WST 020

3.8K 165 91
                                    

Messenger
May 04

SULLIVAN'S ANGELS 👼🏼

Simone
Shet na malagket. Bored na bored na ako rito sa bahay! Sawang-sawa na ako sa mukha ni Sullivan!

Sullivan
Back at you, twin sis. 😏

Simone
Mabuti pa sina Rhi at Genie, may mga love life. Hindi nabo-bore ngayong bakasyon.
Miss ko nang magka-boyprend. 😩

Eugenie
Pinagsasabi mo, Sim?
Si Rhi lang naman ang may boyfriend sa atin ngayon. 🙄

Simone
Sus, kunwari ka pa! Wala ka ngang boyfriend, pero may kaharutan naman. 😜
Araw-araw kayong magka-text at chat ni Israel, 'no?

Eugenie
Hindi, ah!

Simone
Weh? Mamatay man si Sulli? 🤣

Sullivan
Mauna ka, Simone Felize. 🖕🏻
Ano, Genie, hindi ka na nga ba tinatantanan ni de la Torre?

Eugenie
Ang kulit niyong kambal! 😒
At ikaw, Simone Felize, bakit mo nga pala binigyan si Israel ng picture ko na kumakanta ako sa debut ni Rhi?

Simone
Aba, e sa nangungulit si Classmate na bigyan ko siya ng pictures mo. Anong magagawa ko?
Tsaka bet ko siya para sa'yo. 😄

Eugenie
Binubugaw mo na ako, Sim.
Ano bang meron kay Israel, ha?
Bakit ang dami niyong may bet sa kanya?
Itong si Mom at Leigh din, panay ang kantyaw sa akin sa kanya. 🤦🏻‍♀️

Simone
Jusko naman, Genie. Si Israel de la Torre 'yon! Gwapo, matalino, may sense of humor, bonus pa dahil chess champion! Choosy ka pa ba, 'te?

Eugenie
Sigurado naman akong hindi lang siya ang gwapo, matalino, may sense of humor, at chess champion sa mundong ito.

Simone
Gaga. Pero siya ang pinaka-within your reach! May iba pa bang ganyang lalaki na umaaligid sa'yo, ha?

Eugenie
Maka-"gaga" ka naman sa akin, Sim! 😭

Simone
Naiirita na kasi ako sa'yo! May I remind you, hindi ka naman namin ibubugaw kay Israel kung hindi ka rin namin nakitaan ng interes sa kanya. Sumama ka pa nga sa kanya for a "friendly gala" remember? Wag kami, Eugenie. 😒

Eugenie
😝😝

Sullivan
Patulan mo na si de la Torre, Genie. Halatang patay na patay sa'yo, e. Para naman maranasan mo na ring magka-love life.

Eugenie
Bawal pa nga. Kita niyong ang higpit ni Dad.

Sullivan
May magagawa pa ba si Tito kapag sinagot mo na si Israel?

Eugenie
Wow, napaka-good influence naman ng pinsan kong 'to. 😅
Hindi naman nanliligaw sa akin 'yon.

Simone
Hindi ba? E bakit may pa-deliver ng pad thai sa'yo noong nakaraan?

Eugenie
Napakadaldal talaga ni Everleigh! 😤

Simone
Mana sa kanyang Ate Sim. 🤣

Sullivan
Sa ating apat, ikaw na lang ang wala pang experience sa pakikipagrelasyon, Genie. Kita mo nga 'yang mukha ni Sim, nagka-boyfriend na. Papatalo ka ba?

Simone
Lakas makainsulto nito! Nagtaka ka pa bang may pumatol sa akin, e sa'yo nga, meron? Paano ka nagka-gf gayong lagi kang nakasimangot?

Eugenie
O, mag-aaway na naman kayo! Awat na. 🤣

Simone
Bwisit kasi 'tong si Sullivan Felix. 🙄
Mabalik tayo sa inyo ni Israel, Genie.
Mabait naman 'yon, makulit lang talaga.
Naalala mo dati, noong second year? Kami ang na-assign na maging magka-partner sa final project natin for Architectural Design.

Eugenie
Yup, I remember. Bakit, anong nangyari?

Simone
Halos wala akong na-contribute do'n sa project. Si Israel lang ang kumilos dahil mas kailangan kong mag-review para sa remedial exam para sa aming mga nanganganib mag-fail sa Theory of Architecture.

Eugenie
Hinayaan ka lang niya na walang contribution sa output niyo?

Simone
Hindi lang hinayaan. Siya pa mismo ang nagsabi sa akin na mag-review na lang ako. Kung hindi niya 'yon ginawa, baka hindi ko naisalba ang grade ko sa ToA.

Eugenie
Huh. I didn't know that.
May puso pala si Israel.

Simone
Kaya nga don't judge him too harshly, girl!
Jackpot ka ro'n kay Israel, promise. ☺️

Sullivan
Makinig ka kay Mother Bugaw, Genie. 🤪

Simone
Hoy! Anong tawag mo sa akin? 🤣
Gusto mong pumunta ako riyan sa kwarto mo para batukan ka?

Eugenie
Nakaka-stress kayong magkapatid! 🤣
Wait lang, pansin kong walang paramdam si Rhi. Ilang araw na siyang hindi online.

Simone
Tawagan ko later para kumustahin.

Eugenie
Okay! Balitaan mo kami, Sim.
I'm starting to worry about her. ☹️

Seen by everyone

We Should TalkWhere stories live. Discover now