/52/ Ang Paglalakbay sa Langit

13.2K 1.2K 1.5K
                                    

Kabanata 52: Ang Paglalakbay sa Langit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 52:
Ang Paglalakbay
sa Langit


"ANG sakit pa rin ng tiyan ko, mama!" daing ni Leo na kakagaling lang ng banyo.

Nasa kubyerta sila ng barko kung saan wala silang ibang makikita kundi mga ulap at langit. Si Jazis, Roni, at Vivienne ay nakatanaw sa malayo. Samantalang si Rahinel ay nakasandal lamang at nagpapahinga. Si Arki naman ay nakaupo habang hinihimas si Mari.

"Ayan, sino ba kasing nagsabi na kainin mo 'yung pilak?" sabi ni Roni nang humarap kay Leo.

"Ang dami mo rin kayang nilamon kaya huwag ka nang magtaka na sumasakit 'yang tiyan mo," sunod na sabi ni Jazis.

"Aghhh, mamamatay na 'ata ako," sabi ni Leo sabay higa sa kahoy na sahig.

"Huwag kang OA, itatae mo rin 'yong pilak," sabi ni Roni sabay halukipkip.

Dalawang araw na silang naglalayag paitaas ng langit. Paikut-ikot ang kanilang lipad paitaas. Katulad ng mistikal na bangka ni Bantugan ay may nagpuprotektang mahika sa kanilang barko kung kaya't nakakahinga sila nang maayos.

"Arki, okay ka lang?" tanong ni Leo nang mapansing tahimik siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Arki, okay ka lang?" tanong ni Leo nang mapansing tahimik siya.

"Ah, oo," sagot niya sabay binalik si Mari sa loob ng bayong.

"Wala bang katapusan 'tong pag-akyat natin sa heaven?" tanong ni Jazis. "Sa totoo lang ang ganda ng view kaso nakakaumay na."

"Himala yatang hindi ka na nagseselpon," manghang sabi ni Arki sabay tayo.

"Ah, ayon nawala eh, kainis kasi 'tong si Roni," sabi ni Jazis sabay turo sa katabi.

"Huh, bakit ako?"

"Hmp! Ewan ko sa'yo!" sabi ni Jazis sabay talikod at muling tumanaw sa malayo.

"Wow, may something ba na nangyari sa inyo noon sa gubat?" biglang pang-aasar ni Leo. "Ayiee!"

"Yuck, ew! 'Di ako pumapatol sa tikbalang!" inis na sagot ni Jazis.

"Selos ka naman, Leo?" pang-aasar ni Roni.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Where stories live. Discover now