XXVIII

275 13 1
                                    

KABANATA 28

"Ang totoo ay kinakabahan ako. Ayokong mangyari ang nangyari kay libet..." napalunok ako at napatitig sa kanya. 'how I wish na sana bumalik na ako sa kasalukuyan at mahanap sya...'

"Kahit na anong mangyari lalaban tayo, lalaban tayo ng magkasama." humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Sumandal ako sa balikat nya at pinatong naman nya ang ulo nya sa ulo ko.

Ang sarap sa pakiramdam, tahimik. Payapa, masaya, walang gulo. Naiisip ko tuloy kung bakit kailangan maraming nasasawi sa pagibig sa panahon ko samantalang sa panahong ito, hindi pagibig ang problema kundi ang kalayaan. Sa sobrang kalayaan na meron ang pilipino sa panahon ko, masyadong naabuso.

"Mahal kita, amara. I love you so much." emosyonal na bulong nya. Napapikit ako ng dumampi ang labi nya sa sentido ko. Umangat ang tingin ko at pinatong ang baba ko sa balikat nya.

"Bat parang ang lambing mo ngayon?" nangaasar na tanong ko. Natawa rin sya at humigpit ang hawak sa kamay ko, inayos ko ulit ang ulo ko.

"Hindi natin madalas gawin ito. Naalala mo nung panahon na ako ang pinili mo, ilang araw lang ibinigay sa atin na panahon dahil pagtapos niyon ay pareho nating pinili na sumapi sa kilosan. Ikaw ay abala sa pagtulong at pagalam ng plano ng kalaban. Ako ay abala sa pamumuno ng kampo na kinabibilangan ko. Simula noon ay bihira na lamang tayong magkita."

'ganun ba talaga kalupit na ang ipinagkait sa amin ng kapalaran.' pinili ko na lamang na itikom ang bibig, Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

Magiging mahirap para sakin ang mga susunod na mangyayari, alam ko na may isa na namang malalagas samin. Gaya ng nakagawian ay nagusap lang kami hanggang sa maghaponan na. Lumabas si papa at tinawg kami, inanyayahan syang sumalo ni papa sa hapunan, ganun rin si irene. Kahit papaano ay nawawala na ang kaba sa dibdib ko kapag malapit si irene.

Naging masaya ang salu-salo, hindi na banggit ang tungkol sa napagusapan kanina dahil ayaw ni ama na magalala si mama. Mabilis na natapos ang salu-salo. hinatid ni kuya si irene sa bahay nila, at ako naman ay hinatid ko lang hanggang labas si ambrosio. Hinatid ko sya ng tingin hanggang sa makaalis sya. Ang bigat sa pakiramdam pagumaalis sya, pakiramdam ko kasi parang di na sya babalik sakin.

Buong magdamag akong gising, kakaisip sa mga maaaring mangyari bukas. Mananatili si ama rito kasama si mama, pero hindi ko alam kung kanino ang takot na nararamdaman ko. Malaki ang tiwala ko kay ambrosio, kuya at irene. Matagal na silang nasa labanan, tumutulong sa kahit anong isinusulong ng samahan. Pero kahit ganun ay hindi mawala-wala ang kaba at takot ko, malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama.

Pinilit ko na makatulog nang maramdaman ko ang pagkauhaw. Bumaba ako at kumuha ng tubig sa kusina. Pagbalik ko ay pinilit ko ulit matulog, napatingin ako sa sugat ko sa braso. Hindi pa magaling yun dahil malalim ang sugat na yun at sumasakit parin. Kakayanin ko pang lumaban dahil hindi masakit ang sugat ko sa likod.

Halos tatlong oras lang ang naging tulog ko, pumasok si kuya sa pinto. Sakto at tapos na akong mag-ayos, natapos ko rin isuot ang sakit sa ulong barot saya na 'to. Magandang klase ang isinuot ko na para ipaalam sa mga makakakita samin na may sasaluhan lamang kaming pagdiriwang.

Maagang umalis sa mansyon ang magkapapatid na Castillo. Sakay ng kalesa ay nakasunod sa kanila ang ilang mga kareton na laman ang mga pagkain at sandata. Maingat ang naging paguusap ng magkapatid, nagkaruon sila ng panahon para magkakilala. Walang kaalam-alam si alvaro na ang ilang mga tanong na ibinabato ni amara ay para makilala nya ng mabuti ang kaibigan na si irene.

Ginamit ni amara ang pagkakataon para alamin ang buong pagkatao ni irene. Habang patuloy nyang naririnig ang salaysay ng kanyang kapatid ay unti-unti ring napapanatag ang kanyang loob. Sa huli ay walang nagawa si amara kundi ang kombensihin ang sarili na walang kasalanan si irene. Tanging tatlo na lamang ang tutotokan nya, at aalamin ang motibo

Way back 1897 Series 1: KatipuneraWhere stories live. Discover now