WST 064

3.4K 187 161
                                    

Messenger
October 01

Eugenie
AAAAHHHH

Israel
Napaano ka, baby ko?

Eugenie
You are so right, Israel!
Brent is a motherfugger. 😤

Israel
Bakit, anong ginawa sa'yo ng kumag na 'yon?
*tinaas ang magkabilang manggas*
*ready nang manapak*

Eugenie
Hahaha!
Ano ba, naudlot naman ang gigil ko!
Wattpad writer ka ba? 🤣

Israel
Pinapatawa lang kita. 😆
Pero teka, seryoso na muna. Anong ginawa sa'yo ni Felipe, ha?

Eugenie
Assumero ang loko!
Kaya ko raw siya dinadamayan ngayong break na sila ni Rhi ay dahil gusto kong sa akin mabaling ang atensyon niya! 😤

Israel
Oh, wow. What an ungrateful jackass.
'Yan na nga ba ang sinasabi ko.
Dapat talaga, nilalayuan mo na ang lalaking 'yon. Hindi ko talaga gusto ang tabas ng mukha ni Felipe, sa umpisa pa lang.

Eugenie
Well, I already cut ties with him.
I am sooo over that guy.
Uuughhh
Can't believe I wasted three years fancying him!

Israel
Ayan kasi. Kung ako na lang sana ang naging crush mo sa umpisa pa lang... 😏

Eugenie
Hayaan mo na.
Ikaw naman na ang crush ko ngayon. 🙃

Israel
*hinimatay sa kilig*

Eugenie
Para ka talagang timang. 🤣

Israel
Wait lang, baby.
Hindi ako makahinga.
Rerecover muna ako. 😭

Eugenie
Sige lang, take your time. 😂

Israel
Okay. I'm back. 💪🏻

Eugenie
Sure kang ayos ka na?
Baka nangingisay ka pa riyan, ha? 😝

Israel
Grabe ka naman kasi, Ms. van Acker!
Pangarap ko lang dating sabihin mo sa akin 'yan. Pucha. Sarap sa pakiramdam na nagkatotoo na. 😭

Eugenie
Ako lang 'to, Israel.
Kumalma ka riyan. 🙃

Israel
Kailanman ay hindi ka magiging "lang" para sa akin. I've always put you high up on a pedestal. Hindi na magbabago 'yon.

Eugenie
Bakit ka ganyan? 🥺

Israel
Epekto mo 'to sa'kin.
'Wag ka nang magtaka.
You, Genie, are my wish come true. ❤️

Eugenie
THANKS FOR MAKING ME CRY, MR. DE LA TORRE. I DON'T EVEN KNOW WHY I'M TEARING UP, BUT HERE I AM.
UUGGGHH

Israel
Shit. Bakit ka naman umiyak?
Genie naman.
Puntahan kita ngayon?

Eugenie
Gags, 'wag na. Okay lang ako. 🙃
Nakaka-overwhelm lang.
After liking someone who doesn't even care about me for so long, now comes a guy who always make me feel special.
Thank you, Israel. ❤️

Israel
You're welcome, baby. ❤️
I've already told you, haven't I?
You ARE special. Don't let anyone else make you think otherwise. But, if in case someone makes you doubt your worth again, I'll be here to remind you of it. Pangako 'yan.

Eugenie
Bwisit ka. Lalo mo akong pinapaiyak!
Sige na nga, lumabas ka muna ng dorm niyo!
Payakap. 🙈

Israel
Ito na po, ma'am. Tumatakbo na, kahit nangangatog pa ang mga tuhod. 😁

Eugenie
Haha, sira ka talaga. 😊

Israel
Dito na po ako sa harap ng dorm niyo, ma'am. May delivery ka po ng yakapsul. 🤗

Eugenie
Pababa na po para i-claim. ❤️

Seen 08:08 PM

We Should TalkWhere stories live. Discover now