IHPS 33: Jealous

656 19 0
                                    

Akesha Pov.

Are they in a relationship or not?

Ayan ang tanong na kanina kopa iniisip at hindi masagot sagot dahil maging ako ay hindi alam ang sagot at naguguluhan rin. Nandito ako sa kwarto ko, nakahiga ako sa kama at nakatulala lang sa kisame nang kwarto ko

Aba teka nga? Bakit ko ito pinoproblema eh dapat wala akong pake sa kanila kung magkarelasyon ba sila o hinde!

Pero nang naiimagine ko na magkasama silang dalawa at sweet sa isa't isa. Hindi ko mapigilang mandiri sa iniisip ko at parang may kumukurot sa puso ko na hindi ko alam kung saan nang gagaling ang nararamdaman ko na iyon

Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Damn! Bat ba kailangan ko tong isipin? Wala naman ako sa posisyon upang tanungin sila kung mag karelasyon ba sila o hinde. Trabaho lang naman ang ipinasok ko dito hindi buhay nang ibang tao at saka secretary lang ako ni william wala akong karapatang mang himasok nang buhay nya kase sino ba naman ako para gawin yon?

Don't overthing too much Akesha! Nakakasama sayo yan at saka bat ba ako apektadong apektado sa kanila? I didn't like him at all!

'You don't?' patanong ko sa sarili ko. Yes i don't! Hindi ako mag kakagusto sa lalaking katulad ni William!

Tinakpan ko nang unan ang mukha ko at doon ay sumigaw ako nang mahina, alangan namang sumigaw talaga ako baka hampasin ako nang kawali nang kuya kong unggoy

Umayos nako nang higa at kinalimutan na ang iniisip ko kanina. Nag bilang muna ako sa utak ko bago ako nakatulog.

[SCHOOL]

Nag lalakad ako ngayon sa hallway nang school namen, nakasanayan ko narin na maaga akong pumapasok sa school para may time ako na maglakad dito sa loob nang school, malawak kasi at maganda pa ang mga tanawin

Napadpad ako sa field nang school kung saan dito ginaganap ang mga palaro dito sa school katulad nang basketball,volleyball,badminton at iba pa

Umupo ako sa bench malapit sa field at nakatingin lang dito, wala lang gusto ko lang magpahangin hanggang sa dumami ang mga estudyante at mag time na

Mag iisang oras ay tumunog na ang bell hudyat na time na, nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko namalayan na marami na palang estudyante nakakalat sa paligid, masyado akong naaliw sa tanawin kaya hindi ko napansin na may dumating nang estudyante

Tumayo na ako at nagsimulang mag lakad papunta sa classroom ko, naabutan kong nakaupo nanga ang mga kaklase ko ngunit wala parin ang teacher namin kaya ang iba ay nag kwekwentuhan muna sa gilid

Agad akong pumunta sa pwesto ko, andon narin si myca at nakakunot na nakatitig saken "Ngayon kalang dumating?" nagtataka siguro si myca dahil hindi naman ako gantong oras dumadating sa classroom dahil alam nyang maaga akong pumapasok

Umiling ako sa kanya "No. Tumambay lang ako sa may field, masyado kase akong maagang pumasok kaya naisipan kong tumambay muna don" pagpapaliwag ko

Tumango-tango lang sya sa sinabi ko kaya umupo nako sa tabi nya at nagsimula na kaming mag kwentuhan

"Talaga? Pumunta don si stacy?!" gulat na tanong ni myca, expected kona na ganto ang magiging reaksyon nya dahil pati ako ay gulat din dahil sa pag punta ni stacy sa kompanya

"Hindi konga ineexpect na kilala rin pala nya si william"

"Expected nayon gurl! Kase alam mo namang sikat dito si william sa school kaya siguro kilala nya" pag rarason ni myca. Pero i don't know eh parang hindi yon ang dahilan, parang magkakilala na sila dati pa.... O napaparanoid lang talaga ako?

