WST 079

3.3K 148 149
                                    

Messenger
October 31

SULLIVAN'S ANGELS 👼🏼

Eugenie
Ang taray naman ni Sim!
May pa-date agad kay Lewis kahapon! ☺️

Simone
Enebe hindi date 'yon.
Friendly lunch lang! 🙈

Rhien
Mukhang mas speed pa 'tong si Lewis kay Israel, ah. Haba ng hair mo, bb Sim! 🥰

Simone
'Wag kayong masyadong kiligin diyan, girls! Baka magalit ang gwardiya sibil! 🥶

Eugenie
Haha! Kuya Sulli, may bagong binyag na naman sa'yo si Sim! 😝

Sullivan
Ikaw Simone Felize, sinasabi ko sa'yo...
Kapag nasaktan-saktan ka na naman dahil sa karupukan mo, 'wag ka nang magpapabili sa akin ng sandamakmak na ice cream, ha? Nauubos ang allowance ko sa kakaalo sa'yo.

Simone
Hahaha! Ito naman. Friends nga lang kami ni Little Drummer Boy. Nega mo naman kambal, wala pa nga pero heartbreak na agad ang pine-predict mo. 'Wag ka nang magalit, please? Love youuuu, Curly Tops! 😝

Eugenie
Sim, tigilan mo na ang kakabinyag ng kung anu-anong pangalan sa kakambal mo. Kaya mainit lagi ang ulo sa'yo, e! 🤣

Sullivan
Bahala ka na sa buhay mo, Flat Tops.

Rhien
Bakit naman naging Flat Tops si Sim? 😅

Sullivan
Flat ang dibdib, e.

Simone
BASTOS! 😤

Eugenie
HAHAHA
Nakaka-stress kayong dalawa! 😂

Rhien
Genie, kumusta pala ang pagdalaw ni Israel sa inyo noong nakaraan? First time niya 'yon as your boyfriend! 🥰

Eugenie
Okay naman, Rhi. Alam niyo naman 'yong si Israel, mabilis kagaanan ng loob ng lahat. He's already at ease with my family. Lalo na kay Rus. Nagkaroon ng bagong kuya ang bunso namin. 😁

Rhien
Aww! That is so cute! 🥺
I'm really happy for you, bb. ❤️

Eugenie
Thank you, Rhi. 😘

Sullivan
Hindi naman ba na-grill ni Tito Ruel si de la Torre, Genie?

Eugenie
They did talk, one-on-one. Katakot nga, kasi dinala pa siya ni Dad sa study room. Para talagang private ang usapan nila. 😬 Pero paglabas naman nilang dalawa, nakaakbay na si Dad kay Israel, haha!

Simone
Hala huhu swerte ni Israel!
Botong-boto ang family mo sa kanya! 😍

Eugenie
Kaya nga, e. Ako naman ngayon ang kabado. Israel's parents are inviting me over to their home, too. 🙈

Rhien
Don't be nervous, bb! For sure naman, magugustuhan ka rin ng parents ni Israel. ☺️

Eugenie
Sana nga. 🥺

Sullivan
Chill ka lang, bunso. Ideal girl ka kaya. Imposibleng hindi ka tanggapin ng mga magulang ni de la Torre. Baka nga magkumahog pa sila na ipakasal ka sa anak nila.

Eugenie
Aww, Kuya Sulli. 🥺
You are the sweetest kuya, ever.

Simone
E ako kambal, ideal girl din? 🙈

Sullivan
Girl ka lang. Hindi ideal.

Rhien
Haha! Kuya Sulli! 🤣

Eugenie
Bakit ba ganyan kayong magkapatid?
Saan ba nag-ugat 'yang long-standing niyong away, ha? 😆

Simone
Ewan ko nga ba riyan huhu init lagi ng dugo sa akin! Lagi mo na lang akong inaapi, Sulli. 😭

Sullivan
As if naman hindi ka ganyan sa akin.
'Wag kang mag-inarte riyan, Simone Felize.
Ganito lang ako sa'yo, pero kapag kinanti ka, handa akong pumatay para lang iresbak ka.

Eugenie
AWWWW 🥰

Rhien
The sweetest kuya, indeed. 😍

Simone
Hala na-touch ako huhu punta ako riyan sa kwarto mo, hug kita. 😭

Sullivan
'Wag na, baka masira lang ang araw ko.

Simone
Wala ka nang magagawa!
Be ready for my incoming hug
HOY PAGBUKSAN MO AKO NG PINTO

Sullivan
Ayoko nga, bahala ka riyan. 😏

Eugenie
Grabe, haha! Tanggapin mo na ang hug ni Sim, Kuya Sulli! 😁

Rhien
True. Minsan lang 'yan maging sweet. 😛

Sullivan
Hayaan niyo siya. 😂

Simone

Seen by everyone

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Seen by everyone

We Should TalkWhere stories live. Discover now