IHPS 32: Stacy

562 20 0
                                    

Akesha Pov.

Nag inat ako at napasandal sa upuan. Napabuntong hininga ako at sinimulan uling mag trabaho, nandito ako ngayon sa kompanya at tinatapos ang report na binigay sakin nang boss ko. Sabado ngayon kaya whole day akong mag tatrabaho dito, hindi ko namalayan ang oras kaya nang tumawag sakin ang boss ko ay namalayan ko nalang na mag lalunch na

“Give me some coffee” mababang boses na sabi ng boss ko

“Yes, boss” mabilis kong sabi at tumayo na para mag timpla nang kape

Pagkatapos kong mag timpla ay agad akong pumunta sa opisina nang boss ko. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago pumasok, naabutan kong nakatungo si william at hinihilot ang sentido. Mukha syang may pinoproblema na malake

Inilapag ko sa lamesa nya ang kape “Here's your coffee, boss” seryoso kong sabi, nakatungo parin sya at hinihilot padin ang sentido

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya “Boss….” panimula ko, bahagya syang lumingon sakin dahil sa sinabi ko “Hinay hinay lang kase sa pag tatrabaho. Baka mamaya mag kasakit ka dahil dyan” concern na sabi ko. Normal lang naman na mag aalala dahil secretary nya ako at ako ang nakakakita na nagkakaganyan sya dahil sa trabaho

“Nag aalala ka?” parang gulat na sabi ni william sakin habang nakatingin sya sakin nang gulat

“Of course! I'm your secretary boss, mag aalala talaga ako kapag ang boss ko ay masama ang pakiramdam” agap ko na sabi sa kanya

Bumalatay ang pagka disappoint sa mukha nya “Right….” wala sa sarili nyang sabi. Huh? May sinabi bakong mali? Wala naman ah

“So boss, ingatan mo yang sarili mo para hindi ka mag kasakit” pangangaral ko sa kanya at nakapamewang pa. Bahagya syang tumawa ngunit ramdam ko na pinipilit lang nyang tumawa kaya napakunot ang noo ko dahil don

Bakit nyang pinipilit ang sarili nyang tumawa kahit pinipilit lang naman nya ang sarili nya? Siguro may sakit talaga tong lalaki nato

Naglakad ako papalapit sa kanya at sinalat ang noo nya, hinawakan korin ang sarili kong noo para alamin kung mainit ba ang pakiramdam nya o hinde. Bahagya syang nagulat dahil sa kilos ko at nakatitig lang sya sakin at bahagyang namula ang mukha

“U-Uhh what are you doing?” nag aalinlangan nyang saad. I lazily looked at him, duh? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?

“Tinitignan ko kung may sakit kaba o wala kase ang tamlay tamlay mo eh. Sa susunod kase boss wag kang mag trabaho masyado, wag mo masyadong ginagalingan kase marami ka pa namang time para dyan eh” mahabang litanya ko habang sinusuri parin sya

Ilang segundo syang napatitig sakin, bigla syang tumawa kaya napakunot ang noo ko. Anong nakakatawa sa pagkakaroon nang sakit? Buang na ata tong boss ko eh

“Why are you laughing at?” mataray kong saad, tumatawa parin sya habang nakatingin sakin

“Wala naman kase akong sakit!” sabin nya pagakatapos nyang tumawa “Masakit lang talaga ang ulo ko kanina” pagpapaliwanag nya kaya mas lalong kumunot ang noo ko

“Edi sana nag pahinga ka muna kung masakit pala ang ulo mo!” pagalit kong sabi. Ako kaya ang pupukpok sa ulo nya para sumakit pa lalo? Ang tigas nang ulo eh

“Oo na! Parang ikaw ang boss sating dalawa dito ah? Sige na bumalik kana don sa pwesto mo o kaya kumain kana den tutal lunch na naman”

“Pero paano ka? Dadalhan nalang kita nang lunch dito?” nagtataka kong sabi

“No need, may aasikasuhin pakong meeting. Pagkatapos nalang siguro nang ginagawa ko saka ako kakain” aalma pa sana ako kaso pinagtulakan nako palabas nang boss ko kaya wala akong nagawa kundi lumabas nan

Pagkalabas ko ay pupunta na sana ako sa pwesto ko nang mahagip nang paningin ko ang naglalakad na babae papunta sa gawi ko, agad akong umayos nang tayo para batiin sya. Siguro may appointment ata ito kay boss

“Good afternoon—” hindi ko natuloy ang pag bati ko nang mamukhaan ko kung sino ang dumating. Nagulat rin syang tumingin sakin at parang hindi nya ineexpect na nandito ako. Well really hindi ko rin sya ineexpect na pumunta dito

“What are you doing here?” maarteng saad ni stacy. Tinignan pa nya ako mula ulo hanggang paa bago nya ako nginitian nang pilit, palihim akong napairap dahil sa ginawa nya

“Work” magalang na sabi ko i plastered my fake smile on my face

“You work here?” takhang tanong nya at tumawa nang maarte. Kung wala lang akong trabaho ngayon, sigurado nasabunot ko natong maarteng babae nato

“Akesha can you—” napatigil sa pagsasalita si william galing sa paglabas sa opisina nya. Nagulat sya sa nadatnan nyang pwesto namin ni stacy, nakatayo ako sa labas nang pintuan nang opisina ni william at si stacy naman ay nasa harapan ko at nakapamewang

“Stacy?” patanong na sabi ni william, bahagya ko syang tinignan dahil sa sinabi nya. Kilala nya si stacy? Kailan pa?

“Oh hi william! I just wanna visit here lang, free kase ako ngayon kaya naisipan kong dumaan dito” hindi ko mapigilang umirap dahil sa kaartehan nang boses ni stacy habang nakatingin kay william nang malandi

“S–Sure” sabi ni william at bumaling ang atensyon nya sakin at lumapit sa gawi ko “Akesha can you send me the report tomorrow?”

Kinakabahan kong syang tinango “Y–Yes boss… uhh p–please excuse me” nauutal kong sabi dahil sa kaba
Aalis na sana ako nang hinawakan ni william ang braso ko, napatigil ako at humarap sa kanya. Napatingin rin ako sa kamay nya na nasa braso ko

“Are you okay?” nag aalala nyang sabi at tinignan ang mukha ko, siguradong nakita nyang namumutla ako

“Yes b–boss” agap ko na sabi

“William” tawag ni stacy sa atensyon ni william ngunit ang atensyon parin nya ay nasa akin

Napasinghap ako nang hinawakan nya ang pisngi ko. Nakita ko sa gilid ko na nakatingin nang masama sakin si stacy, agad akong nag panic dahil sa nangyayare ngayon

“Your not feeling well?” nag aalalang sabi nya, hindi ko alam kung narinig ko ba ang pag lalambing sa boses nya o nagkamali lang ako nang rinig?

“Kanina ako yung masama ang pakiramdam, ngayon ikaw naman? Nahawa ka saken?” natatawang sabi nya kaya napasimangot ako

“William!” sigaw ni stacy kaya parehas kaming napatingin ni william kay stacy, mabilis ang pag hinga nito at parang sumabog na dahil sa galit

Lumapit si stacy kay william and cling to him like a snake “Can we go to your office now? May pinapasabi rin sakin si dad tungkol sa business” she reason out and glared at me

“Wait—” sabi ni william ngunit agad naman syang hinila ni stacy papasok sa opisina. Napabuntong hininga nalang ako at umupo na sa pwesto ko at umubob sa lamesa ko

I wonder…. Anong relasyon ang meron silang dalawa

I'm His Personal Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now