Chapter 6 - How to be Barbie

27 7 1
                                    

Power or Authorities
Warrior Angels
The primary duty of the "Powers" is to supervise the movements of the heavenly bodies to ensure that
the cosmos remains in order

Derrick's POV in Barbie's Body

Hanggang sa ngayon ay pilit kong inaalala ang mga pangyayaring naganap bago ako nagkamalay. Ni isang kapirasong alaala sa aking nakaraan ay wala akong maalala.

"oh gising ka na pala!" sabi ni Ate Mitch

"kayo po pala Ate Mitch! nasaan po yung lalaki kaninang nagbantay sa akin?" tanong ko rito

"Ah si Ken, pinauwi ko na! buong magdamag kasi ay binabantayan ka niya!"

"Si Mommy po? akala ko pupunta siya dito?" tanong ko rito

"Sa totoo lang ay hindi na siya didiretso dito bagkus ay maghahanda at magaayos na lamang sa bahay dahil mamaya ay uuwi na tayo..."

"may inaasikaso lang ako sa ibaba at pagtapos na iyun pwede na tayong umuwi!" pahabol na sabi nito

Umalis ulit si Ate Mitch at naiwan ako sa aking kama.

"aray ko po" napaaray na lang ako dahil biglang nanakit ang aking ulo.

Biglang may halohalong pangyayari ang pumasok sa aking utak. Pakiwari ko na ito ay ang aking mga alaala.

-Flashback-

"Humayo ka Derrick at muling sundan ang amoy nang iyong katawan kung saan ito nakaratay!" utos ng aking Guardian Angel.

"maraming salamat Arael! sana lagi mo pa rin akong gagabayan kahit hindi na kita makikita pag nakabalik na ako sa aking katawang lupa!" sabi ko rito ngunit isang matamis na ngiti lamang ang isunukli nito sa akin.

Pagkatapos nito ay muling bumalik ang aking katinuan ngunit patuloy pa rin ang pananakit ng aking utak.

"sino ang nakita kong lalaking may pakpak?" tanong ko sa aking sarili habang hawak hawak pa rin ang aking ulo.

Napahinto ako sa pagiisip nang biglang dumating si Ate Mitch.

"Oh anong nangyari sa iyo? Naayos ko na ang mga kailangan sa ibaba pwede na kitang iuwi ano mang oras"

"ayos lang ako Ate!"

Umalis kami ng Hospital at umuwi na nga ng aming bahay. Nakita ko kung paano ako niyakap ni Mommy ng sobrang higpit habang tumutulo ang kanyang luha sa aking balikat.

"Sino ka po? ikaw na ba si Mommy?" pagkatanong ko nito ay mas lalo pa itong humagulgol sa pagiyak.

"Totoo ngang nawala ang mga alaala mo!" sabi nito

Dinala ako nito sa hapagkainan at doon ay pinaghanda ng mga niluto niya.

Napakaraming niluto ni Mommy. Tinawag ko si Ate Mitch upang sabayan kami ngunit nagulat ako sa inasal nito.

"Kumain ka na! hindi naman ako tinawag eh!" sabi nito sabay irap sa akin.

Nakaramdam ako ng selos sa pagitan naming tatlo nila Mommy. Pakiramdam ko ay nagseselos sa akin si Ate Mitch. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa itaas at pinuntahan ito sa kanyang kwarto.

"Ate Mitch" tawag ko dito sabay pasok ng kwarto niya

"bakit ka nandito? hindi mo ba alam na pinagbabawalan ko na pumasok ka rito!"

"pasensya na Ate Mitch! gusto ko lang sana kasing dalhin ito sayong pagkain!" sabi ko rito na hindi man lang niya tinugunan.

Lumapit ako sa kanyang kama at iniabot ang pagkaing dinala ko.

"Hindi ko man alam kung ano ang ginagawa natin noon o kung anong alaala ang nabuo ko kasama ka..."

"pero gusto ko lang magpasalamat at sabihing mahal na mahal kita Ate Mitch!" sabi ko rito sabay yakap sa kanya.

Umalis ako ng kwartong iyun at hindi ko man nakita pero alam kong umiyak si Ate Mitch. Bumaba ako at naabutan ko si Mommy na may kinukuha sa Cabinet.

"Halika anak! eksakto ang pagkababa mo dahil kinuha ko ang Photo Album nating pamilya"

Pinaupo ako ni Mommy sa sofa at doon ay nagbuklat kami ng mga larawan upang maalala ang aking nakaraan.

"Grabe parang kailan lang oh! tignan mo anak ang bata mo pa rito!"

Kita ko sa mga mata ni Mommy ang saya ng makita niya ang mga pictures ko mula noong ako ay baby pa lamang.

"Bakit wala po akong picture kasama si Ate Mitch? si Daddy po nasaan?"

"Si Daddy mo ay patay na grade 4 ka pa lang at kung itatanong mo sa akin kung bakit wala kayong picture ng Ate mo ay dahil sa hindi talaga kayo close at madalas pa nga kayong nagbabangayan!"

Natahimik ako sa mga narinig ko at pinilit ko na lang ibahin ang usapan.

"kwentuhan mo naman ako Mommy ng mga madalas kong ginagawa at ugali ko!"

"Kahit na may jowa ka ay hindi mo pinapabayaan ang pagaaral mo! Mahina kang kumain at may allergic ka rin sa mga shellfish. Mahilig ka sa kulay violet makikita mo rin pag pumasok ka ng kwarto mo! mahilig ka rin magbasa ng mga libro!" sabi nito sa akin

"eh ano namang ugali ko po?"

"mapagmahal kang anak at kapatid! madalas ikaw ang nagpapasensya sa kapatid mo, mahilig kang mangyakap at nagagalit ka paginiistorbo pag nagumpisa ka nang magbasa ng libro ko diyan sa labas"

Pagkatapos nun ay hinatid ako ni Mommy sa aking kwarto at may mga nakita pa akong mga bagay na makakatulong upang mas makilala ko pa ang aking sarili


Soul SwitchWhere stories live. Discover now