/41/ Mga Paraan

24K 1.7K 345
                                    


Kabanata 41: Mga Paraan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata 41:
Mga Paraan


SAMANTALA, sa Srivijaya, ang gitnang mundo sa Ibayo. Sa isang masukal na kagubatan sa Pas'yim, ang kanlurang isla ng Srivijaya, tumatakbo sila Shiela at Karl sapagkat hinahabol sila ng tatlong lumilipad na halimaw.

Matagumpay silang nakatakas sa Kampo Dos, at dahil hindi pamilyar si Shiela sa Srivijaya, napadpad sila sa pugad ng mga Mangalok—isa itong mabagsik na halimaw, isang uri ng aswang na lumilipad, kaya nilang manlinlang sa pamamagitan ng kanilang mala-anghel na kagandahan—subalit tuwing gabi'y lumalabas ang kanilang tinatagong pakpak at kumakain ito ng mga lamang loob ng mga tao.

"Huwag kang lilingon, Karl!" sigaw ni Shiela sa kasama niyang nasa likuran. Patuloy ang kanilang pagtakbo.

Sa gitna ng masukal na kakayuhan ay maririnig ang malakas na pagaspas ng tatlong Mangalok. Buong tulin na tumatakbo si Karl at Shiela upang mailigtas ang kanilang mga buhay.

Iba ang mga halimaw na nakalaban ni Shiela noon sa Hilusung,napansin niya na may pagkakahalintulad ang Mangalok sa Manananggal na madalas niyang paslangin noon—pero hindi pa rin sigurado si Shiela dahil hindi niya alam ang teritoryo na kinaroroonan nila ngayon.

       Iba ang mga halimaw na nakalaban ni Shiela noon sa Hilusung,napansin niya na may pagkakahalintulad ang Mangalok sa Manananggal na madalas niyang paslangin noon—pero hindi pa rin sigurado si Shiela dahil hindi niya alam ang teritoryo na kina...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Takut na takot na tumatakbo si Karl.Rinig na rinig niya ang pagaspas ng mga Mangalok at pakiramdam niya ay palapit na ito nang palapit sa kanyang likuran. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at lumingon siya.

Nakita niya ang isang nangungunang Mangalok na nasa itaas niya, handa na siyang dambahin—bigla siyang natisod at nadapa.

"Shiela!" sigaw ni Karl.

Kaagad na huminto si Shiela, hinugot niya ang bolo na ninakaw niya sa isang kawal sa Kampo Dos at buong lakas niyang hinataw ang ulo ng Mangalok na nakalapit kay Karl—muntik na itong makagat.

Tumalsik ang ulo ng Mangalok at nadaganan ng katawan nito si Karl. Dali-daling tinanggal ni Karl ang nakakasulahok na katawan ng Mangalak sa kanyang ibabaw. Inalalayan siya ni Shiela at muli silang tumakbo.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)On viuen les histories. Descobreix ara