"Pero parang close sila eh t-tapos kilala sya ni william" hindi ko maiwasan sa boses ko ang pagka kaba, hindi ko alam basta natatakot ako na baka may malalim silang relasyon maliban sa magkakilala lang

"Yan ang hindi natin alam kesh!" she snapped her fingers "Ikaw? Tanungin mo kaya sya. Tutal sexytary ka naman nya eh" narinig ko ang panunudyo sa boses nya kaya napairap ako

"It's a big no, myca. Wala akong karapatan na magtanong sa kanya nyan kase hindi naman kami masyadong close para mag tanong ako nang ganyang bagay tungkol sa buhay nya-"

"Or nagseselos kalang talaga?" mabilis na sabi nya at parang sinusuri ako

"W-What?" wala sa sarili kong sabi at ipinoproseso pa ang sinabi nya. Me? Jealous?! Wala sa vocabulary ko ang salitang yan

"Nagseselos ka dahil close sila william?" may pagdududa sa boses nya habang pinaniningkitan nya ako nang mata

"Of course not!" depensa kong sabi "I don't like him" mabilis kong sabi, nakita kong sumilay ang ngisi sa mga labi ni myca

"Wala naman akong sinabing gusto mo sya ahh" nanunudyo nyang sabi at tumawa pa nang malakas

"Parang ganon narin kase ang ipinaparating mo!" giit ko

"I don't! Ikaw ang nagsabi nyan, wala akong kasalanan!"

"Ikaw-" napatigil ako sa paghablot kay myca nang dumating na ang teacher namin sa science, kaya umayos na kami nang upo at itinuon na ang atensyon sa harapan

****

"Tapos kana?" tanong ko kay myca pagkatapos kong kopyahin ang nasa whiteboard

"Patapos na..." nagmamadali nyang sabi habang nagsusulat. Malapit narin kase ang uwian kaya nagmamadali kaming kumopya nang notes, baka mamaya maabutan pa kami nang bell mahalaga pa naman to

Nang tumunog ang bell ay sakto namang natapos si myca, nag sitayuan narin ang mga kaklase ko para umuwi na. Tumayo ako at niligpit na ang mga gamit ko at inilagay sa bag

"Tara na" sabi ko at isinukbit na ang bag ko, tumango lang sakin si myca at lumabas na kami sa classroom

"Saan-" hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang mag mahagip ako sa gilid nang mga mata ko ang lalaking nakasandal sa tapat nang classroom namin

Nang makita nya kami ay agad syang umayos nang tayo "Akesha.." sabi nya

"Oh lucas ikaw pala!" ngiti kong saad at nilapitan namin sya ni myca

"Hi lucas!" masiglang bati ni myca

"Hello myca" natatawang sabi nya kay myca at itinuon nya ang atensyon nya saken "Akesha... pwede ba tayong mag sabay umuwi?"

"Sure! Okay lang naman na isabay ka namin ni myca-"

"I mean.... Tayong dalawa lang sana" nagulat ako sa sinabi nya at tumingin kay myca na gulat rin syang nakatingin kay lucas

"If that's okay" tumingin sya kay myca na parang humihingi nang permiso "Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo. May sasabihin lang ako sayo" hindi ko alam kung tatanggi ba ako o pagbibigyan ang alok nya. Ayoko rin namang makonsensya pero parang ayoko ring sumama sa kanya dahil meron parin sa loob ko na hindi sya pinagkakatiwalaan. Hindi ko alam kung bakit basta yun ang pakiramdama ko

"S-Sure! Since kakasimula palang nang pagkakaibigan nyo, mabuti na ito para mas makilala nyo pa ang isa't isa" ngising saad ni myca "Sige na! Ako na muna ang mauuna" mabilis na sabi ni myca at nag paalam na samin

Ilang minuto kaming tahimik bago ko naisipang basagin ang katahimikang bumabalot sa pagitan namin "Uhh... ano nga uli ang sasabihin mo saken?" yun ang sinabi nya kanina right? Kaya kami nag sabay ngayon

"H-Huh?" wala sa sarili nyang saad at tumingin sakin, nakita ko na parang kinakabahan sya at kanina pa tumitingin sa relo nya

"Bakit? May kailangan ka bang gawin-" hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang may biglang nagtakip sa bibig ko nang panyo

Nag pumiglas ako ngunit masyadong malakas ang humahawak sakin kaya wala akong laban

Ang huli ko lang nakita bago ako mawalan nang malay ay ang mata ni lucas na punong puno nang pagsisisi

Sinubukan kong itaas ang kamay ko ngunit nilamon nako nang dilim

I'm His Personal Secretary (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara