☢️ CHAPTER 9☢️

Start from the beginning
                                    

"Ahh.  .   ." Nahihiya niyang hinaplos ang batok niya. "K for Kent."

Inilahad niya ang kamay niya for a handshake at tinignan ako with a smile. "Kent Villanueva. Just call me Kent or K whichever you prefer."

Masayang tinanggap ko ang handshake niya at sakto namang dumating ang order namin.

“So Kent,” finally knowing his name makes me happy. “saan ka dinala pagkatapos ng gabing yun? Nag-out of the country ka ba? Lumipat ka ba ng paaralan? Nag-enroll ako sa high school na pinapasukan mo noon at nagbasakali na makita kita doon pero wala ka. Bakit bigla kang nawala? Anong bang nangyari? Bakit.   .  .?” napatigil ako nang mapagtantong ang dami ko nang nasabi at ang bilis kong nagsalita. Baka wala siyang naintindihan.

Ngumiti lang si Kent at humigop sa kape niya bago nagsalita. “Dahan-dahan lang sa pagtanong, Twilight. Sasagutin ko naman lahat eh.”

I shyly grin at him. Ang bait pa rin talaga niya hanggang ngayon.

Malalim na huminga si Kent bago siya malumanay na sumagot. “Pagkatapos ng gabing yun, lumipat kami ng pamilya ko. Sabi ng papa ko, masyado na daw delikado para sa akin kaya napagpasyahan naming lumipat sa probinsya. Hindi kami lumabas ng bansa, Twilight. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagpakita sayo. Natatakot ang papa ko sa kung anong pwedeng mangyari ulit kaya as much as possible, we avoid any publicity. Namumuhay lang kaming tahimik at lowkey.”

May naalala ako bigla. “Kamusta pala ang sugat mo sa likod? Aissh, hinding-hindi ko malilimutan ang nagawa ni Victor sayo. Nag-alala ako ng sobra sa dami ba naman ng dugong dumaloy mula sayo nung gabing yun.”

“A-ahh.  .  .” napatawa ng mahina si Kent at bumaling sa kape niya. “Y-yung sugat ko sa likod?” ngumiti siya sa akin. “Huwag kang mag-alala, nagamot naman na yun.”

“Halla, kundi talaga dahil sayo, ako na ang may malaking peklat ngayon. Patingin nga ng likod mo, gaano kalaki yung−”

Tumayo ako at akmang lalapit sa kanya pero pinigilan niya ako. “Uy, teka lang Twilight.” Nahihiya siyang tumingin sa paligid namin. “Masyadong madaming tao dito.”

“Hindi, itaas mo lang ng konti yang damit mo.”

Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ako pabalik sa upuan ko. “Tsaka na Twilight, okay? Baka maeskandalo ako dito.”

Oh shems, oo nga.

“So, naging radtech ka pala.” Pahayag ni Kent.

“Ah, oo.” Proud kong sabi. “ikaw?”

“Soon-to-be CEO ng kumpanya namin.”

Wow.

May tatanungin pa sana siya pero naramdaman ko ang biglang pagvibrate ng phone ko sa bag ko.

“Ay, sorry. Wait lang ha.” Paumanhin ko kay Kent bago ko kinuha ang phone ko at napakunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag. Si Krypton.

Ni-reject ko ang tawag at binalik ang phone sa bag ko pero nagvibrate ulit. Inis kong kinuha ulit at nilagay sa silent mode nang magpop-out ang isang message galing kay Alee.

Alee: Dumaan dito di Krypton, hinahanap ka pero sinabi ko na nauna ka ng umalis.

Aissh.

“Kent, sorry ha. Rereplayan ko lang itong best friend ko.”

“Sige lang. No worries.” Ngumiti si Kent at nireplayan ko na si Alee: Ok. Thanks. Chat u later.

Ibinalik ko na ang phone sa bag ko at bumaling kay Kent.

“Baka pinapauwi ka na ng best friend mo.” Sabi ni Kent pero umiling ako.

“Ay hindi naman. Some.  .  . unimportant matters lang.”

Tumango si Kent bago nagsalita, “So kamusta ang pagiging radtech?”

Ngumiti ako ng malapad. “Well, it’s fun. Two years pa lang ako dito at na-eenjoy naman, you know, working with different kind of patients and working hand in hand with the doctors in diagnosing diseases gamit ang x-ray.”

Namamangha akong tinitigan ni Kent at proud na ngumiti sa akin. Napatigil ako at tinitigan siya. I was not able to see him clearly noong nakidnap kami ten years ago at ngayon na nasa harap ko na siya, parang gusto kong isaulo ang bawat sulok ng mukha niya. His thick eyebrows, pointed nose, smooth skin−

"May dumi ba sa mukha ko?"biglang tanong ni Kent kaya nahihiya akong bumaling sa basong nasa harapan ko. Shems, nakakahiya. He caught me staring at him.

Tumikhim ako. "Uh, wala."

Nagkibit-balikat siya at tumuon sa kape niya.

“Kailan pala next duty mo at magpapa-x-ray ako sa ulo sana.”

Nag-aaalalang tinignan ko siya. “Ha?Bakit? Anyare sa ulo mo? May masakit ba sayo? May a−”

“Gusto kong makita kung ikaw pa rin ang laman ng isipan ko.”seryoso niyang saad at napaawang ang bibig ko.  Shems, bakit ako kinikilig?

Ilnag segundo ang lumipas bago tumawa si Kent. “Biro lang.”

“Ah,” napatawa na din ako. “Akala ko may sakit ka.” Kinakabahan akong humigop sa baso ko at umiwas ng tingin.

“Pero Twilight,” biglang sumeryoso ulit ang boses ni Kent kaya bumaling ako sa kanya. “maniwala ka sa hindi, ikaw ang laman ng isipan ko nitong mga nakalipas na taon. Lagi kong iniisip kung kamusta ka na kaya, kung hawak mo pa ba ang necklace na binigay ko sayo, kung nasaan  ka na, kung paano−”

Bigla siyang huminto sa pagsasalita at tumingin sa tabi ko. Naramdaman ko ang isang presensya sa tabi ko kaya napalingon ako at tumingin pataas. My jaw literally dropped.

Aissh.

“K-Krypton,” gulat kong sabi at napatayo agad. “anong ginagawa mo dito?”

---



Good evening, lovely readers🥰
I hope you are all doing fine amidst this pandemic.
Stay safe po tayo and God bless po❣️

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now