa muli kong pagkabuhay. Hindi makapaniwala ang mga tao at lalo na ang Ina ni Derrick.

"ANAK!? BUHAY KA!"sabi nito habang naiiyak ngunit kita sa mukha nito ang pagkagalak.

"Tubig!" sabi ko dahil halos ramdam ko ang pagkatuyot ng buo kong lalamunan at nakakaramdam ng kaunting pagkahilo.

Inabutan naman ako ng lalaking may hawak na bote ng mineral water. Pagkainom ko nun ay unti-unti ring bumalik ang aking mga alaala.

"Pagpapala kay Rafael at Araqiel sapagkat nagawa nila ang misyon nila sa iyo!" sabi ni Angel

Binuhat ako ng lalaking iyak nang iyak at sinabing
"Buhay ang anak ko! Buhay si Derrick!" sigaw nito

Bakas pa rin sa mukha ng mga taong nandoon ang pagkabigla. Ang mama naman ni Derrick ay nakabulagta pa rin.

Nilapitan ako ni Derrick na nasa katawan ko at niyakap ako.

"Salamat at buhay ka Derrick!" sabi nito sa akin na halatang walang maalala

Dito ay tila ba nagkaroon ng lakas ang mama ni Derrick na tumayo at muling komprontahin ang kanyang anak sa katawan ko.

"HOY BABAENG TALIPANDAS KA! LAYUAN MO ANG ANAK KO HINDI KA NAMIN KAILANGAN DITO!" sabi nito sabay duro sa kanilang mag ina.

Walang nagawa ang dalawa at umalis ang mga ito na wala man lang imik.

Inalalayan ako ng Papa ni Derrick papunta sa kanilang Bahay. Pinaupo ako nito at muling niyakap.

"Anak masaya akong buhay ka!" sabi nito habang tinitignan ako mata sa mata

"Umarte ka Ate Barbie na walang maalala! tanungin mo kung sino iyang kausap mo!" sabi ni Angel

May punto rin si Angel dahil wala akong kaalam alam sa kanila at sa mga nangyayari kung kaya mas maiging umarte akong walang maalala.

"Sino po kayo? at nasaan po ako?" sabi ko dito sabay hawak sa ulo na tila ba ay nananakit.

Sa mga mata ng papa ni Barbie ay kitang kita ko ang pagtulo ng luha.

"Ako ang tatay mo anak! Ito naman ang iyong Ina! wala ka bang naalala?" tanong nito sa akin

"gusto ko pong magpahinga! nanakit po ang aking ulo!" sabi ko rito upang maputol na ang usapan

"Ayaw mo bang dalhin ka namin sa Ospital?" tanong ng Mama ni Derrick na inilingan ko lang.

Ipapasok na sana ako nila Mommy sa aking kwarto ng biglang may dumating. Si Aling Bebang, isang kilalang faith healer sa kanilang barangay at siya rin dapat na magdadasal sa burol ni Derrick.

"Panginoon ko!" sambit nito matapos akong makita

"Bakit po aling Bebang? Salamat po sa Diyos at buhay ang aking anak!" sabi ng Tatay ni Derrick

"Hindi iyun ang kinabigla ko kundi ang inyong anak ay pinamamahayan ng ibang kaluluwa!" sabi nito na kinabigla ko

Paano niya nalaman na hindi ako ito. Umarte akong bumagsak at nagpadala sa kwarto.

"Sino ka? HINDI IKAW SI DERRICK! HUWAG KANG UMARTENG NANGHIHINA!" sigaw ni Aling Bebang sabay duro sa akin

"Ano ho bang nangyayari sa inyo Aling Bebang? Anak ko ito si Derrick!" pagtatakang tanong ng Mama ni Derrick sa akin

"Oo si Derrick ang nakikita niyo pero ang espiritong namamahay diyan ay hindi ang anak niyo!" sabi nito

Nagkatinginan kami ni Angel ng mga Oras na iyun.

"Kung ganoon Ate ay bukas ang kanyang Third eye at kaya niyang makipagugnayan sa mundo ng mga Espiritu't elemento" sabi nito sa akin at biglang naglaho

"Ginagalang kita Aling Bebang pero itong ginagawa niyo ay hindi nakakatawa!" sabi ng Papa ni Derrick

"Mas maigi po yatang umalis na po kayo ng aming tahanan!" sabi ng Mama ni Derick

Walang nagawa si Aling Bebang at umalis ito ng aming bahay.

"Kapag may naramdaman kang kakaiba at mismong ikaw napasabing hindi mo anak ang kasama mo ay alam mo kung saan mo ako pupuntahan Flora!" sabi nito bago tuluyang makaalis ng bahay

Tinignan ako ng mama ni Derrick na kaagaran ko naman nilayuan nang tingin.

"magpahinga ka na muna anak! wag mo masyadong isipin ang sinasabi ng matandang iyun!" sabi ng Papa ni Derrick at iniwan nila ako sa loob ng kwarto.

Pagkalabas nila ay agad agad kong sinarado ang pinto.

"Angel! Lumabas ka!" sabi ko habang hinihintay ang paglitaw ni Angel

Lumitaw si Angel sa gilid ng kama.

"Magiingat ka sa mga taong katulad ng matandang iyun Angel!..."

"may kakayahan silang makakita ng mga espiritung tulad natin sapagkat bukas ang kanilang third eye!"

"hayaan niyo gagabayan ko kayo! pero ang kailangan niyo ay makapagusap ni Derrick!" sabi ni Araqiel na ngayon ay hindi na nakikita ni Barbie

"maraming salamat Anghel Araqiel!" sabi ni Angel

"ano nandito si Araqiel? nasaan siya?" pagtatakang tanong ko rito

"narito siya sa gilid ko Ate Barbie pero hindi mo na siya makikita dahil sa katawang lupa ka na ni Derrick!"
sabi ni Angel.

Naghanap ako ng paraan upang makalabas ng bagay na iyon ng hindi namamalayan ng magulang nila Derrick at ng ibang tao.




Soul SwitchTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang