Chapter 3 - Angel's Command

39 9 3
                                    

Thrones
are a class of celestial beings mentioned by Paul the Apostle
They are living symbols of God's justice and authority, and have as one of their symbols the throne.
Colossians 1:16

Derrick's POV

Halos malibot ko na ang buong ground floor at second floor sa paghahagilap ng katawan ni Barbie. Eksakto namang nakita ko si Ate Mitch kung kaya sinundan ko ito.

Nakita ko itong pumunta sa Prayer room sa ground floor. Sinilip ko ito at nakitang nakaluhod at nagdadasal

"Nagaalala rin pala ito sa kapatid niya?" sabi ko na lang sa aking sarili habang tinitignan humagulgol ang Ate ni Barbie.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nakita ko itong lumabas ng Prayer room. Namumugto ang mga mga mata na halatang umiyak nang sobra.

Sinundan ko ito hanggang sa makaabot kami ng third floor. Nagulat ako sa aking mga nakita. Ang katawan ni Barbie ay buhay pa ngunit ang kaluluwa nito ay patay na.

Nilapitan ko ito at tinignan nang maigi.
Gasgas sa braso at baling kaliwang kamay lamang ang natamo nito.

Hahawakan ko sana ang katawan ni Barbie nang biglang nagbago ang aking katawan at nanghina. Unti unti kong nakita na hinihigop na ako ng katawan nito.

************************************

Arael's POV

Nagbalik ako sa aming tahanan at ibinalita ito kay Azbogah. Si Azbogah ay ang Angel of Judgement.

"Angel Azbogah! Kapatid naparito ako upang malaman kung anong naging hatol mo sa kaluluwa nila Barbie at Derrick?" tanong ko rito.

"Naparito ang pinadalang anghel ni Azrael na siyang anghel ng Kamatayan at nilahad na hindi pa patay ang kaluluwa ni Derrick!" sabi ni Azbogah.

"Ngunit ang katawang lupa ni Derrick ay patay na samantalang ang kay Barbie ay hindi pa!" sabi ko rito na siya namang ikinagulat niya.

"Hindi maaaring mangyari iyan! Sa oras na dinala na ang kaluluwa ng isang tao dito ay mamatay na rin ang katawang lupa nito!" turan ni Azbogah

"Bumaba ka sa Lupa kapatid at tignan mo ang nangyayari sa kanilang katawan!"
pangungumbinsi ko dito upang paniwalaan ang aking mga sinabi.

Pinatunog ni Azbogah ang kampana niya at tinawag ang pangalan ni Haziel na siyang tinaguriang "the vision of God"

Si Haziel din ay kinikilala bilang anghel ng Divine Mercy at nang pagpapatawad.

"pagpapalang araw sa iyo Azbogah at sa iyo rin Arael! Anong maipaglilingkod ko sa inyo mga kapatid?" bati nito sa amin.

"Maaari bang masilip ng iyong dalikmata ang pangyayaring nagaganap sa lupa?"

"Maaari ko iyang gawin ngunit sa katayuan mo bilang Anghel din ay tanging mga kaluluwa lamang ang aking pwedeng sabihin sa iyo!"

"Walang problema kapatid na Haziel" sabi ko rito.

"Mahabaging Langit! Anong nangyayari at buhay pa ang kaluluwa ngunit patay na ang katawan nito?" sabi sa amin ni Haziel.

"Kung ganoon ay totoo nga! Bumalik ka sa lupa at muling hanguin ang kaluluwa ni Derrick!" utos sa akin ni Azbogah.

Bumalik ako ng lupa at hinanap muli ang kaluluwa ni Derrick. Ngunit wala akong naramdaman at hindi rin ito mahanap ng aking matang panghalagilap ng kaluluwa.

Tinawag ko ang ibong si Kiwi. Ito ay isang ibong galing sa kalangitan na may kakayahang makipagtalastasan sa mga anghel.

"Pagpapala sa iyo Arael! Anong itutulong ko sa iyo?" sabi ni Kiwi habang pinapagaspas ang pakpak nito papuntang braso ko.

"Hanapin mo ang kaluluwang aking binabantayan! ito ang kanyang wangis at amoy!" sabay abot sa isang tela kung saan dumikit ang amoy ni Derrick

Lumipad ito at naghanap. Nagpaikot ikot muna ako sa mga kakilala nito at doon ay nagbakasakaling makita ni anino ni Derrick ngunit wala ito.

Isang malakas na pagaspas ng hangin ang dumating at hudyat ito ng pagdating ni Kiwi.

"Kagilalas na pangyayari ang aking dala kaibigang Anghel!"

"Ano iyun Kiwi? sabihin mo!"

"Ang kaluluwa ni Derrick ay nasa katawan ngayon ng isang babae!" sabi nito sa akin na kinagulat ko

"Mahabaging langit! ano na ang nangyayari? sigurado akong si Barbie ang tinutukoy mo" sabi ko na lamang sa aking sarili matapos marinig ang balita.

"Humayo ka sa Dakilang hukom at muling pababain si Araqiel sa kalupaan!" sabi ko na kaagad namang sinunod ni Kiwi.

Walang ano ano pa ay dumiretso na ako sa Hospital. Doon nga ay nasaksihan ko ang nangyari. Tunay ngang ang kaluluwa ni Derrick ay nasa katawan ni Barbie.

Pilit kong hinahango ang kaluluwa ni Derrick sa katawan ni Barbie ngunit hindi ko ito makuha. Si Derrick naman ngayon ay wala pa ring malay.

"Anong nangyayari bakit nasa katawan ko ang kaluluwa ni Derrick?" sabi ni Barbie na lumitaw na lamang kasama ang kanyang gabay na anghel na si Araqiel.

Mayamaya pa ay nagulat kami dahil napaligkwas sa pagkakaiga ang katawan ni Barbie.

"Nasaan ako? Sino ka?" tanong ng katawan ni Barbie sa Ate niya na tila ba ay hindi nito naaalalang siya ay si Derrick.

"Anong nangyayari at hindi niya tayo nakikita?" tanong ni Barbie.

"Ang mga espiritung tulad natin ay walang kakayahan na makipagugnayan sa pisikal na kaanyuan ng tao!" tugon naman ni Araqiel.

"Bilang gabay mo Barbie ay binibigyan kita nang karapatan upang makapamuhay sa anyong kaluluwa dito sa lupa!" sabi ni Araqiel

"Tungkulin mong bantayan ang katawan mo at ang kaluluwa ni Derrick sa katawan mo habang kami ay babalik sa Kalangitan!" sabi ko rito.

Bumalik kami sa Langit at inilahad namin sa konseho ang mga nangyari.

Soul SwitchWhere stories live. Discover now