CHAPTER 51: Wrong Accusation

11.5K 491 5
                                    


Isang buwan.

Isang buwan ng nanliligaw sakin si Matt, at balak ko na siyang sagutin. Alam kong medyo mabilis pero kilala ko na siya kahit hindi pa kami magkaibigan. Hindi ko siya mahal. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya mahal pero alam ko din sa sarili ko na may gusto na din ako sakanya. Nakikita ko naman lahat ng paghihirap niyang makuha lang ang sagot ko.

Ni-aya ko siya ngayon na lumabas kasi ngayon lang ako nagka-free time dahil naging busy ako sa ama ni Georgia.

"Hey." tawag ko kay Matt na nakasandal sa labas ng kotse niya at busy sa pagtitipa sa cellphone niya.

"Hey, let's go?" Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Uhm. Gusto ko sana maglakad tayo."

"Oh, is that so. Let's go then."

Pagkasabi niya nun ay naglakad na ako at sumunod siya. Balak ko sanang magstreet food dahil nagc-crave ako dun. Nang may makita akong ihawan ay pumunta ako at hinila ko siya.

"Ate, ten nga pong isaw tapos anim na betamax." sabi ko ay ate.

"What's that?" Sabi ni Matt kaya napatingin ako sakaniya.

"Seriously? Hindi mo alam?"

"Nope."

Natigilan ako ng may maalala akong taong ganyan din. Inosente sa mga bagay na ginagawa ng mga taong may kaya lang sa buhay. Napailing ako ng maalala ko siya.

Tsk. Bat ko ba siya natatandaan kay Matt?

Nang matapos ihawin ang order ko ay hinila ko na siya sa may bench. Umupo ako at binigyan siya ng pagkain.

"Malinis ba to?" napatawa ako ng marinig ko yun.

"Hindi ko alam.Eto kasing isaw, bituka 'to. Tapos eto betamax, dugo naman to."

"So this is dirty? You shouldn't eat this. Dapat alam mo iyon, you're a Doctor. Let me have that. I'll thro--"

"Shh.. masarap naman eto e. Saka nililunis ito bago iluto at ibenta." sabi ko at sinubo ang isang isaw.

Nakanganga siyang nakatingin sakin kaya sinubuan ko siya ng betamax.

"Ano? Masarap ba?" nagulat ako ng kagatan niya iyon at nginuya.

"Hmm.. masarap nga" sabi niya at kinuha sakin ang ibang betamax. Natawa nalang ako.

Kumain lang kami at may nakita akong ice cream kaya tumayo ako at bumili. Alam kong susunod siya kaya hindi na ako nagulat ng nasa tabi ko na siya.

"What's that?"

"Ice cre--i mean dirty ice cream." parang wala lamg na sabi ko habang pumupili ng iba't ibang flavor.

"What did you say? Dirty? No! Let's go. I'll buy you the most expensive ice cream in the world. Wag lang yan." sabi niya at pinigilan ang kamay ko na aabutin ang dalawang ice cream.

Tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko at inabot ang ice cream bago magsalita. Itong lalaking 'to, naalala ko talaga siya kay--ay ewan!

"Ano ka ba! Hindi por que dirty ice cream ay marumi na. Malinis ito no. Mura lang keysa sa mga ice cream na nabibili sa mga store." binigay ko sakanya ang isang ice cream. "Come. Taste it." Hindi naman siya umarte at kinain ang ice cream na binigay ko.

Bumalik kami sa bench at umupo. Kain lang ako ng kain ng ice cream hanggang sa maramdaman ko na may dumampi sa gilid ng labi ko.

"So clumsy." sabi niya. Pinahiran niya pala ang ice cream na nasa gilid ng labi ko. Napangiti nalang ako.

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now