IHPS 36: Sorry

622 25 0
                                    

Akesha Pov.

Nagising ako na masakit ang buo kong katawan, iminulat ko ang mga mata ko. Tumambad sakin ang puting kisame, inilibot ko ang paningin ko sa paligid. I knew it, nasa hospital ako

Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito, basta ang naalala kolang ay iniligtas ako ni william tapos nawalan na ako nang malay dahil sa pagod

Sinubukan kong bumangon ngunit hindi ko ito magawa dahil sa sakit nang katawan ko, hindi ko na iyon pinilit dahil alam kong wala naman akong magagawa

Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko, agad ko itong tinignan. Naka tungo si William sa tabi ko, hawak hawak nya ang kaliwang kamay ko. Nakapikit sya kaya nasesense ko na natutulog sya dito. Hindi ko mapigilang tumitig sa mukha nya, his long eyelashes, pointed nose and thick pinkish lips. Hindi na ako mag tataka na campus heartthrob talaga itong lalaking to sa school

Kumunot ang noo nya, nagising ko ata sya dahil sa pag titig ko. Iminulat nya ang mata nya at bahagyang tumingin sa direksyon ko

“I'm glad you're awake now…” namamaos nyang sabi, diba dapat ako ang mag sabi sa kanya nan? Kase sya naman ang tulog dahil kanina pa ako nagising eh

Tumingin ako sa kisame “Ikaw ba ang nagdala sakin dito?” napaubo ako pagkatapos kong mag salita, hindi ko namalayang natuyo na pala ang lalamunan ko. Agad naman syang kumuha nang tubig at ipinainom ako

Pagkatapos nyang gawin yon saka lang sya sumagot “Yeah…” he lazily said at sumandal lang sa upuan

Tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita ni isa samin, babasagin ko na sana ang katahimikang bumabalot saming dalawa ngunit naunahan nya ako

“Look… i just wanna say sorry for what happened yesterday” yesterday? Ang haba ko na palang nakatulog, akala ko kanina lang nangyare ang aksidente

“It's my fault. I'm sorry” paghingi nya nang tawad sakin kaya kumunot ang noo ko sa sinabi nya

“Why? Hindi mo kasalanan so you don't have to say sorry” giit ko. Hindi naman kase talaga nya yon kasalanan, si stacy ang may kasalanan nang lahat nang to

Umiling sya sa sinabi ko “Ako ang dahilan kung bakit ka nakidnap, so particularly it's my fault” pagpapaliwanag nya pero umiling uli ako dahil hindi naman kase nya kasalanan!

“Why are you doing this? Wala kang kasalanan! Si stacy ang may kasalanan nang lahat nang to—” hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang lumapit sya sakin at dinampian ako nang halik sa bandang noo ko, napatahimik ako dahil don at gulat ko syang tinignan

“W–Why did you do that? Bat mo ako h–hinalikan sa noo…” naweweirduhan na talaga ako sa kinikilos nitong lalaki nato baka mamaya iba na ang isipin ko dahil don

Tumawa sya nang mahina habang nakatingin sakin, bahagya kong inilapat ang kamay ko sa pisngi ko dahil umiinit ito. I think i'm blushing because of what he did

Hinawakan nya ang kamay ko kaya napatalon ako dahil don, bahagya nya itong hinalikan at tumingin sakin nang seryoso “I doing this… because i love you Akesha” seryoso nyang saad na nakapag patulala sakin at biglang bumilis nang pag tibok ang puso ko

“I will do everything just to make you safe and away from harm” malambot na boses nyang sabi, i looked at him and i see the softness in his eyes while looking at me

“So please… hayaan mo akong iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sakin” he whispered ngunit narinig ko parin ang mga sinasabi nya, kinagat ko ang pang ibabang labi ko at umiwas nang tingin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, maski ang reaksyon ko ay hindi ko maintindihan kung ano ba ang dapat kong ibigay sa kanya

I'm His Personal Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now