IHPS 39: Separate

616 19 0
                                    

Akesha Pov.

Wala sa sarili akong naglakad paalis sa park, hindi ko alam kung anong eksaktong kailangan kong maramdaman sa mga oras nato. Galit, poot, inis, panghihinayang

But i'm more disappointed. Not just for myself, but for william as well

Kung sana binigyan nya ako nang pag kakataon na ipaliwanag ang side ko, siguradong hindi sya maniniwala sa kasinungalingan ni gemson

Pero huli na ang lahat. Hindi ko na maibabalik ang oras para itama ang pagkakamali ko

Huli na ang lahat

Pagkarating ko sa bahay ay walang gana akong umakyat sa hagdanan, wala akong gana sa lahat, hindi ko narin alam kung ano ang kailangan kong gawin para maibalik ang dati kong sigla

Hindi pa ako nakakalahati sa pag akyat ay narinig kong nag uusap sila mhie at dhie sa sala

“Sigurado kaba dyan, pa?” agad akong napatigil nang marinig ko ang sinabi ni mhie. Ano kaya ang pinag uusapan nila?

“Oo, sigurado ako. Sa wakas hindi na natin kailangan mag bayad sa utang ma!” masayang sambit ni dhie, nanlaki bahagya ang mga mata ko dahil sa narinig kong sabi ni dhie

Anong hindi na namin kailangan? Ibig sabihin ba non ay bayad na namin lahat nang utang namin?

Napahawak ako sa pader at kinuyom ang palad ko, hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Diba dapat masaya ako ngayon dahil nabayadan na namin ang 2 million na utang namin?

Kinagat ko ang labi ko, ibig sabihin hindi ko na kailangang mag trabaho bilang secretary ni william, right? Hindi na ako pupunta sa kompanya nila, hindi na ako mahihirapang mag trabaho, hindi narin ako magiging secretary ni william. Pero bakit ganon? Bakit ako nalulungkot?

Bakit parang ang sakit?

Tuluyan na akong umakyat sa kwarto ko at sumalangpak sa kama, hinawakan ko dibdib ko sa may banda kung saan andon ang puso ko

“Bat ako nalulungkot? Dapat masaya ako ngayon diba?” napatawa ako sa sariling kong salita, it's rediculous, paano ako magiging masaya ngayon kung ganon ang nangyare kanina sa park?

Simula bukas hindi na ako pupunta sa trabaho, bahala na kung ano ang sabihin nila o kung anong sabihin sakin ni william. Sigurado namang ayaw nya rin akong makita sa trabaho kaya lulubusin ko nang hindi pumasok at sa susunod na araw na lang ako mag papasa nang resignation letter

Napatango ako sa iniisip ko at tumagilid nang higa, kailangan konang maligo at mag bihis pero ayaw gumalaw nang katawan ko, parang nawalan na ako nang gana sa lahat. Ayoko nang pakiramdam nato, para namang guguho na ang mundo dahil sa nararamdaman ko, hindi pa akesha wag kang sumuko!

****

“…..dismiss” bumalik ako sa reyalidad nang nakita kong nag sitayuan na ang mga kaklase ko at umalis na sa classroom para mag tanghalian

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala lang sa klase at hindi nakikinig, mabuti nalang talaga at hindi ako nasaway nang teacher na nagtuturo samin kanina. Napabuntong hininga nalang ako sa inaasal ko simula kagabi

Simula nung nangyare kahapon, nang pumasok ako sa eskwelahan ay hindi ko makita kahit saang sulok si william. Hula ko iniiwasan nya ako or what, expected ko naman na yon pero nag aalala parin ako sa kanya

“Hoy gurl okay ka lang? Kanina kapa nakatulala dyan, hindi na kakain?” naputol ang pag mumuni ko nang kausapin ako ni myca, napabaling naman ako sa kanya. Nakapamewang sya habang nakatingin sakin at parang kanina nya pa ata ako iniintay

I'm His Personal Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now